I'm not expecting na pupunta si Dad dito. Paniguradong hindi papayag si Grace. Isa pa baka galit na rin sakin si Daddy dahil hindi ko sinunod ang kanyang gusto.Nag simula na ang party at halos ang mga imbitado ay mga schoolmates ko sa St. Natali at yung mga ibang nakilala ko sa Wilton University.
"Long time no see?" Umangat ang tingin ko sa pamilyar na boses na iyon. Nanlaki ang mata ko ng makilala 'to at mabilis siyang niyakap.
"Argon!"
"Woah! Hindi naman yata halata na masyado mo kong na miss?" Natatawa niyang saad. Sinapak ko siya sa kanyang braso bago tuluyang humiwalay.
"I'm just shocked. It's been two years."
"Me too. I though hindi na kita makikita." Sagot niya habang kumindat pa. Napailing na lang ako. Hindi pa rin nagbabago.
"Don't tell me single ka pa rin?"
"Why? Payag ka na bang maging boyfriend ako?"
Seriously?
"I'm just asking." Natatawa kong sabi. Inabutan niya naman ako ng baso pero hindi ko alam ang laman nito. Hindi ako madalas sa mga party kaya wala rin akong masyadong alam sa mga hard liqours.
"Then don't ask me kung hindi ka pa pala payag." Pinagtaasan ko siya ng kilay. Hindi ako naniniwala na wala tong nilalandi.
"Kilala mo naman kung sino ang gusto ko." Sagot ko at sumimsim sa inumin na binigay niya. Napapikit ako ng maramdaman ang pag-gasgas nito sa aking lalamunan.
"Yeah."
"Autum! Come on!" Hila sakin ni Zab. Tatanggi pa sana ako pero dire-diretso ang paghila niya sakin. Hindi tuloy ako nakapag-paalam kay Argon.
Dinala niya ako kung saan nag-sasayaw ang lahat at may nakakabinging music. May inabot siya saking baso at walang pag-dadalawang isip na ininom ko 'yon. I want to be happy. Kahit ngayon lang.
Tuwang-tuwa si Zab na nasa gilid ko habang nakikipag sayaw sakin at patuloy na nag-aabot ng alak sakin. Hindi rin nag tagal ay napalayo ako sakanya at kung saan saan na napunta.
"Hi Autum!" Bulong sakin ng isang boses ng lalaki pero hindi ko siya makita ng maayos dahil medyo madilim sa parte na 'to. Isa pa medyo nahihilo na rin ako. Ano bang mga alak ang pinainom sakin ni Zab?
"Hi!" Bati ko pabalik. Nabigla ako ng hawakan niya ako sa waist at hilahin palapit sakanya.
Napahawak ako sa ulo ko dahil sa hilo. Sumayaw ang lalaking nasa harapan ko ngunit hindi na ko makasayaw. Masakit na rin ang aking paa.
Tinulak ko siya habang napaatras.
"Sorry. Kailangan kong pumuntang cr." Saad ko at hindi alam kung narinig niya ba yon dahil sa lakas ng music.
Pinilit kong makaalis sa lugar na iyon habang hinanap ang cr. Pader na lang ang sumusuporta sakin upang hindi tuluyang bumagsak. Pumasok ako sa isang pasilyo at isa-isang binuksan ang mga pinto dito.
Hindi ko alam kung kaninong bahay 'to pero nasaan ba ang cr? Gahd! Napasandal na lang ako sa pader. Masyado ng dumodoble ang aking paningin.
"Autum." Kumunot ang noo ko ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Pinilit kong idilat ang aking mata at sinubukang kilalanin ang nasa harap ko.
"G-Grace?" Taka kong tanong at kinusot ang aking mata baka nagkakamali lang ako. Sinubukan ko ulit siyang tignan. No. Siya nga.
"You came." Hindi ko makapaniwalng sabi.
"I'm here to ask you a favor." Huh? Nagulat ako ng unti-unti siyang lumuhod.
"H-Hey, what are you doing?" Sinubukan ko siyang itayo ngunit wala na kong lakas. Ano bang ginagawa ng babaeng 'to?
"Please... Nasayo na ang lahat. Pabayaan mo na lang sakin si Ichiro... I love him so much." Natigilan ako dahil doon. What? Napatayo ako ng tuwid at tinignan siya ng hindi maintindihan.
"Kinuha mo na sakin ang lahat kaya panong... Nasakin?" Naguguluhan kong saad. I don't understand her. Ichiro stay to my side sa lahat ng napagdaanan ko. Hindi siya bagay na hinihingi lang. May sarili siyang desisyon para dito.
"Huwag ka ng mag kunwari na parang hindi mo alam! Ibibigay sayo ni Dad ang company, diba? Ang halos lahat ng pag-aari niya!"
W-What? Bakit niya naman sakin ipapamana ang mga iyon? Anak niya lang ako sa labas. Sa kabit niya, kaya panong sakin?
"Hindi ko alam ang tungkol jan..." Umiling siya at napayuko.
"Ngayong alam mo na. Please... Kahit... Kahit si Ichiro na lang ang itira mo sakin..." Napakagat ako sa ibabang labi ko. Kailanman hindi ko siya nakitang maging ganito but no. I can't do that.
BINABASA MO ANG
Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]
Fiksi RemajaMatapos makalabas sa Wilton University ni Autum Pereira ito ang pagpapatuloy ng kanyang storya. What happened? Halos isampal sa kanya ang lahat ng malaman na niya ang totoo.Bakit sa isang iglap nagbago ang lahat sa pagitan niya at ng kanyang half si...