Chapter 11

1.3K 34 2
                                    


Hindi na bumalik si Grace hanggang sa dumating na si Mr.Delios at matapos ang oras namin dito.Talagang nainis siya kay Ichiro? Kung sabagay sino bang matutuwa kung walang makikinig sayo.

"Pupunta ka ba sa hospital?" Tanong ni Zab na kasabay kong lumabas ng room.

"Hindi yata.Baka bukas." May date pa kasi kami ni Ichiro.Tumango naman siya.

Sumabay ako sa kanila ni Saphire na mag-meryenda bago dumiretso sa library para puntahan ang mga ka-grupo ko para sa reporting namin sa isang subject.

Pagpasok ko pa lang dito agad ko ng namataan si Azer.Aba! Dito pala lumalandi! Nandoon din si Lance na tahimik lang sa gilid niya.Kumaway siya sakin ng makita ako.Ngumiti ako sakanya.

Lumapit na ako sa apat kong ka-grupo.Wala pa yung leader namin kaya hindi pa kami nag-sisimula.

"Nag-walk out si Grace?" Usisa ni Rachel kay Ella na classmate ko sa Calculus.Mukhang nag-kwento siya sa nangyari kanina.

Talaga bang wala ng katapusan tong mga issue nila? Pati 'yon? Pansin ko lang these past few days si Ichiro at Grace ang laman ng usapan ng campus.

"Yup! Grabe! Ngiting ngiti kasi si Ichiro sa kausap nito sa phone." Sagot ni Ella.Nakita niya pala 'yon? Kinabahan naman ako.Hindi niya naman siguro ako napansin.

"Baka pinagseselos niya lang si Grace." Lumipat ang tingin ko kay Eloisa.Nagkibit balikat siya.

"Malay natin." Dagdag pa niya.

"Nakakatakot kasing kausapin si Ichiro." Singit din ni Cristina.

I knew it.Inisip ko na rin na hindi nila makausap si Ichiro dahil sa nakakatakot nitong aura.Hindi nila mapatunayan kung totoo ba ang kumakalat na balita.

Hindi ko na sinundan ang pag-uusap nila.Nanahimik na lang ako at lumayo ng konti.Medyo umiingay na rin kasi sila kaya 'yon nasaway sila ng librarian.Nasaan na ba kasi yung leader namin?

"Bukas na lang daw tayo mag-usap.Marami raw ginagawa si leader." Sabi ni Eloisa habang nakatingin sa phone niya.Mukhang sakanya nag-text.Nag reklamo naman agad yung iba.

"Marami rin kaming gagawin! Hindi lang siya!" Inis na sabi ni Ella na sinangayunan nila.

"Ngayon lang ako may time para gawin 'to." Sabi naman ni Rachel.

Kinuha ko ang libro kung nasaan ang irereport namin.Kumunot ang noo ko habang binabasa ang ibang impormasyon.

"Hatiin na lang natin yung mga topics tapos ibigay na lang natin kay Rica (leader namin) yung kanya." Sabi ko at inangat ang tingin sakanila.Natigil sila sa mga reklamo nila ng sabihin ko 'yon.

"Oo nga mas maganda 'yon." Sabi ni Cristina at pumayag naman silang lahat.

Kaya hinati hati na namin ang mga topics habang si Eloisa na raw ang mag-bibigay kay Rica ng kanya.

"Sige, mauuna na ko." Paalam ko sakanila at niligpit na ang mga gamit ko.

Konti na lang kaming natira dito at medyo madilim na rin sa labas dahil 6:00 pm na.Naglakad na ko papuntang parking lot habang tumitingin sa paligid.Konti na rin ang mga estudyante.

Nasa hospital na siguro si Zab at Saphire.Nakita ko pa si Azer hindi kalayuan dito na may kausap na babae.Iniisip ko tuloy ang magiging itsura ni Zab pag nalaman niya 'to.Pakiramdam ko talaga may something sa dalawang 'yun eh.

