Chapter 28

8 1 0
                                    

Nagbihis ako at tinext ko si Quent na magkita kami ngayon sa park. Tumakbo lang ako papunta dun dahil malapit lang naman 'yun samin.

"What's up?" Tanong niya sakin nang makita niya akong palapit sa kanya.

"What's up mo mukha mo! Siraulo ka bakit mo ako pinangunahan, huh?!" Sigaw ko sa kanya. Wala naman gaanong tao dito dahil weekdays at hindi pa lumulubog ang araw. Karamihan kasi ng nga tao ay nagpupunta dito kapag hindi na mainit.

Tumawa si Quent.

"Anong tinatawa tawa mo diyan?!" Naiinis na sigaw ko.

"Ano naman ngayon kung pinangunahan kita?" Patuloy parin siya sa pagtawa.

"Ano?! Gago ka! Hindi pa nga ako sigurado eh" Sinampal ko ang braso niya ngunit mabilis itong nakailag.

"Kahit hindi ka pa sigurado ay alam kong mayroon nang laman 'yang tiyan mo." Aniya sabay turo sa tiyan ko. "I have evidence. And that's the blood on your bedsheets." Simple niyang sabi.

"Kahit na! Sana hinayaan mo nalang na ako ang magsabi kila mommy!" Sigaw ko sa kanya.

"Para saan pa? Para magpa awa? Xei, sasabihin mo rin naman sa kanila, pinaaga ko lang." aniya tsaka niya ibinulsa ang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya.

"Anong magpa awa? Gago ka ba? Syempre, kailangan kong iexplain ang lahat!" Ghad, this is driving me crazy! I hate Quentin!

"Kaya nga! Ieexplain mo lahat sa kanila para magpa awa. At isa pa, parehas niyo 'yung ginusto. Kung ayaw mo sa nangyari ay sana pinigilan ko siya noong nasa katinuan ka palang." Paliwanag niya.

Tama siya. Kung sana ay tumanggi ako at pinigilan ko siya ay hindi sana mangyayari 'to. I hate it! It's my fucking fault!

"You make love not lust, Xei. Alam mo 'yan sa sarili mo. Don't blame me for telling them the truth. It's not my fault. I'm just helping the baby inside you!" Sigaw niya sakin. Kahit na sumasang ayon ako sa kanya ay mas pinili kong magalit. Ayoko sa lahat ay ang pinapangunahan ako.

"I feel betrayed by my own cousin." Iyan ang huling sinabi ko sa kanya bago ko siya talikuran. Mabagal lang akong naglalakad pauwi ngunit hindi ko alam dahil kusang tumigil ang mga paa ko. Nakatayo lang ako sa may gate ng park na parang may inaantay ako.

Lumipas ang ilang minuto nang nagpatuloy ako sa paglalakad. Pumara ako ng taxi at sinabi sa kanya ang address ko. Para kasi akong napagod dahil sa kakalakad ko.

Nang makarating ako sa bahay ay mabilis akong umakyat sa kwarto ko. Napatitig ako sa study table ko at nakalatag doon ang apat na pregnancy test.

Kinuha ko ito at dumeretso sa bathroom. Siguro kailangan ko na nga talagang makasiguro.

First try, mayroong nagpakitang dalawang pulang linya. Kahit na alam ko kung anong ibig sabihin nito ay nag try ulit ako hanggang nasa kamay ko ngayon ang apat na pregnancy test na pare parehong may tigda-dalawang pulang linya. Halos manlumo ako sa nakita ko.

"It's positive." Sambit ko at bumuhos ang mga luha ko. I'm so happy yet sad. Malungkot ako dahil bakit ngayon pa ito nangyari? Ngayong iniwan na ako ni Zech?

Pinalis ko ang luha ko tsaka ako bumaba para sabihin kila mommy ang balita.

Nadatnan ko silang nasa sala at nanonood. Andun din si kuya na parang may sinusulat sa kanyang notebook.

"Mom," tawag ko. Agad ko namang nakuha ang antensyon nila maging si kuya ay napatingin din sakin. Inilapag ko sa harap nila ang apat na pregnancy test.

"Positive." Kumento ni kuya tsaka siya itinuon muli sa notebook niya ang atensyon niya.

"So, anong plano mong gawin?" Tanong ni mommy habang nakatingin pa rin sakin. Napalunok ako.

"I will tell Zech, mom." Deretsong sagot ko.

"Para saan pa, Xei?" Tanong ni kuya sakin. "Para bumalik siya sayo? Gagawin mong dahilan ang anak niyo para balikan ka niya? What a reason?!" Sigaw ni kuya sakin.

"I will never do that! Hindi lang ang anak ko ang dahilan, kuya. May responsibilidad siya sakin kaya dapat niyang panindigan!" Sigaw ko pabalik kay kuya.

"Exactly! May responsibility siya sa anak mo kaya 'yan ang gagawin mong dahilan para balikan ka niya." Sagot ni kuya.

"Yeah, right! Kung iyan ang iniisp mo, hahayaan kita." Sabi ko at hinayaan nalang siya sa ginagawa niya.

May punto rin si kuya. Pero hinding hindi ko gagawing rason ang anak ko para balikan lang ako ni Zech. Hindi.

"You'll tell Zech? For what?" Tanong sakin ni mommy.

"As I said earlier, may responsibilidad siya sa anak ko." Simple kong sagot.

"Pero ayokong balikan ka niya dahil lang diyan sa anak niyo! Kung ganun rin lang ang mangyayari, 'wag mo nalang sabihin sa kanya at buhayin mo mag isa 'yang anak mo." Aniya.

May kung anong kumurot sa puso ko. Kaya ko naman buhayin ang anak ko pero kailangan ko pa rin si Zech.

"Let her do what she want to do." Natahimik kaming lahat nang biglang sinabi iyan ni daddy.

"Dad," tawag ko tsaka tumulo ng paisa isa ang luha ko.

"Malaki na si Xei at siguro naman ay alam na niya ang tama at mali. If you want to tell Zech, then go ahead. Why don't we just support Xeiarah? She is our daughter and the baby inside her is our grandchild after all!" Bumuhos ang luha ko pagkatapos ng sinabi mo daddy. Niyakap ko siya habang hindi ako tumitigil sa pagsabi sa kanya ng salamat.

"Okay." Kuya take a deep breath. "I guess talo na ako?" He chuckled tsaka niya din ako niyakap.

"Congratulations to our princess." Nagulat ako sa sinabi ni mommy at niyakap din siya.

"Go and tell Zech. I think he needs to know it." Sabi ni mommy habang hinahaplos ang pisngi ko.

"Thank you, mommy."

===

Free Fall Where stories live. Discover now