My image.Isa 'yon sa iniingatan ko.Kaya nga noong napagbintangan ako talagang hindi ako makapaniwala.Pano 'yon magagawa ng isang Autum Pereira? Pinalaki ako ni Mommy ng maayos.Top 1 ako dito sa St.Natali.Sinong maniniwala na sinira ko ang garden?Pero may image pa nga ba akong dapat ingatan? Simula ng kumalat ang tungkol sa problema ng pamilya namin.Sirang sira na ko tanging pagiging Top 1 ko na lang ang pinanghahawakan ko dito.
Kung malaman ba ng St.Natali na may boyfriend na ako magiging okay lang kaya ang lahat?
"Bakit? Ano naman kung may boyfriend ka?" Litong tanong ni Aina.
Ako nga lang ba may problema dito? Masyado ko bang iniisip ang opinyon ng ibang tao? Pero simula ng malaman nilang anak ako sa kabit pakiramdam ko mahalaga na ang opinyon nila.
Nag-bakasyon ako sa France para panandaliang makawala sa mga masasakit na salitang binabato nila sakin.Oo, isa na rin 'yon sa dahilan ko.Sobrang sakit pala parang bumabalik sakin ang mga sinasabi ko noon kay Grace.
"Bakit naman doon pa sa kabit umuuwi?"
"Grabe ano? Ang kakapal ng mukha."
Pumikit ako ng madiin para habaan ang pasensya ko.Parang wala ako dito kung mag-usap sila oh baka naman pinaparinig talaga nila sakin?
"Wala natanong ko lang." Sagot ko kay Aina habang umayos na ng upo dahil dumating na ang professor namin.
Alalahanin ang pag-hihirap ko sa mga nakalipas na buwan ay masakit parin sakin.Mabuti na nga lang at medyo humupa na 'to ngayon.
Alam ko ring naman kahit hindi sabihin ni Dad sakin naaapektuhan parin siya.
Sinubukan ko namang makinig sa lesson at mabuti na lang nagawa ko dahil gagawa raw si Sir Ramos ng test para bukas.
"Sino nga yung boyfriend mo Autum?" Kulit sakin ni Aina habang nag-aayos ako ng gamit ko.Nag-sisi tuloy akong sinabi ko pa sakanya.Mukhang hindi niya ko titigilan.
"Next time papakilala ko." Sabi ko at sinukbit na ang bag sakin.Lumipat naman ang atensyon niya sa lalaking katabi niya ng kausapin siya nito kaya nakaalis na ko doon.Hay! Salamat!
"Hi Autum!" Dumaan sa gilid ko si Azer na ngiting ngiti.Good mood? Ngumiti na lang ako sakanya pabalik.
Sa kabuuan naging maayos naman kahit papano ang araw ko ngayon kahit napagalitan ako ng isang professor.Nalipad talaga isip ko!
"Uy Autum! Bakit mo ko tinakasan kanina?" Gulat akong tumingin kay Aina na nakupo sa harap ko.I forgot! Classmate ko rin pala siya sa Calculus!
"Bakit anong meron?" Usisa ni Zab habang nakain ng chips.Wala pa si Mr.Delios.
"May boyfriend na pala siya.Ayaw niyang ipakilala sakin!" Nanlaki ang mata ni Zab sakanya at lumingon sakin.
"Uhm...next time Aina.Busy pa kasi siya." Dahilan ko.Sana bumenta!
"Oh? Ganon ba? Sige!" Tinalikuran na niya kami kaya nakahinga ako ng malalim.Kinausap naman siya ng lalaki (ulit) na katabi niya kaya nabaling ang atensyon niya doon.
"Sinabi mo?" Bulong sakin ni Zab.Napatingin naman ako sa kaliwa ko.Nagsasalita si Grace pero sa direksyon ko nakatingin si Ichiro at halatang hindi nakikinig.Umiling ako baka mahalata kami.
"Hindi ko naman sinabi ang pangalan niya." Sagot ko at nilipat na sakanya ang tingin ko.Tumango siya.
"Akala ko nagbago ka na ng desisyon." Hindi ako sumagot at nilabas ang cellphone ko.
Ichiro:
Hey.
Ichiro:
May professor na?
