Chapter 17

1.1K 31 2
                                    


"Seriously Autum? Kanina pa tayo nakatayo dito. Hindi ka pa ba papasok?" Reklamo ni Claire habang nakikisilip din sa restaurant na pinapasukan ko. Sobra talaga akong kinakabahan ngayon. Inisip ko na nga ring huwag pumasok pero paniguradong mag-tataka si Mommy.

Nanjan na kaya siya? Anong gagawin ko kung mag-kaharap kami? I really don't know! Huminga ako ng malalim at humarap kay Claire na ngayon ay may pagtataka sa mukha niya.

"Sino bang sinisilip mo?" Umiling ako. Mas mabuting huwag ko munang sabihin sakanya.

"Wala. Sige na, salamat sa paghatid! Kita tayo mamaya!" Saad ko at kumaway na sakanya habang nag-lakad ng paatras.

"Teka---" Nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa likod ko. Kumunot ang aking noo sakanya.

"Ichiro..." Pagbasa ko sa buka ng kanyang bibig.

Tumigil ako sa pag-lalakad dahil doon. Naramdaman ko ang lamig ng hangin kasabay ng mas lalong pagbilis ng pagpintig ng puso ko. Dahan-dahan akong lumingon sa aking likod.

Kailanman hindi ko naisip na darating ang araw na magkakaharap ulit kami. Simula ng umalis ako sa Pilipinas. Iniwan ko na ang lahat ng pag-asang magkikita pa kami, na mag-kakatagpo ulit ang mundo namin. Kaya napapaisip ako ngayon. Ano ba talagang gusto ng tadhana?

Sobrang laki ng pinagbago niya. Nararamdaman ko. Hindi ko akalain na ilang metro na lang ang layo namin sa isa't-isa ngayon. Bakit? Bakit nandito na naman siya sa harap ko? Bakit nakatingin na naman sakin ang mga matang iyon? Ang mata niya na nag-sasabi sakin ng kanyang nararamdaman na hindi kayang sabihin ng kanyang bibig.

Umiwas ako ng tingin at nagsimula na ulit maglakad. Hindi naman siguro siya magtatagal dito. Titignan niya lang siguro ang restaurant. Napakagat ako sa ibabang labi ko ng dumaan ako sa kanyang gilid at napahinga ng malalim nang makalagpas.

Naabutan ko si Sir Klay sa counter ng tuluyan na kong makapasok sa restaurant. Halata dito na hinihintay niya ang pag-dating ko dahil agad siyang napatayo ng makita ako. Ngumiti ako sakanya ng kumaway siya sakin.

"Good morning Sir." Pag-bati ko.

"Good morning din. Nakasalubong mo na ba ang bagong boss mo?" Agad akong umiling.

"H-Hindi po eh..." Pagsisinungaling ko. So, si Ichiro talaga. Gahd!

"Ganon ba? Kalalabas niya lang kasi---Oh! There he is. Bro!" Napapikit ako ng madiin. I really can't believe this.

"Halika Autum. I will introduce you to him." Saad niya at hinawakan ako sa wrist bago hilahin. Hindi na ko nakareklamo dahil dire-diretso na ang kanyang pag-lalakad.

"Buti at bumalik ka agad. This is Autum. Yung sinasabi ko sayo." Kumunot ang noo kong napatingin kay Sir Klay. Kinukwento niya ko kay Ichiro? Kaya... Kaya pala nalaman niyang nandito ako.

"Yes, i know her." Sagot ni Ichiro kaya agad akong napatingin sakanya. Napansin kong sa kamay namin ni Sir Klay siya nakatingin kaya agad kong hinila ang kamay ko para matagal sa pag-kakahawak.

"Really? That's great. You know that i want a good relationship between the boss and in the employee. Masipag 'to si Autum. She's hard working so i hope mag-tagal pa siya dito kahit hindi na ako ang boss." Napayuko na lang ako dahil sa mga papuri ni Sir Klay. Hindi na naman dapat pang sabihin 'yon. Kay Ichiro pa talaga.

"Don't worry. I will do everything para mag-stay siya kahit ayaw na niya." What? Mabilis akong napatingin sa kanya pero na kay Sir Klay ang kanyang mga mata. Hindi makikita sa mukha niya na nag-bibiro siya. Wait, kailan ba siya nagbiro right?

"Hahahaha! That's good dude. You know i really like this girl." Nakita ko ang pag-kunot ng noo ni Ichiro. Lumingon ako kay Sir Klay. Maybe as a employee? Or friend?

"Anyway, i need to go. My father is waiting." Dagdag niya pa at humarap sakin.

"I guess this is a goodbye?" Saad niya sakin. Ngumiti ako at tumango.

"Thank you for everything Sir. Ingat!" I said and bow my head to him. Im very thankful na tinanggap niya ako sa restaurant na 'to.

"You're welcome. Keep up the good work." Sagot niya at muling nag-paalam kay Ichiro bago tuluyang umalis.

Binaliktad ko naman ang sign board para malaman ng mga tao na bukas na ang restaurant. Hindi pa dumadating ang ibang empleyado kaya kaming dalawa pa lang ang nandito. Sobra-sobra ang bilis ng pag-pintig ng puso ko.

Hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin at nagdire-diretso na sa kusina. Kumuha ako ng basahan para punasan ang salamin. Huminga ako ng malalim bago tuluyang lumabas. Naabutan ko siyang nakaupo sa counter habang umiinom. Bakit hindi na lang siya sa bar pumunta para doon mag-inom? At hayaan niya na lang ako dito.

Nag-simula na kong mag-punas ng salamin at tanging pag-lapag niya lang ng baso ang naririnig na ingay sa pagitan namin. Napailing na lang ako. Kumuha ako ng bangko at tumuntong dito para maabot ang maataas na parte ng salamin.

Sana hindi na siya mag-tagal pa dito. Nakita niya naman siguro na maayos na ang buhay ko. Huwag niya na sanang guluhin pa.

"Autum."

"Oh my!" Napatalon ako sa gulat dahilan para mawalan ako ng balanse. Gumalaw ang bangko kaya napapikit na lang ako ng madiin at hinintay ang aking pagbagsak. Seriously?! Bakit kasi para siyang kabute na bigla na lang susulpot? Gahd!

Naramdaman kong may sumalo sakin na mga braso kaya agad akong napamulat. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa at pakiramdam ko nabuhay na naman ang mga paru-paro na matagal ko ng pinatulog.

Sa loob ng dalawang taon ngayon ko lang ulit 'to naramdaman. Sa loob ng dalawang taon ngayon lang ulit kami nagkaharap ng ganito. Sa loob ng dalawang taon may nag-bago ba talaga? Pero bakit nararamdaman ko na naman 'to? Akala ko wala na pero iba pala talaga pag-nakaharap mo na. Pilitin ko mang kalimutan ang lahat bakit nananatili pa rin ang pakiramdam na 'to?

I know, deep in my heart that i miss him so much...

Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon