Chapter 32

19 1 0
                                    

Xeiarah POV

Iyak lang ako ng iyak dito sa kwarto ko. Iniisip ko kung tanggap ba ni Zech 'yung baby o hindi dahil pinagsarahan niya ako ng pinto. Miss na miss ko na siya at gustong gusto ko na siyang yakapin.

Ang lahat sa kanya ay miss na miss ko na. Ang kanyang nakakalasing na halik at ang kanyang mga yakap.

Mag isa ko ngayon sa unit ko dahil hindi daw muna makakapunta ditk sila mommy. Wala daw kasing mag aalaga kay Nate dahil may trabaho si daddy at kuya.

Ilang saglit pa ay may narinig akong katok mula pinto ko. Tumakbo ako at binuksan ko iyon.

"Zech!" Lumandas ang aking nga luha sa pisngi ko. Hindi ko mapigilan ang hindi lumuha dahil andito na siya sa harap ko. . .ulit.

"Pasok ka." Mas nilakihan ko ang buka ng pinto kaya naman pumasok siya. "Maupo ka. May gusto ka bang inumin o kainin--"

"Xei, I'm sorry." Natahimik ako sa sinabi niya. Ilang sandali pa bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita.

"Hindi mo ba t-tanggap si b-baby?" Nanginginig na sabi ko.

"I'm sorry dahil ang gago ko. I'm sorry kung paulit ulit kitang sinasaktan. This time, pangako, Xei. . .pangako nagbabago na ako. Hinding hindi na kita sasaktan just please. . .let me prove to you that I love you. Gagawin ko lahat, Xei, basta hayaan mo lang ako sa tabi mo." Nakita ko ang luha sa mga mata niya. Wait, is this really happening? Umiiyak siya sa harapan ko? Omg!

"I love you." Sagot ko sa mahabang paliwanag niya.

"Damn!" Ginulo niya ang buhok niya tsaka niya ako niyakap.

"I love you too." Bulong niya sakin habang yakap yakap niya ako. Nang humiwalay na ako sa yakap ay nakatingin lang siya sakin.

"Magiging tatay na ako?" Tanong niya sakin. Tumango ako. "I want your answer."

"Yes, Zech. Buntis ako." Sagot ko sa kanya. Niyakap niya na naman ako tsaka niya ako hinalikan.

Okay na kami ni Zech. Ang saya saya ko dahil sa wakas, wala na siyang dahilan para iwanan ulit ako dahil mahal na mahal namin ang isa't isa.

Tanghali na at mag isa ko na naman. Pumunta lang saglit si Zech sa unit niya dahil may gagawin lang daw. Pumayag ako dahil magkatabi lang naman kami ng unit.

Narinig kong tumunog ang cellphone kong nakapatong sa lamesa kaya kinuha ko ito.

"Mom?" Sagot ko.

"Magkakaroon ng trabaho ang kuya mo at malayo ito dito sa bahay. Kung pwede lang sana eh tumira muna siya diyan sa condo. Kawawa naman kasi ang kuya mo kung everyday siyang uuwi dito sa bahay." Sabi ni mommy mula sa kabilang linya.

Nakita kong pumasok si Zech sa pinto at napatingin naman siya sakin.

"Sige po, mommy. Kailan po ba siya lilipat dito?" Tanong ko. Umupo si Zech sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Ang isang kamay niya ay naglalakbay kung saan saan kaya nakikiliti ako.

"This week siguro, Xei. Okay lang ba sayo?" Tanong ni mommy. Ang kamay ni Zech at nasa aking legs na ngayon kaya pinalo ko ang braso niya.

"Okay naman po, mommy." Sagot ko.

"Stop it." Bulong ko kay Zech. Ngumisi lang siya at hindi tumigil.

"Oh sige, ibaba ko muna itong tawag. Mag iingat ka diyan okay? I love you."

"I love you too." Sabi ko tsaka ko pinatay ang tawag.

"Ang kulit mo!" Sigaw ko. "Si mommy 'yung kausap ko, Zech."

"Ano naman ngayon?" Tanong niya. Ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko kaya tinulak ko siya.

"Ano ba?!" Sigaw ko. Nakikiliti kasi ako eh.

"Sorry." Aniya tsaka mabilisang hinalikan ako sa labi.

Naka yakap siya sakin habang naka upp kami. Nasa ganung posisyon kami nang maramdaman kong maduduwal na naman ako. Tumakbo ako sa cr tsaka ako dumuwal

"Are you okay?" Tanong ni Zech. Inabutan niya ako ng tissue at tubig.

"Yup." Sagot ko nang makarecover na ako.

"May gusto ka bang kainin?" Tanong niya sakin. Bigla naman akong nag crave sa mga sweets.

"Gusto ko ng cake." Sumimangot ako sa harap niya.

"Dito ka lang. Bibili lang ako ng cake." Sabi niya. Tumango ako.

"Okay."

"Mabilis lang ako, okay? I love you." Aniya tsaka niya hinalikan ang pisngi ko. Nakita ko siyang tumigil sa paglalakad at humarap siya sakin.

"May inaantay ka ba?" Tanong ko.

"Where's my goodbye kiss and I love you?" Tanong niya.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa labi.

"I love you too." Sagot ko.

"Good. Kapag kararating or aalis ako, dapat may kiss at I love you ako ah?" Napairap nalang ako.

"Bumili ka na nga ng cake!" Sigaw ko at kumaripas naman siya sa pagtakbo.

Nakangiti akong bumalik sa upuan ko. Ang saya saya ko ngayon lalo na't bumalik na si Zech. Hinding hindi ko na siya hahayaang iwanan muli ako.

Nang nagtagal ay nawala ang ngiti sa labi ko. Ang tagal naman ni Zech! Bibili lang naman siya ng cake eh halos inabot na siya ng siyam siyam. Baka lumandi na naman ang gago.

Nakita kong may tumatawag sa cellphone ko kaya sinagot ko ito.

"Hello?"

"What flavor do you want?" Tanong ni Zech mula sa kabilang linya.

"What?! So hindi ka pa nakakabili? My ghad! Ang tagal mo!" Sigaw ko.

"Na traffic ako, okay?"

"Fine. I want chocolate."

Nang ibaba niya ang tawag ay nahiga muna ako sa kama. Medyo inaantok kasi ako.

"Your cake is here." Hinalikan ni Zech ang pisngi ko.

"Ang tagal mo." Angal ko. "I'm hungry."

"Sorry na." Hinalikan niya ako sa labi.

"Ano ba, Zech? Nagugutom na ako." Suway ko sa kanya.

"Bubusugin nalang kita ng halik--"

"You stop, okay?"

"I love you."

Damn! Kinikilig ako.

===

Free Fall Where stories live. Discover now