Chapter 39

13 1 0
                                    

Two months later...

"Pakshet ka, Zech! Asan ka na?!" Kanina pa ako sigaw ng sigaw dito. Naka ilang tawag na ako kay Zech pero andun parin siya sa bathroom hanggang ngayon, naliligo ata.

"AAAAHHHHHH!!" Sigaw ko nang maramdaman kong sumakit ulit ang tiyan ko.

"Zecharri Ville! Asan ka na, ungas ka?! Zec--AHHHHH!!" Sigaw ko sabay hawak sa tiyan ko.

"Kanina ka pa sigaw ng sigaw diyan. Naligo lang ako, namiss mo ako agad?" Nakita ko siyang lumabas ng bathroom at bihis na bihis.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Sa mall--"

"Hindi ka pupunta! Langya ka! Ang sakit na ng tiyan ko. MANGANGANAK NA AKO!" Sigaw ko. Nakita ko naman siyang tumakbo papasok sa kwaro. Paglabas niya ay nakita ko siyang nags-spray ng pabango niya.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.

"Nagpapabago. Para mabango ako paglabas ni baby. Tara na?" Napapikit nalang ako sa inasal niya. Kahit kailan talaga puro kalokohan!

"AAAHHHH!" Sigaw ko sa sasakyan. Mabilis ang patakbo niya kaya nakarating agad kami sa hospital.

"Nurse! Stretcher dali!" Sigaw ni Zech at agad naman akong ihiniga sa stretcher at mabilis na pinasok sa delivery room.

"Galingan mo pag ire mo ah." Bulong sakin ni Zech na ngayon ay nasa gilis ko habang hawak hawak ang kamay ko.

"Manyak."

"Umire ka lang!" Sigaw nung doctor na nasa paanan ko.

"AAAAHHHHH!" Sigaw ko.

"Konti nalang, misis." Aniya.

Tumagatak ang pawis ko dahil sa kakaire. Kahit na naka aircon ay pinagpapawisan pa rin ako. Humugot ako ng lakas at umire ng napakalakas. Halos maubusan na ako ng hangin dahil sa pagod.

"It's a boy." Sabi ng doctor at narinig ko ang iyak ni baby. Napaluha ako nang marinig ko siyang umiyak hanggang sa nakatulog na ako dahil sa pagod.

"Zach po ang ipapangalan namin kay baby, tita." Narinig kong sabi ni Zech kila mommy.

"Ganun ba? Diba sabi ko mommy nalang ang itawag mo sakin?" Tumawa si mommy.

"Hindi po kasi ako sanay."

"Mom. . ." Nanghihina kong sabi. Grabeng lakas ang binuhos ko kanina kaya kailangan ko pang irecover ang lakas ko.

"Xei!" Lumapit sakin sila mommy at Zech. Lumingon ako sa likod nila dahil napansin kong wala si daddy.

"Bumili ng pagkain ang daddy mo." Sagot ni mommy. Tumango ako.

"How are you feeling?" Tanong niya sakin habang hinahawakan ang kamay ko.

"I'm fine. Where is Zach?" Tanong ko.

"Nasa nursery room siya." He took out his phone and handed it to me. Ipinakita niya sakin ang wallpaper niya at ito ay si Zech na nakahiga sa bed ng nursery room at may nakalagay na Baby Ville.

Napangiti ako. Grabe ang sayang nararamdaman ko lalo na nang makita ko siya. Sa picture palang at sabik na sabik na akong kargahin siya.

"Baby Zach Ville." Sabi ng isang nurse habang tinutulak ang higaan ni Zach papunta samin.

"Oh my! Ang apo ko!" Narinig kong sabi ni mommy.

Kinarga ni Zech si baby tsaka niya ito itinabi sakin. Napaluha ako sa ginawa niya kaya agad niyang pinunasan ang luha ko gamit ang daliri niya.

"Kamukha natin siya, Xei. We did great. I love the both of you so much." Aniya at hinalikan ni kami ni Zach sa noo. Napangiti ako at dinampi ang labi ko sa labi niya.

"I love you too."

"Hi, baby!" Masayang bati ko kay Zach na naka higa pa rin sa tabi ko. Kanina pa umalis sila mommy at sabi nila ay bibisitahin nalang nila ako sa condo.

"Zech, bakit ka naka pout diyan?" Tanong ko. Tatatlo lang kami dito at ang tahimik niya simula nang tinatawag kong baby si Zach.

"Eh kasi hindi mo na ako baby." Tinuro niya si Zach kaya napatango ako.

"Ikaw pa rin, Zech. Nagdra drama ka na naman diyan. Tumigil ka nga." Mas lalo siyang nagpout sa sinabi ko. Napailing nalang ako. Ang cheesy talaga nito.

"Halika dito." Tinawag ko siya. Nakasimangot naman siyang lumapit sakin. Hinalikan ko ang labi niya.

"Okay ka na?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko ang pag ngiti niya pero pinipigilan lang niya.

"Kulang." Aniya. Hinalikan ko ulit siya pero ngayon ay mas matagal na.

"Better?" Tanong ko.

"I love you."

Kinabukasan ay nagising akong wala si Zach sa tabi ko.

"Asan si Zach?" Tanong ko kay Zech na ngayon ay naghahanda ng breakfast namin.

"Pinunta na siya sa nursery room kagabi nung nakatulog ka na. Anyway, sabi ng doctor ay pwede ka ng madischarge mamayang tanghali." Aniya.

"Talaga?" Tanong ko at tumango naman siya. Kumain na kami ni Zech ng breakfast. Tahimik lang kaming pareho hanggang sa pumasok ang isang nurse sa kwarto ko.

May kung ano anong ginawa siya sakin tsaka niya sinabing pwede na akong madischarge. Inayos ni Zech ang mga gamit namin at pinunta na ito sa sasakyan. Inantay ko siya dahil kukunin pa namin si baby.

"Waaahh!" Iyak ni baby nang kargahin siya ni Zech.

"Sshh. . . Don't cry, baby." Mahinhin na sabi ni Zech habang inihehele si Zach. Nang nagtagal ay tumigil na siya sa pag iyak at nakatulog na ito. Ipinasa sakin ni Zech si baby dahil kailangan niyang magmaneho nang makauwi na kami.

Nang nakarating kami ay mas naging excited kami ni Zech. Pinatulog namin si Zach sa crib niya at ang himbing ng tulog niya. Inilabas ko ang cellphone ko at pinicturan siya habang natutulog. Ang cute cute niya talaga!

Gabi na at nagluluto ako ng dinner namin ni Zech nang biglang umiyak si baby.

"Zech! Pakitimplahan naman ng gatas si baby." Sigaw ko kay Zech dahil hindi ko maiwan ang niluluto ko.

Tinimplahan ni Zech ng gatas si baby at pinainom niya ito. Tumigil naman sa pag iyak si baby nang makainom na siya ng gatas.

"Dito na mag uumpisa ang lahat, Xei. Ngayong dumating na si Baby Zach sa buhay natin. Mahal na mahal ko kayang dalawa." Aniya at hinalikan ako sa noo.

"Mahal na mahal ka rin namin, Zech."

===

Free Fall Where stories live. Discover now