Start

5.5K 67 0
                                    


"Done?" Tumango ako kay Ichiro at ngumiti.Pinagbuksan niya ako ng pinto para makasakay na sa kanyang kotse.

"Kanina ka pa?" Pigil ko ng balak niya ng isara 'to.

"Hindi naman." Tumango ako at tuluyan na niyang sinara habang pinanuod ko siyang umikot papuntang driver seat.

Kakatapos ko lang mag-enrolled at siya na ang sumundo sakin dahil tapos na rin naman daw siya.

"Let's eat first.Saan mo gusto?" Tanong niya.

"Kahit saan." Sagot ko na lang dahil tinatamad akong mag-isip.

Kakauwi ko lang galing France dahil 'yon ang hiling ni Mommy.Gusto niyang magbakasyon ako doon pumayag na ako dahil ilang taon ko rin naman silang hindi nakasama dahil noong umuwi sila dito saglit lang din 'yon.

"I miss you." Saad ni Ichiro at hinawakan ang kamay kong na sa aking hita.Napatawa ako.

"Miss? Wala ngang araw na hindi ka natawag sakin! Lagi kaya tayong nagkikita." Nakita ko ang pagsimangot niya.

"But i can't hold you like this pag malayo ka." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko habang mabilis na nagbago ang expression ng mukha niya.

"And don't you miss me?" Dagdag niya pa na kinailing ko.Of course! I miss him! Ilang weeks din 'yon!

Sa mga ginagawa ko sa France lagi kong iniisip na kasama ko siya pero hindi naman masyadong malungkot dahil nagkaroon kami ng time ng kapatid kong si Kei sa isa't-isa pati ni Mommy.Siguro kung pumayag akong tumira doon.Ganon ang buhay namin pero hindi ko maiwan si Dad dito kahit kabit lang kami.

"Hey." Nagkibit balikat lang ako sakanya.Masyado akong natutuwa sa expression ng mukha niya!

"Tch."

"What? Of course i miss you!" Suko ko dahil hindi ko na siya maitsura.Hahaha!

"Really huh?" Pumorma ang maliit na ngiti sa labi niya.

Tinigil niya ang sasakyan sa isa sa mga malapit na restaurant dito.Nanliit naman ang mata ko ng makita si Zab at Zera sa loob.Aba! Hindi man lang ako sinama!

"Nasa loob sila Zab." Sabi ko at nilingon si Ichiro.Para naman siyang walang narinig dahil hinila niya ang kamay ko at hinalikan.Agad na uminit ang pisngi ko.Mas lalong lumaki ang ngiti niyang nakatingin sakin.Mukhang tuwang-tuwa siya sa pamumula ko!

"Gutom na ko!" Inagaw ko ang kamay ko at binuksan na ang pinto habang narinig ko ang pagtawa niya.Kainis!

"Damn! I really miss you." Dinig kong sabi niya bago ko tuluyang naisara ang pinto.Napahawak ako sa tummy ko dahil sa mga bwisit na paru-paro.Aish!

Nauna ako sakanyang pumasok sa loob at nilapitan ang dalawa.Gulat nila akong tiningala.Sumimangot ako.

"Autum!" Sabay silang tumayo at niyakap ako pero hindi ako gumalaw.

"Anong mukha 'yan?" Tanong ni Zab ng humiwalay na sila sakin.Ito? Ito ang mukha ng kaibigan na hindi sinama sa lakad nila!

"Wala!" Umupo na ako sa tabi ni Zab at kinaway ang kamay ko kay Ichiro na kakapasok lang.Kumunot ang noo niya ng makita ang dalawa.Sabi na nga ba hindi niya ko narinig kanina.

"Nandito rin pala si Ichiro.Date?" Ngiting ngiti na sabi ni Zera sakin.Date? Wala namang sinabi si Ichiro na date 'to isa pa nandito rin sila ni Zab kaya hindi na 'to matatawag na date.