Ichiro:
Im bored!
Kumunot ang noo ko.Nagtetext kaya siya habang may teacher sa unahan? Napailing na lang ako.
Me:
Huwag kang masyadong tumingin dito.
Sumulyap ako sa kanyang pwesto at nakitang hawak na niya ang cellphone niya.Nagsasalita parin si Grace.Nagkukwento ba siya?
Ichiro:
I can't help it.Lagi tayong magkatabi sa Wilton University.Should we go back there?
Napangiti ako.Kung pwede lang...
Me:
Miss ko na rin ang Wilton.
Ichiro:
Dumaan tayo doon mamaya.
Parang bigla ko tuloy gustong pabilisin ang oras.Sasagot pa lang sana ako pero may text message na ulit siya.
Ichiro:
But you need to pay me first.
Talagang seryoso siya doon huh?
Me:
Okay.I love you.
Iyon na lang ang naisagot ko para maputol na ang pag-uusap namin.Kawawa naman kasi si Grace doon salita ng salita pero wala namang nakikinig.
Sumulyap ulit ako sakanila.Tinignan ko si Grace.Nakatingin na lang siya kay Ichiro na ngayon ay sobrang lawak ng ngiti.Parang gulat pa siya.I know right! Minsan lang ipakita ni Ichiro ang ganyan niyang expression.
Biglang nag-vibrate ang phone ko.Mabilis akong tumingin dito.Natawag siya! Hindi ko naman alam kung sasagutin ko.Pano kung may makapansin? Inikot ko ang paningin ko sa kabuoang room.May sari-sarili silang mundo.
Dahan-dahan kong nilagay sa tenga ko habang sumulyap ulit sakanya.Nakapikit na siya habang nakasandal sa pader ang ulo.Kitang kita ko dito ang ngiti niya.Si Grace naman ay puno ng pagtataka sa mukha.
[Damn! I love you too.]
Napayuko ako.I know! Narinig 'yon ni Grace! Masyado yung malakas!
"Tinext mo na lang dapat!" Sabi ko pero hindi mapigilang mapangiti.
[Tell me again.Please?]
Halos mabulagbog lahat ng paru-paro sa tyan ko parang wala na kong paki kung mahuli kami.
"Parang ngayon ko lang sinabi?" Natatawa kong tanong narinig ko rin ang pagtawa niya.
[I wanna hear it baby, please?]
Shez! Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pag-ngiti.
"Autum? Bakit ka natutulog?" Dinig kong sabi ni Zab.Mukha pala akong natutulog? Hindi ako sumagot narinig ko ring may kumausap na sakanya.
[Hey.]
"I love you..." Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.Gahd! I want to see his expression!
[I love you too baby.]
Paniguradong pulang pula na ko.Aish! This man making me crazy! Baby? What the heck?
"Enough Ichiro baka dumating na si Mr.Delios."
[Okay.]
"Bye."
Binaba ko na habang tumuwid na ng upo at inayos ang buhok ko na nagulo.Sumulyap ako sakanya.Kinagat niya ang ibabang niyang labi para pigilan ang pag-ngiti.Saglit niya lang din akong tinignan.Parang sasabog naman sa inis si Grace.
Bigla siyang tumayo at padabog na umalis.Natahimik ang lahat pero nagbulungan din matapos ng ilang minuto kung bakit nag-walk out si Grace.
Lumingon ako kay Ichiro kaharap niya parin ang phone niya.Kinuha ko ulit sa bulsa ko ang akin.
Ichiro:
I can't hide my smile fvck!
Ichiro:
I want to go there and sit beside you.
Seriously? Hindi niya man lang napansin ang pag-alis ng katabi niya?
Me:
Si Grace?
Nakita ko ang pagtingin niya sa kanyang tabi.Nasa mukha niya ang pagtataka ng walang madatnan dito.I knew it!
BINABASA MO ANG
Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]
Novela JuvenilMatapos makalabas sa Wilton University ni Autum Pereira ito ang pagpapatuloy ng kanyang storya. What happened? Halos isampal sa kanya ang lahat ng malaman na niya ang totoo.Bakit sa isang iglap nagbago ang lahat sa pagitan niya at ng kanyang half si...