Chapter 40

14 1 0
                                    

Ito na po ang last chapter ng Free Fall. Salamat sa lahat ng nagbasa mula Prologue hanggang dito. Epilogue will be posted after this. Salamat sa inyong lahat! Mwaa!

======

Four months later...

Kasalukuyan akong gumagala dito sa mall para bumili ng damit ni baby. Si Zech ay mag tatatlong buwan na sa Skie Entertainment. Nag umpisa na din ang teleserye niya at pinapalabas na ito kada gabi. Nasa shooting siya ngayon kaya mag isa ko lang dito. Si Zach ay naiwan kila mommy dahil namiss daw nila si Zach kaya dun muna siya ngayon.

"Uy! Samahan mo naman akong mag shopping. Libre kita, promise!" Sabi sakin ng isang babaeng medyo may kahabaan ang buhok. Mestisa siya at bagay na bagay sa kanya ang kulay niya.

Sino 'to?

"I'm not here to buy clothes for me. I'm sorry." Naglakad ako papunta sa place kung nasaan ang damit na pang babies.

"Please? Sige na. Mag isa ko lang eh." Nag pout siya sa harapan ko.

"Oh sige. Pero saglit lang tayo ah?" Tanong ko. Mabilis naman siyang tumango.

"Alam mo, bagay sayo 'to." Inabot niya sakin ang isang puting dress. Mahaba ang laylayan nito sa likod pero sa harap ay hanggang taas ng tuhod ko ito.

"Talaga?" Isinukat ko ito at bagay nga talaga sakin. Mas na expose ang shape ng katawan ko dahil medyo hapit ito. Nang hinubad ko na ito ay ibinalik ko na kung saan ito nang galing nang bigla itong ilagay nung babae sa basket na hawak niya.

"Bagay sayo 'to kaya bibilhin natin." Aniya. Umiling ako.

"Hindi na." Sagot ko pero hindi nalang niya ako pinansin hanggang sa napunta kami sa mga sandals.

"Try this." Inabot niya sakin ang puting five inches na heels na may patulis sa harap. Ginawa ko ang sinabi niya. Bakit nga ba ulit ako sumama sa isang stranger? Argh!

Inilagay niya ulit iyon sa basket kaya hinayaan ko nalang siya. Libre naman niya kaya why not diba? Minsan lang 'to kaya let's go!

"Tignan mo oh! Ang cute!" Kinuha niya ang isang flower crown at nilagay ito sa ulo ko. Umiling iling ako sa ginawa niya at hinayaan nalang siya.

"Bakit wala kang binili para sayo?" Tanong ko nang mapagtanto kong para sakin lang lahat ang laman ng basket.

"Wala akong gusto." Simple niyang sabi at kinuha ang credit card niya.

"Kain tayo?" Tanong niya sakin kaya tumango ako. Medyo nagugutom din kasi ako. Nang nasa restaurant kami ay ibinigay niya sakin ang paper bag.

"Isuot mo na 'to ngayon." Aniya. Kumunot ang noo ko.

"Bakit?" Tanong ko. Itinulak niya ako papasok sa cr ng restaurant kaya sumunod nalang ako sa kanya.

"Tara na?" Tanong niya sakin pagkatapos ko.

"Teka, saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko.

"Sumama ka lang sakin. Trust me." Hinawakan niya ang balikat ko.

"Oh-kay." Unti unti akong tumango. Nag drive siya papunta sa kung saan. Medyo malayo din ito pero mabilis kaming nakarating.

Beach?

"Kasal ng pinsan ko at wala akong kasama kaya sinama kita." Nanlaki ang mga mata ko. What the heck?! Ni hindi ko nga kilala kung sino ang ikakasal tapos sinama niya ako dito? Is this girl insane?!

"Anyway, bagalan mo lang ang lakad mo diyan sa red carpet. Bye!" Tinuro niya ang red carpet tsaka siya tumakbo paalis. Kunot noo akong lumapit sa door-kuno. Open kasi dito kaya may parang door na naka harang sa red carpet. Nang buksan na ang pinto ay ako ang bumungad sa kanila. May pari sa harap at lahat ng tao ay nakatingin sakin. Katulad ng sinabi nung babae kanina ay mabagal lang akong naglakad. Naka dress naman ako at may flower crown. Tapos bago ako tumapak sa red carpet ay binigyan ako ng bulaklak.

Habang tumatagal ay nakikilala ko ang mga tao. Nakita ko sila mommy at daddy sa harap. Nakita ko si kuya at Nate na nasa pinakaharap na upuan. Ang mga pinsan ko at mg kaibigan. At sa harap, nakita ko si Zech na nakatayo, nag aantay sakin. Tumulo ang luha ko.

Nang nakarating na ako sa harap ay niyakap ako nila mommy at daddy.

"Finally." Sabi ni daddy. Sa likod ni Zech ay may nakita akong lalaki at babae na halos kaedad lang nila mommy. Lumapit ako sa kanya.

"This is Xei, my wife." Pakilala ni Zech sakin sa mga magulang niya.

"We finally met, Xei." Niyakap nila ako. Ngumiti ako sa kanila.

"Nice to meet you po." Ikinawit ko ang kamay ko sa braso ni Zech at naglakad kami patungo sa paring nasa harap namin.

"We are gathered here to witness the wedding of Zecharri Xian Ville and Krishna Xeiarah Madriga." Pag uumpisa nung pari. Marami pa siyang sinabi na kung ano ano hanggang sa nagpalitan na kami ng vows. Hindi ako prepared pero wala naman 'yun sa preparedness eh, basta mahal ko siya.

"I, Zecharri Xian Ville take you, Krishna Xeiarah Madriga as my wife until forever. I will love you today, tomorrow, forever and ever in sickness and in health, 'til death do us part." Aniya tsaka niya ipinasok sa daliri ko ang singsing.
Medyo natawa pa ako sa forever and ever na sinabi niya pero masaya ako. Sobrang saya.

"I, Krishna Xeiarah Madriga take you, Zecharri Xian Ville as my husband. I promise to love you until my last breath. In sickness and in health, 'til death do us part." Ipinasok ko ang singsing sa daliri niya. May mga sinabi pa ang pari tsaka niya inanunsyo ang pinakahihintay ng lahat,

"I will now pronounce you as husband and wife, you may now kiss the bride."

Unti unting linapit ni Zech ang mukha niya sakin. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti din siya. Nagdikit ang mga ilong namin at nararamdaman ko na ang kanyang hininga.

"I love you, my queen." Aniya.

"I love you too, my king."

Idinampi niya ang labi niya sa labi ko at narinig kong nagpalakpakan ang mga tao.

"I love you so much. Damn! This is the happiest day of my life."

===

Free Fall Where stories live. Discover now