Chapter 23

12 1 0
                                    

Xeiarah POV

Nakakagulat at nakaka kaba.

Nakakagulat kasi hindi ko inaakala na mahal niya ako. Nang bitawan niya ang mga salitang iyon ay hindi mapigilan ng puso kong tumalon sa tuwa. Akala ko ako lang ang nagmamahal saming dalawa. Akala ko wala siyang nararamdaman para sakin. Akala ko wala nang pag asa.

Nakaka kaba kasi parang may kakaiba sa kanya. May kakaiba sa nararamdaman niya. Parang may mali na hindi ko maintindihan. Pero bahala na, basta mahal niya ako.

Nang nakarating kami sa Tagaytay ay kumuha agad siya ng isang kwarto para saming dalawa.

Kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa kama at nakatitig lang sa ceiling. Medyo nabo boring ako dahil wala akong ginagawa. Hindi naman ako pwedeng mag swimming because of my girl thingy. And you know that.

"Baby," tawag ni Zech. Tinabihan niya ako sa kama at pinatong ang kamay niya sa tiyan ko at yumakap sakin.

"Hmm?" Tanong ko.

"Let's swim." Pag aaya niya.

"I can't." Sagot ko.

"Ay oo nga pala 'no? Anyway, I will swim." Aniya. Tumango ako. Alangan naman na pigilan ko siya diba? Hindi naman pwedeng hindi siya mag swimming dahil sakin.

"Sure." Tumayo siya at pumunta sa bathroom para magpalit ng pang swimming niya. Nang lumabas siya ay naka short at naka t shirt lang siya.

"Let's go?" Aniya. Sabay kami pumunta sa baba. Naka upo sa may cottage samantalang siya ay nag sasayang lumangoy sa dagat.

"Excuse me, Miss. Pwedeng maki upo?" Tanong ng isang babae sakin. Maluwang naman ang cottage at mag isa ko lang kaya pumayag ako.

Maputi siya at matangkad. Makinis ang kanyang balat at mahaba ang kanyang buhok. Payat din siya at napaka ganda.

"Sinong tinitignan mo?" Tanong niya sakin. Kanina pa kasi ako nakatingin kay Zech. Bakit? Kasi wala lang. Ang sarap niyang pagmasdan sa malayo lalo na ang kanyang mga ngiti.

"My. . .friend." Nag aalangan akong sabihin ang friend dahil hindi ko alam kung ano ba talaga kami. In short, walang label.

"That guy?" Turo niya kay Zech. Tumango naman ako. "He's cute." Aniya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko kasi ay may plano itong landiin si Zech. Sa hubog ba naman ng katawan nito ay sinong hindi magkaka interes?

I'm sorry for being so judgmental pero mukha siyang malandi.

"Bye." Aniya at tumayo na siya at tumungo sa dagat. Pinagmamasdan ko siya habang naglalakad sa tubig. Ang kanyang direksyon ay patungo kay Zech. Sabi na nga ba eh, lalandiin niya si Zech.

Hinawakan niya ang balikat si Zech at nakita ko ang pagkagulat niya sa ginawa nung babae. Tila may sinasabi ang babae sa kanya at tumango naman si Zech. Tumalikod ang babae kay Zech at si Zech naman ay nakaharap sa likod nung babae. May ginagawa si Zech sa likod nung babae at masyadong malapit ang katawan nila.

Nang pakiramdam ko ay tutulo na ang luha ko, tumayo na ako at pumunta nalang sa suit namin. Humiga ako sa kama at unti unti nang tumulo ang luha ko pababa. Wala akong pakialam kung mukha akong tanga ditong umiiyak mag isa. Hindi lang basta kirot ang naramdaman ko kundi talagang nasaktan ako. Oo inaamin kong nag seselos ako. It's normal. Kahit hindi niya bigyan ng label ang relasyon namin ay pakiramdam kong ako'y sakanya at siyang akin.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto.

"You left." Aniya.

"Did I?" Tanong ko. Iniiwasan kong magsalita ng mahaba dahil baka mahalata niya sa boses kong umiyak ako.

"Yes, you did." Sagot niya. Hindi nalang ako umimik at inayos nalang ang pagkahiga ko nang naka talikod sa kanya. Baka kasi makita niya ang namumugto kong mga mata.

I left because you hurt me.

Paulit ulit na sinasabi ng utak ko ang mga salitang iyon. Umalis ako dahil nasaktan ako. Tama naman diba? Bakit ako magtatagal sa isang bagay na nakakasakit sakin. Bakit nga ba ako nagtatagal kay Zech?

"Baby," tawag niya sakin. Ipinikit ko ang mga mata ko para magkunwaring natutulog.

"You're not sleeping." Napilitan akong imulat muli ang mga mata ko. Nakita ko siyang nasa harap ko na. "What happened?" Tanong niya. Umiling ako.

"You cried. Namumugto ang mga mata mo." Itinuro niya ang mata ko.

"Hobby mo ba talaga ang saktan ako?" Tanong ko. Nakita ko ang pagkagulat sa mata niya.

"Nasaktan na naman ba kita?" Tanong ni pabalik.

"Palagi, Zech. Palagi mo nalang akong sinasaktan." Nag umpisa na namang tumulo ang luha ko.

"Stop crying please." Pinunas niya ang luha ko.

"Ano bang nagawa ko?" Malambing niyang sabi.

"May babae ka." Is not a big deal for me kung may babae siya. Ang sakin lang naman ay mali 'yung ginawa nila sa mismong harapan ko. Naglalandian sila.

"What?! Sinong--wala akong babae!" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"You have! That shrimp you are with a while ago?! Anong tawag mo dun?" Sigaw ko. Napapikit siya. Nag pipigil siya ng galit, alam ko.

"Hindi ko siya babae! My ghad, Xei. Pinatali lang niya sakin 'yung strap ng bikini niya--"

"WHAT?!" I shouted on top of my lungs. "What a flirt! Ghad, I can't believe you, Zech. Ginawa mo naman? Godness, she's flirting with you at gustong gusto mo naman?!" Sigaw ko.

"Clam down! Hindi ako nakikipaglandian. I swear, Xeiarah." Aniya.

"Ghad," umiling iling ako. "Sinadya niyang ipatali 'yung strap ng bikini niya dahil gusto niyang makipaglandian sayo. How clueless, Zech?!" Tanong ko.

"O sige, sabihin na nating nakipaglandian siya sakin. Pero ako? Hindi! Hindi ako nakipaglandian. What the hell, Xei?!" Sigaw niya. Naka kunot na ang noo niya at halatang galit na talaga siya.

"You don't trust me." Malamig niyang sabi tsaka siya lumabas ng kwarto.

"Sorry." Bulong ko pero huli na ang lahat. Nakalabas na siya ng kwarto at alam kong hindi niya iyon narinig.

===

Free Fall Where stories live. Discover now