Chapter 9

1.2K 33 2
                                    


"What?" Reaksyon ko ng sabihin niyang kaya siya natagalan na pumunta dito ay dahil kinausap siya ni Tita Mitch.

"Ano namang pinagusapan niyo?" Dagdag ko.Hindi ako makapaniwala.Gusto niya talaga si Ichiro para kay Grace.

"About Grace.Im just listening to her the whole time." Eh? Na-iimagine ko si Ichiro na hindi nagsasalita habang daldal ng daldal si Tita Mitch.

"Your so rude.Nagsalita ka naman sana kahit konti." Baka kung ano ng isipin sakanya ni Tita Mitch pero diba mas maganda 'yon?

"Im not interested! Unless it's about you." Napailing na lang ako.What do i expect? Sana'y siyang ipakita kung bored siya oh hindi interesado sa isang bagay.

"Okay lang ba na dito ako bumaba?" Tanong ko sakanya ng ipasok niya ang kotse niya na sakay ako hanggang parking lot ng St.Natali.

"Maaga pa, wala pang masyadong students." Tumango ako at tinanggal na ang seat bealt sakin bago humarap sa salamin at ayusin ang buhok kong nagulo.Sinuklay ko 'to gamit ang daliri ko.

"Autum." Tumingin ako sakanya.Nakahiling siya sa manibela habang pinapanood ako.Binalik ko ang tingin ko sa salamin.

"Bakit?"

"Let's date?" Natigilan ako.Date? Pakiramdam ko imposible 'yon ngayon lalo pa at nakilala na siya ng St.Natali.

"Of course malayo dito." Dagdag niya na parang nabasa niya ang nasa isip ko.

Muli ko siyang nilingon.May konting sakit akong nakita sa mata niya.I know pilit niya yong tinatago.Hindi ko alam na ganito 'to kahirap.Bigla ko tuloy nakalimutan kung bakit sinisikreto namin ang relasyon namin.Dahil kay Grace? Baka nga tama ang iniisip ni Zera? Nakikipagkumpetensya ako sa half sister ko.

Ako ang nangunguna na estudyante sa buong St.Natali habang pangatlo si Grace.I can't believe this! Kung sasabihin ko naman kay Dad ang tungkol samin.Ano na lang ang iisipin niya? Naunahan ako ni Grace.Isa pa hindi naman ako umapila sakanila ng sabihin ni Grace na gusto niya si Ichiro.Nagpatulong pa nga sila saking ilakad siya sakanya.Gahd! Am i too late?

"Sige, ikaw bahala." Sabi ko kaya napaayos siya ng upo.

"Really?" Kinagat niya ang ibabang labi niya para pigilan ang pag-ngiti.

"Yup, wala pa namang masyadong ginagawa."

"Okay, i'll wait you here later." Tumango ako bago tignan ang labas.Walang students.

"Bababa na ko." Paalam ko sakanya at binuksan na ang pinto pero hindi ko pa naaapak ang paa ko ng hilahin niya ko pabalik.

"What?" Lito kong tanong.

"Where's my kiss?" Halos uminit ang pisngi ko.

"Uhm..."

"Kahapon meron, wala ngayon?" Halos itulak ko siya palayo sakin.Pwede bang tumigil na siya? Pakiramdam ko pulang pula na ko!

"Aalis na ko!"

"Hey---" Mabilis kong sinarado ang pinto at halos tumakbo ako palayo doon.What the heck?

"Autum!"

"Shvt!" Napatalon ako sa gulat at nilingon ang tumawag sakin.Kumakaway sakin si Zab habang nakangiti sakin si Saphire.Nandito na rin pala sila.

"Nagmamadali ka?" Tanong sakin ni Zab at tumingin sa wrist watch niya.

"Hindi naman!" Nanliit ang mata niya.Umiwas ako at tumingin kay Saphire.

"Anong floor ka?"

"3rd." Sabi niya habang nakatingin sa papel kung nasaan ang schedule niya.

"Pareho pala tayo." Sumilip din ako sa papel.

"Hindi ba at nag-offer sayo ang St.Natali Saphire?" Umangat ang tingin ko kay Zab.Offer?

"Ano 'yon?" Sabay nila akong nilingon.Kumunot ang noo ko.

"Gusto ng St.Natali na ipadala ako sa Wilton bilang isa sa mga kapalit nila Ichiro." Napatango ako.Bigla kong naalala noon na gusto niyang sumama sakin sa Wilton University.

"Oh? Pumayag ka?"

"'Yun na nga eh! Ayaw niya!" Saad ni Zab.

"Bakit? Diba gusto mong pumasok doon?" Umiling siya.

"Hindi na, hindi na kailangan..." Nagkatinginan kami ni Zab.Hindi na kailangan? So may kailangan nga siya sa Wilton noon.

Hindi na lang namin siya kinulit ni Zab tungkol doon dahil mukhang ayaw niya rin namang pag-usapan.Pumasok na ko sa una kong klase at agad kong napansin ang iba kong classmate na nagtutumpukan.

"Anong meron doon?" Tanong ko sa babaeng classmate ko rin sa Calculus.Siya rin yung babaeng nagsabi na hinalikan ni Grace si Ichiro (Aish! Naalala ko na naman!).Nakalimutan ko na ang pangalan niya.

"Big issue! Ito tignan mo!" Mabilis niyang kinuha ang cellphone niya at hinarap sakin 'to.Kumunot ang noo ko.

"Naku! Usap-usapan na nanliligaw daw tong si Ichiro kay Grace! Ayan nagpaalam daw muna sa mother!"

Picture 'yon ni Ichiro na nakasandal sa bangko na inuupuan niya habang tamad na nakatingin kay Tita Mitch.Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin non pero ganto ang mukha niya pag-bored siya.

"Ang sweet right? Sana ganyan din ang maging boyfriend ko!" Umangat ang tingin ko sakanya at pilit na ngumiti.

"Ang ingay mo! Tumahimik ka naman!" Reklamo ng katabi niyang lalaki.Inirapan niya lang 'to at ngumiti sakin.

"Ikaw si Autum diba? Im Aina." Nilahad niya ang kamay niya.Tinanggap ko naman habang binalik ko na rin ang cellphone niya.

"Nice to meet you!" Tumango ako.Ang dami niya pang sinabi sakin pero hindi ko na nasundan.Inis na inis naman yung katabi niyang lalaki.

Lumipad ang isip ko doon sa picture.Plano kaya nila 'yon? Pero hindi naman siguro sila ganon ka-desperada para umabot pa doon right? Paniguradong kalat na 'to sa buong campus.Baka dinudumog na ng mga tanong si Ichiro.Pero imposible right? Takot na lang nila sakanya.Kinuha ko ang phone ko.Nakita ko namang may text siya.

Ichiro:

Don't mind the news.

Agad akong nagtipa ng sagot.

Me:

Im fine.How about you?

Ibabalik ko pa lang sana sa bulsa ko pero biglang nag-vibrate.Ang bilis huh?

Ichiro:

Im okay but damn! I want you here.Should i go there?

Napangiti ako at umiling.

Me:

Bawal! Saka magkikita naman tayo mamaya.

Tumingin ako sa pinto dahil baka dumating bigla ang professor namin.

Ichiro:

Yes, and you're damn dead dahil sa pagtakbo sakin kanina.You need to pay me.

What? Napatawa na ko.

Me:

How much?

Halos mag-init ang pisngi ko ng mabasa ang reply niya.Seriously?

Ichiro:

20 kiss and 10 minutes hug.

"Are you okay?" Umangat ang tingin ko kay Aina.Sinilip niya naman ang cellphone ko kaya agad ko tong tinago.

"Namumula ka.Boyfriend mo?" Sabi niya habang kakaiba ang ngiti sakin.

"Oo." Walang pag-aalinlangan kong sagot.

"Oh? May boyfriend ka na pala? Sino naman?" Nasa mata niya na gusto niya tong makilala.Gusto ko ring malaman ang reaksyon niya.

"Sa tingin mo ba okay lang na magboyfriend ako?" Kumunot ang noo niya.

And then i realized...

Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon