Chapter 17

17 1 0
                                    

Nagising ako dahil naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang puting ceiling ng hospital. Tahimik lang ang paligid at walang ibang maririnig kundi ang tunog ng machine na nasa tabi ko.

"Xei, you're awake?" Narinig kong tanong ni Zech kaya napalingon ako sa kanya.

Tumango ako at ngumiti.

"I'm sorry. God! I'm so sorry, baby." Hanggang ngayon ay hawak hawak niya parin ang kamay ko.

"Xei?!" Bumukas ang pinto at iniluwa nito sila mommy, daddy, kuya at si Nate. Aba? Kumpleto ah?

"Are you okay? My ghad! What happened?" Balisang tanong ni mommy sakin.

"What happened, Zech?" Tanong ni daddy kay Zech.

"She passed out when we're at the restaurant, eating our lunch." Sagot ni Zech.

"Ate Xei!" Tumabi sakin si Nate at umiyak siya.

"Nate, stop crying."

"Why are you there? Are you sick, ate? No way!" Sigaw niya.

"Ano bang kinain niyo?" Tanong ni kuya sakin.

"He let me eat the shrimp. Hindi ko alam na maanghang 'yun kasi sabi niya hindi daw maanghang kaya kinain ko." Sagot ko. Mabilis na kwinelyuhan ni kuya si Zech kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Kuya!" Suway ko.

"Tangina mo! Muntik mo nang mapatay ang kapatid ko! Pinakain mo siya ng maanghang?! At talagang nagsinungaling ka pa ah? Bakit? Pagtri tripan mo ang kapatid ko by letting her eat that spicy damn shrimp?!" Sigaw ni kuya kay Zech.

"Kuya, enough! Hindi niya alam okay? He doesn't know!" Sigaw ko. Ghad! What the hell's going on? Are they fighting in front of me? Tss.

"Tinanong mo ba kung maanghang 'yung shrimp?" Tanong ni kuya sakin.

"I did." Sagot ko.

"Gago ka pala eh!" Siyaw ni kuya kay Zech. "Tinanong pala ng kapatid ko eh dapat sinabi mo nang maanghang 'yun! Edi sana wala siya dito!" Dinuro ni kuya si Zech.

"Kuya, tama na please?" Paki usap ko.

"Look what you've done!" Pahabol niya.

"Maiwan muna namin kayo. I think you two need to talk." Sabi ni daddy kaya lumabas muna sila. Naiwan kami ni Zech sa loob ng kwarto.

"I don't know what the hell's going on." Panimula ni Zech.

"I'm sorry." Sabi ko. Umupo siya sa upuang nasa tabi ng kamang hinihigaan ko.

"Sorry kasi hindi ko sinabi sayo na may allergy ako sa spicy foods. I'm sorry. I should've let you know." Hinawakan ko ang kamay niya.

"No. It's my fault. Tama si kuya mo eh. Dapat sinabi ko agad na maanghang 'yun. Dapat hindi ko nalang naisip na pagtripan ka. I'm so sorry." Ipinatong niya ang ulo niya sa magkahawak na kamay namin.

"It's okay--"

"It's not. Ang dami ko nang nagawang hindi maganda sayo. Pakiramdam ko tuloy ang sama sama ko na sayo. Oh ghad!" Aniya.

"Zech, stop it." Suway ko.

"It's my fault I'm so sorry."

"Stop blaming yourself. It's no one's fault okay?" Ngumiti ako.

"Thank you, baby." Tumayo siya at hinalikan ako sa noo. Ghad! That kiss makes me feel precious.

Nang gumabi na ay lumabas na ako ng hospital. Sabi ng doctor ay naubusan lang daw ako ng oxygen sa katawan kaya hindi ako nakahinga. Sinabihan rin niya akong 'wag nang kumain ng spicy foods kung ayaw kong mangyari ulit 'to.

"Are you sure you don't want to go home with us?" Tanong ni mommy sakin.

"No, mom. It's okay." Tumango siya at nag paalam na.

"Let's go?" Tanong ni Zech.

"Sure." Pinagbuksan niya ako ng pinto at sinarado ito nang maka pasok na ako.

Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan hanggang sa narinig kong tumunog ang cellphone ko.

"Gab!" Bati ko nang makita kong si Gab ang tumatawag sakin. Si Gab ang kaibigan ko simula first year college hanggang ngayon pero madalang nalang kaming mag usap ngayon dahil sa trabaho.

"Masyado mo naman ata kong namiss?" Pag aasar niya.

"Aba! Hindi naman masyado." Sagot ko habang natatawa. God know how I miss this man!

"Kita naman tayo bukas." Aniya.

"Talaga? Sige, sure! Saan?" Tanong ko. Hindi naman ako excited masyado diba?

"Dun sa coffee shop namin. Alam mo ba kung saan 'yun?" Tanong niya.

"Oo naman!" Ang saya ko masyado ano ba. -_-

"Talaga? I already invited the whole gang." Aniya.

"Really? Oh my god! This must be exciting!" Gigil kong sabi.

Lima kaming magkakaibigan o gang kung tawagin namin. Bakit gang? Kasi wala lang. tatlong lalaki at dalawa naman kaming babae.

"Alright. Tomorrow okay? 8:30 am." Paalala niya.

"Sure! See you tomorrow." Binaba ko ang tawag ng may ngiti sa labi.

I'm going to see my college friends tomorrow so I must prepare so bad! Ghad! I'm excit--

"Who is Gab?" Naputol ang pagka excite ko nang magsalita si Zech. Nakalimutan ko nga palang andito ako sa loob ng sasakyan. Nakakahiya ako! Siguro ay ang lakas ng boses ko kaninang tumawag si Gab. Shocks.

"My college friend." Bumaba ako ng sasakyan niya nang makarating na kami sa parking lot.

"Friend only?" Tanong niya.

"Yeah. Why?" Tanong ko pabalik.

"Just making sure. Gab is your friend. Friend only." Paulit ulit niyang sabi.

Naglakad kami papunta sa elevator.

"Friend only." Hindi matapos tapos niyang sabi.

Nang nasa loob na kami ng elevator, hindi parin siya tumitigil.

"Gab is just your friend right?" Palagi niyang tanong at ako naman ay puro 'oo' lang ang sagot.

"Fvck! Just friends." Aniya. Napairap nalang ako.

"Ano bang problema kay Gab?" Tanong ko nang bumukas ang elevator.

"Gab? Your friend right?" Tanong niya.

"Yes. Gab, my friend." Sagot ko.

"Just friends?" Tanong niya na naman.

"Oo nga! Paulit ulit ka ano ba?" Sigaw ko sa kanya.

"What's wrong with you? What's wrong with Gab?" Kunot noo kong tanong ko.

"Gab is just your frie--"

"Oo nga! Ang kulit!" Sigaw ko. Malapit na akong maubusan ng pasensya dito ah. Pigilan niyo ako.

"Gab. Gab is your friend." Bullshit! Ano bang problema niya?

"Seriously? What's your problem?!" Inis na sigaw ko.

"I'm starting to get jealous and I can't help it!" Sigaw niya pabalik.

Damn!

===

Free Fall Where stories live. Discover now