Chapter 1

2K 45 0
                                    


Matapos naming kumain dumiretso kami sa mall para sa gusto ni Ichiro na normal date.

"Sabi ko yung isa mas maganda 'yon!" Reklamo ko sakanya ng makitang ibang ticket ang binili niya.

"Maganda rin naman 'yan.Let's go." Nagpahila na lang ako sakanya habang iniirapan ko lang ang mga babaeng halos mabali ang leeg dahil kay Ichiro.

Nilingon niya ko kaya pilit akong ngumiti.

"Beautiful..." Halos mamula ako sa sinabi niya.Seriously Ichiro?

Bumili muna kami ng popcorn at drinks bago pumila sa napili niyang movie.Horror ang pinila niya kaya naman hindi ko matanggap.Hindi pa yata ako makakatulog ng mapayapa mamaya.

"You okay?" Tiningala ko siya.Iniisip niya bang hindi ko kayang manuod ng horror kaya ito ang pinili niya? Hmp! Well, konti...

"Yes, bakit naman hindi?" Nanliit ang mata ko.Nagkibit balikat siya at umiwas ng tingin.Binalik ko na lang din ang tingin ko sa pila.

Kumunot naman ang noo ko ng mamukhaan ang tatlong babae hindi kalayuan samin.Si Grace ba 'yon? Umusad ang pila kaya mas nakita ko pa 'to ng malapitan.Halos manlaki ang mata ko.Siya nga! Mukha silang may hinihintay.

Patay! Hindi dapat nila kami makita! Bakit sa laki nitong mall talagang nagtagpo pa kami?

Tinanggal ko ang pagkakakapit ko sa braso ni Ichiro dahilan para makita ko sa gilid ng mata ko ang paglingon niya sakin.Inayos ko ang bag ko at muli siyang tiningala.

"Ako na maghahawak nito." Saad ko at kinuha sa kamay niya ang popcorn.Hiling ko lang na hindi mapatingin dito ang half sister ko.

"Namumutla ka." Yeah right! Kinakabahan ako! Hindi sana kami makita ni Grace!

"Im fine." I lied.

Nakahinga lang ako ng maayos ng makapasok na kami sa loob.Agad kong kinuha ang phone ko habang hindi pa nag-sisimula.Nag-open ako ng facebook at hinanap agad ang pangalan ng half sister ko.Tumuwid ako ng upo ng mabasa ang status niya.Shvt! Ito rin ang movie na papanuodin nila.So anytime nandito na rin sila sa loob.Mas lalo akong kinabahan.

"Ayaw mo ba talaga sa movie na napili ko?" Tanong ko kay Ichiro na kumakain na ngayon ng popcorn.

"No." Sagot niya kaya napasandal na lang ako.

Sa ngayon ang magagawa ko na lang ay ang magdasal na malayo sila Grace samin.

"Why? You scared?" Eh? Iniisip niyang natatakot ako? Siguro, konti pero mas kinakatakot ko na makita kami ng half sister ko.

"Hindi ah." Tumaas lang ang kilay niya at parang hindi pa naniniwala sakin.

"Okay." Umirap ako.Talaga!

Ilang minuto pa ang lumipas at nagsimula na nga ang movie.Luminga linga ako sa paligid at mukhang hindi dito naupo sila Grace.Hay salamat!

Kinuha na ng movie ang atensyon ko.Noong una okay lang hindi naman masyadong nakakatakot pero noong kalagitnaan na halos lumabas ang puso ko sa dibdib pag may nakakagulat na parte.Shez! Kaya ayoko manuod ng ganito!

Muntik naman akong mapatili ng may humawak sa kamay ko.Si Ichiro lang pala! Bwiset! Aatakihin pa ko sa puso!

"Natatakot ka na?" Pang-aasar niya.Inagaw ko naman ang kamay ko.

"H-Hindi ah! Baka ikaw?" Tumawa lang siya at muling nanuod.Bakit pakiramdam ko may plano siyang kung ano?

Nakakagulat ulit ang scene kaya halos pumikit ako.

"Miss?" May kumalabit sakin.

"Shvt!" Mura ko at nilingon ang katabi ko sa kanan.Bakit dito niya pa napiling kulbitin ako? Pakiramdam ko talaga aatakihin ako sa puso!

"Sayo ba 'to?" Turo niya sa panyong hawak.Umiling ako.

"Baka sa huling nanuod 'yan." Sagot ko habang tumango naman siya.

"Sorry sa istorbo akala ko kasi sayo." Napakamot pa siya sa batok niya.

"It's okay." Ngumiti ako at napalingon sa katabi ko ng bigla na lang siyang tumayo.

"Baby let's go, im tired." Sabi ni Ichiro habang matalim ang tingin sa katabi ko.Eh? Anong baby?Kailan pa kami nagkaroon ng endearment?

"Hindi na natin tatapusin?" Tanong ko ng mapatingin sa screen.

"No, tara na." Nilahad niya ang kamay niya.Tinanggap ko naman 'to at tumayo na rin.

Tahimik lang siya hanggang sa makalabas na kami.Problema nito? Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya.Luminga ako sa paligid.Medyo konti lang ang tao.

"Im jealous..." Amin niya kaya halos manlaki ang mata ko.Doon sa lalaki? Tumawa ako.What the heck?

"Masaya ka pa huh?" Umiling ako at pinigilan ang pagtawa ko.

"May tinanong lang naman siya." Paliwanag ko habang kinagat niya ang ibabang labi niya kaya napatingin ako dito.Hinapit niya ko palapit sakanya.

"I can't help it because you don't know how much i want your attention." Bulong niya sakin.Pinalo ko naman siya sa dibdib.Pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"You're blushing." Urgh! Inasar niya pa talaga ako!

"Comfort room lang ako." Tinulak ko siya para makaalis doon habang narinig ko ang pagtawa niya.Hmp!

Pumasok na ko sa loob habang naghintay lang siya sa labas.Inayos ko ang sarili ko at napansin ko nga ang pamumula ko.Pinigilan ko namang ngumiti.Seriously?

Nakarinig naman ako ng tawanan ng mga babae na papasok dito.Kinabahan ako.Mabilis akong pumasok sa isa sa mga cubicle.

"Sino kaya yung hinihintay ni Ichiro?"

"Baka yung kapatid niyang lalaki?"

Napaupo ako sa saradong inidoro ng marinig ang boses ni Grace.Sabi na nga ba! Ibig sabihin nakausap nila si Ichiro? Ano naman kayang sinabi niya?

Ilang minuto pa silang nagtagal habang nag-uusap tungkol kay Ichiro at sa kung anu-ano pang mga bagay.Ayoko ng idetalye pa.Naiirita lang ako.

Kinuha ko ang phone ko ng mag-vibrate 'to.

Ichiro:

Hey, are you okay there?

Napapikit ako ng madiin.Huwag kang pupunta dito!

Me:

Yup, wait lang lalabas na ko.

Narinig ko naman ang pag-alis nila kaya lumabas na ko.Hay salamat! Sinilip ko si Ichiro at mag-isa lang naman siya na nakatayo doon.

"Uwi na tayo." Sabi ko ng makalapit ako sakanya.May kakaiba naman sa tingin niya sakin.

"Okay." Sagot niya habang pumulupot ang isa niyang kamay sa waist ko.Tiningala ko siya.Gusto ko siyang tanungin tungkol kay Grace pero...

Huwag na lang pala baka ako pa ang ulanin niya ng tanong.Sa tingin niya pa lang sakin kanina parang may gusto siyang sabihin.

Tumingin ako sa suot kong wrist watch.Huh? Maaga pa pala.Bakit naman nagyaya agad ako na umuwi? 5:00 pm pa lang.

"May gusto ka pa bang puntahan?" Tanong ko kay Ichiro ng makasakay na siya sa driver seat.

"Meron." Sabi niya at nilingon ako.

"Saan?"

"Church."

Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon