Chapter 16

19 1 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas simula nang mangyari 'yun. Kwento ni mommy ay pati rin daw sila ay nasurprise sa ginawa ni Zech. Pagkarating daw kasi nila ng bahay ay nakita nila ang mga nagkalat na petals. Pinaliwanag daw ni Zech ang lahat kila mommy at kaya daw napasigaw si kuya dahil pinatay niya ang ilaw.

Maayos na rin ang lagay ng paa ko at hindi na masakit. Nakabalik na rin ako sa condo dahil namiss ko na doon.

Kasalukuyan akong nanonood nang may marinig akong katok mula sa pinto. Panigurado ay si Zech na naman ito. Halos kada oras kasi ay nagpupunta siya dito. Kulang nalang ay tumira na siya dito.

And speaking of Zech, may dala siyang carbonara. Pinag aralan daw niya itong lutuin dahil alam niyang paborito ko ito.

"Ano ba 'yan! Ang alat!" Sigaw ko nang tikman ko ang dala niyang carbona. Katulad ng sinabi ko ay maalat ito. Parang binuhusan ng isang galong asin.

"Maalat?!" Natatarantang tanong ni Zech.

"Oo! Maalat!" Sigaw ko sa kanya at uminom ng tubig. Masakit sa bibig ang maalat nitong lasa.

Tinikman niya ang carbonara at nanlaki ang mga mata niya.

"Shit!" Mura niya. Kinuha niya ang carbona at tinapon ito.

"Bakit mo tinapon?!" Sigaw ko.

"Kain nalang tayo sa labas. I'm sorry okay? First time kong gumawa ng carbonara at hindi ko alam na ganyan ang magiging lasa niyan." Natatawa ako sa carbonara niya.

"Wag mo naman akong tawanan please." Nag pout siya. Ang cute.

Lumabas kaming dalawa at kumain sa isang restaurant malapit sa condo.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya habang nakatingin sa menu.

"Gusto ko 'yung carbonara na niluto mo." Sagot ko at tuluyang tumawa.

"Hindi naman nakakatawa eh." Seryoso niyang sabi. Tumigil ako sa pagtawa nang makita kong seryoso na siya.

"Uy! Sorry na. Pfft--" pigil-tawa kong sabi.

"Sa tingin mo nakakatawa?" Tanong ni.

Nakaramdam ako ng kaba. Ngayon lang siya naging seryoso ng ganito eh.

"Sorry na nga diba?" Pinipilit kong 'wag matawa dahil nakikita ko sa mga mata niyang seryoso talaga siya.

"Sorry lang?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"What do you mean lang?" Tanong ko.

"Alam mo namang matagal mo na akong hindi nahahalilan, Xei." Pumirmi ang pilyo niyang ngiti sa labi niya.

"In this public place?! Seriously?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Bakit? Gusto mo ba sa private place? Sa unit mo o sa unit ko? You choose." He winked. Ghad, Zech! I hate you!

"I can't believe you!" Tumawa ako.

"Kiss me then." Umayos siya ng upo at humarap sakin tsaka niya inilapit ang mukha niya.

Free Fall Where stories live. Discover now