Agad ko namang natanaw ang Ford ni Ichiro dito pero kumunot ang noo ko dahil sa nakitang dalawang tao na nakatayo sa gilid.

Ichiro and Grace.

Hindi na ko nakagalaw sa pwesto ko at pinanuod lang sila.Ayokong lumapit pa, ayokong marinig ang pinag-uusapan nila.Nanlaki ang mata ko ng umiyak si Grace.What the heck? Tinignan lang siya ni Ichiro.Napatingin naman siya sa direksyon ko at gulat ng makita ako.Umiling ako ng balak niyang pumunta dito.No, don't go here.

Nakayuko si Grace habang nag-pupunas ng luha.Tumalikod na ko ng mag-angat ulit siya ng tingin kay Ichiro.Pumikit ako ng madiin.Kailangan ko ng umalis dito.

Naglakad ako ng lutang ang isip papuntang likod ng school para doon dumaan.Pilit akong ngumiti sa guard ng batiin niya ko.

Luminga ako para maghanap ng taxi, sa condo ako didiretso.Humangin ng malakas kaya napatingala ako.Makulimlim ang langit.Parang nakikisabay pa sa nararamdaman ko! Napapikit ako ng madiin.Masakit pala na makitang magkasama sila.

"10 minutes hug." Nagulat ako ng may pumulupot na braso sa baywang ko.Naramdaman ko ang paghalik niya sa likod ng tenga ko.Nagmulat ako.

Bumagsak ang kamay ko sa braso niyang nakapulupot sakin.Ang lakas ng kalabog ng puso ko habang nagwawala na naman ang mga bwiset na paru-paro.

"S-Si Grace?" Tanong ko habang tinagilid ang ulo ko at sinandal naman niya ang baba niya sa balikat ko.

"I don't care to her." Kinagat ko ang ibabang labi ko.Pano kung may makakita samin dito?

"Saan ka pupunta?" Dagdag niya pa.

"Uuwi na." Mahina kong sabi.

"What? Pero yung date?"

"Akala ko kasi nag-uusap pa kayo ni Grace.Bukas na lang sana." Bigla naman niya akong hinarap sakanya.

"No, ngayon tayo magdadate." Tinawanan ko siya para namang hindi kami nag-date noong umuwi ako dito.

"Eh nasaan nga si Grace? Iniwan mo?" Kumunot ang noo niya.

"Don't mind her.Ako lang dapat." Sinapak ko nga sa dibdib niya.

"Half sister ko 'yon syempre!" Hinapit naman niya ako palapit sakanya.

"Lagi mo na lang siyang inaalala.How about me?" Napatitig ako sakanya.He's right.Sa kakaisip ko sa nararamdaman ni Grace nakakalimutan ko ang kay Ichiro.

"Im sorry."

"20 kiss?" Napailing ako.Seriously?

Tumingkayad ako at mabilis siyang hinalikan sa labi.

"One." Saad ko ng humiwalay sakanya.Lalayo na sana ako dahil isa lang naman talaga ang balak kong ibigay sakanya pero nabigla ako ng yumuko siya at muling sinakop ang labi ko.

Marahan ang bawat paggalaw ng labi niya habang nakamulat parin ako at nakapikit siya.Parang nanlambot ang tuhod ko kaya napahawak ako sa braso niya bilang suporta.Dahan-dahan kong pinikit ang mata ko at sumabay sa bawat paggalaw ng kanyang labi.

Gahd! I really love this man! Wala naman akong pagbabasehan dahil siya ang fist boyfriend ko but i know sakanya ko lang 'to mararamdaman.

"Fvck..." Parehong mabilis ang paghinga namin ng humiwalay siya.

"Damn! I love you." Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang pag-ngiti.

Bigla na mang bumuhos ang ulan kaya napatakbo ako pero hindi man lang siya gumalaw sa pwesto niya.

"Hey! Let's go!" Sabi ko at binalikan siya at hinila sakanyang kamay.

"No, let's stay here."

"What?"

Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon