Medyo tumigil na ang ulan kaya nakalabas na kami ni Ichiro ng garden.Walang students sa paligid dahil mukhang nagsimula na ang mga klase.Kaya magkahawak ang kamay namin habang natakbo.Late na rin kasi kami sa subject na papasukan namin ngayon pero kailangan muna naming magpalit dahil nabasa ang uniform namin.Binuksan ko ang locker ko at agad na kinuha ang extra uniform ko.Malapit lang naman ang C.R sa locker room kaya mabilis akong nakapagpalit.
Muntik na akong madulas sa gulat ng makita agad si Ichiro na naghihintay sakin sa labas.Ang bilis naman niyang nakapagbihis!
"Anong floor ka?" Tanong ko ng makalapit sakanya.Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Damn! Ang ikli talaga ng palda niyo." Saad niya at hinila pa ang palda ko pababa.Parang hindi niya naman narinig ang sinabi ko.
"Ganto rin naman kaikli ang palda ko kanina." Sabi ko at pinalo ang kamay niyang pilit na binababa ang palda ko.Baka masira pa! Wala na kong pamalit!
"3rd floor ako." Dagdag ko para mawala ang atensyon niya doon.
"4th floor." Tumango ako at hinila na siya paakyat habang reklamo pa rin siya ng reklamo sa palda ko.
"Bye." Sabi ko ng makarating na sa 3rd floor.Humakbang na ako palayo sakanya pero hinila niya ko pabalik at mabilis akong hinalikan sa labi ko.
"I'll see you later." Tumango ako at mabilis ng tumalikod.Paniguradong mapula na naman ang pisngi ko.Urgh!
Lumingon ako sakanya ng paliko na ko at nakita kong nakatingin parin siya sakin.Kumaway ako habang kumaway siya pabalik.
Binilisan ko pa ang lakad ko hanggang sa makarating na ko sa tapat ng room ko.Nagsisimula na sila! Kumatok ako at agad naman tong nagbukas.
Huh?
"Azer?" Sumilip ako sa loob.Wala pang professor?
"Autum, pasok ka!" Sabi niya na parang pinapapasok lang ako sa bahay nila.
"Ikaw talaga hinihintay ko." Bulong niya sakin.Tinignan ko siya ng hindi maintindihan.
"Nandyan na si Sir!"
Mabilis naman akong hinila ni Azer sa dulo para doon maupo kahit sa unahan ko gusto pero huli na dahil nakapasok na ang professor namin.
"Ano bang kailangan mo?" Bulong ko ngunit nakatingin parin sa unahan.
"May humalik na babae sakin kanina.What is her name?" Napalingon ako sakanya dahil doon.What the! 'Yun lang?
"Sabi niya kaibigan ka raw niya pero ayaw niyang ibigay sakin ang pangalan niya." Umiling ako.Sabi ko na nga ba.Bakit kasi si Azer pa ang napiling halikan ni Zab? Pwede naman si Lance.Hindi naman kasi masyadong playboy 'yon kaysa dito kay Azer.
"Ayaw niya? Hindi ko rin sasabihin.Saka dito ba room mo?" Umiling siya.Nanlaki ang mata ko.Pumunta siya dito para lang doon at hindi niya rin 'to room.Seriously?
Natapos ang subject ko na patuloy sa pagkukulit sakin si Azer.Mukhang hindi niya ko tatantanan hangga't hindi niya nalalalaman ang pangalan ng kaibigan ko.
"Autum!" Sabay kaming napalingon ng marinig ang boses na 'yon.Si Zab.Tumingin ako kay Azer.Ang lawak ng ngiti.
"Bakit?" Tanong ko ng makalapit siya samin.Sumulyap muna siya sa katabi ko habang napansin ko ang pamumula niya.Eh?
"A-Ano kasi...si Zera." Bigla akong kinabahan.Don't tell me...
"Anong nangyari sakanya?"
"Nanganak na." I knew it! Ilang segundo pa kong natigilan.
"Yung asawa ni Erion?" Singit ni Azer pero hindi ko siya pinansin pero itong si Zab kinausap.
"Oo--"
"Ano? Babae ba?" Sabat ko kaya sakin naman napatingin si Zab.
"Lalaki raw---"
"Sabi na nga ba! Panalo ako sa pustahan namin!" What?! Matalim kong tinignan si Azer.Pinagpustahan talaga nila huh?
"Oh, Autum bakit naman ganyan ang tingin mo sakin?" Umirap ako sakanya habang natanaw ko na si Lance.Busangot ang mukha.
"Ano dude? Sabi ko sayo lalaki!" Salubong ni Azer sakanya.
"Oo na tch! Next time ako na ang mananalo." Sabi nito at nagpatuloy sila sa asaran.
"Sabi ni Erion kahit pagkatapos na lang daw ng klase tayo pumunta doon." Sabi ni Zab kaya lumipat sakanya ang atensyon ko.
"Maayos na ba si Zera?"
"Yup, okay naman daw sabi ni Erion." Tumango ako.Kahit gusto ko ng pumunta doon alam kong hindi kami papalabasin dito.
Mabilis naman na kumalat sa campus na nanganak na si Zera kaya halos ang daming tanong samin ng mga estudyante dahil kami ang malapit sakanya.
"Lalaki ba Autum?"
"Saan ang hospital?"
"Pwede ba kaming pumunta?"
Pinapaikutan nila ako at hindi ko alam kung anong uunahin kong sasagutin.
"Easy girls! Pwede rin kayong magtanong sakin." Singit ni Azer.Mabuti na lang at kasama ko ang mokong na 'to.Siya na ngayon ang pinagkaguluhan.
"Ang landi talaga!" Bulong ni Zab na katabi ko.
Huling subject ko na 'to ngayong araw.Tuwing Calculus ko lang kasama si Zab.Tumingin ako sa kaliwa ko.Seryosong nakatingin sakin si Ichiro habang pinaglalaruan ang ballpen niya.Yup, kasama ko rin siya dito.Umiwas ako ng tingin ng makita si Grace na palapit sakanya.
Yeah right pag-sinuswerte ka nga naman pati ang half sister ko kasama ko pa sa subject na 'to.
"Tignan mo si Grace Autum! Nilalandi si Ichiro." Madiin na bulong sakin si Zab.Pinigilan ko naman ang sarili ko na tumingin sakanila.
"Wala namang paki sakanya si Ichiro." Sagot ko at nagkibit balikat sakanya.Nanliit naman ang mata niya.
"Hmp! Whatever!"
Dumating na ang professor namin kaya doon ko na lang tinuon ang atensyon ko.Sumulyap ako ng isang beses kila Ichiro.Talaga namang umupo pa si Grace sa tabi niya huh? Nag-init agad ang ulo ko.
Mukhang close naman sila? Kung sabagay si Grace ang nagpatuloy noon sa punishment ko baka naging malapit sila doon.Iniisip ko pa lang 'yon naiinis na ko.
Hindi na ulit ako tumingin sakanila habang itong katabi ko ramdam ko ang pag-oobserba sakin.
Nagpa-quiz si Mr.Delios matapos ng kanyang discussion.May naisagot naman ako kahit papano kahit medyo nalipad ang isip ko sa kung saan.Niligpit ko na ang gamit ko.
"Oh my gosh!" Biglang nagtilian ang mga classmate ko.Kumunot ang noo ko at nag-angat ng tingin sakanila.
Lumabas na si Mr.Delios habang nakatingin silang lahat sa direksyon kung saan nakaupo sila Ichiro.What happened? Pinigilan kong hindi tumingin doon.
Nilingon ko na lang si Zab na ngayon ay laglag panga.Tinikom niya 'to ng makitang na sa kanya ang atensyon ko.
"Anong nangyari?" Agad siyang umiling.
"Wala la---"
"Bakit naman kaya hinalikan ni Grace si Ichiro? No?" Usisa samin ng babaeng nakaupo sa unahan namin.But...
What?
Hinalikan?
BINABASA MO ANG
Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]
Teen FictionMatapos makalabas sa Wilton University ni Autum Pereira ito ang pagpapatuloy ng kanyang storya. What happened? Halos isampal sa kanya ang lahat ng malaman na niya ang totoo.Bakit sa isang iglap nagbago ang lahat sa pagitan niya at ng kanyang half si...