"Mukhang extra pa tayo dito Zera." Gatong ni Zab at uminom sa juice niya.Napailing na lang ako.

"Dito na tayo umupo." Sabi ko kay Ichiro ng makalapit na siya samin.Kita ko naman sa mata niya ang hindi pag-sangayon.

Tumayo si Zab at lumipat sa katabing upuan ni Zera.Ngumiti sila samin.

"Patapos na rin kami hinihintay lang namin si Erion." Saad ni Zera.Kasama pala nila ang asawa niya.

Naupo na naman si Ichiro sa tabi ko.Tumawag na siya ng waiter at nag-order na kami ng pagkain.

"Kailan ka umuwi Autum? Bakit hindi mo kami sinabihan?" Natigilan ako sa tanong ni Zab.Hindi pala nila alam na nakauwi na ko! Nawala ang pagtatampo ko sakanila mukhang sila dapat ang nagtatampo sakin.

"Noong Monday lang." Sagot ko habang napatingin ako kay Ichiro ng hawakan na naman niya ang kamay ko at nilaro 'to.Bored.

"3 days ka na dito.Hindi mo man lang kami tinawagan?" Pilit akong ngumiti sakanila.May inasikaso pa kasi ako noon kaya nawalan ako ng oras sabihan sila.Kahit si Ichiro, ngayon lang kami nagkita pero alam niyang nakauwi na ko.Na guilty naman ako.Dapat pala nag-text man lang ako sakanila.

"Sorry.Busy lang." Sasagot na sana si Zera pero biglang dumating yung waiter kaya tumahimik muna kami.

"Let's eat." Bulong sakin ni Ichiro ng hindi ko galawin ang pagkain ko at nakatingin lang sa dalawang babae sa harap ko.Galit.

"Joke lang!" Kumunot ang noo ko ng tumawa silang dalawa at nag-apir.Baliw.Akala ko ba galit sila?

"Tinanong namin si Ichiro kung kailan ka uuwi.Sinabi niya, pero nakakatampo parin dahil hindi mo man lang kami sinabihan." Tumango tango si Zera sa sinabi ni Zab.Napatingin ako kay Ichiro.Seryoso lang siyang nakatitig sakin.Umiwas ako.Siya pala nag-sabi.Kailangan ko siyang pasalamatan mamaya.

"Sorry talaga." Umiling sila.

"It's okay Autum, anyway nanjan na si Erion.Aalis na kami." Sabi ni Zera kaya napatingin ako sa labas kung saan may nag-park ng kotse at lumabas si Erion.Pinapaikot niya ang kanyang susi sa daliri niya habang naglalakad papasok dito.

Tumayo na naman yung dalawa at hinagilap ang mga pinamili nila.

"Ang dami naman niyan." Puna ko sa mga paper bags.

"Well! Ngayon lang ulit kami nakapag-shopping!" Sabi ni Zab at kumindat pa sakin.Kaya pala.

"Hi Autum! Bro!" Tumango lang ako kay Erion ng makalapit na siya samin habang nakipag-apir siya kay Ichiro.

"Tara na Erion, may date pa yung dalawa." Sabi ni Zera dito at hinila niya 'to sa braso.Lumaki naman lalo ang ngiti ni Erion.

"Alright!" Kumaway siya samin habang nauna na si Zab.Hinawakan niya sa baywang si Zera habang naglakad na palayo.

Naupo na ko at ganon din si Ichiro.Kumunot ang noo ko dahil sa pagbabago ng mood niya.I guess, gusto niya talagang kaming dalawa lang.

"Thank you for telling them na uuwi na ko." Humiling siya kaya medyo naglapit ang mukha namin.Sa gulat ko inatras ko ang ulo ko at tumingin sa paligid.Marami rami ang tao dito at may sari-sarili naman silang mundo.

"You're always welcome but now i want your attention Autum, full attention." Napatingin ako sakanya dahil doon.Gahd! I like that too!

Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon