Note: Zabrina Perez on the media!******
Kakatapos lang ng first subject ko ng biglang nagkagulo ang mga students.Lumabas na rin ako ng room habang agad na sumalubong sakin si Zab.
"Autum! Halika dali!" Hinigit niya ko at pilit na nakipagsiksikan sa mga students.
"Anong nangyayari----Ichiro?" Hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako oh totoong nakikita ko si Ichiro mula dito sa 2nd floor kasama sila Azer.
"Yeah right! Kahapon pa usapan na may lilipat dito pero hindi ko akalain na lalaki." Sabi ni Zab habang nakatingin din sa baba.
"Anong ginagawa nila dito? Hindi pwede ang mga lalaki sa eskwelahan---"
"Required ang bawat school na magpadala ng mga students sa all boys at all girls na school.Dapat din daw kasi tayong makisalamuha sa hindi natin ka-gender." Paliwanag niya with matching wagayway pa ng kamay.
"No way!" Na sabi ko na lang habang pilit na lumabas sa tumpok na mga students.
"Anong no way? Hindi ka ba masaya? Ichiro is here!" Tumigil ako sa paglalakad at hinarap si Zab.Hinawakan ko siya sa parehong balikat at nilapit sakin.
"Hindi nila pwedeng malaman na may boyfriend ako!" Bulong ko sakanya.Lumayo siya sakin habang na sa mukha niya ang pagkalito.
"Bakit naman?" Tumayo ako ng maayos habang nag-iwas ng tingin.
"B-Basta! Hindi pwede!"
"Mukhang problema nga 'yan." Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad habang naramdaman ko ang pagsunod niya sakin.
"So? What's your plan?"
"I don't know."
Hindi ko talaga alam.Ayoko muna sa ngayon malaman ng St.Natali na may boyfriend na ko.Lalo pa at nandito si Grace.Aish! Paniguradong...panigurado na sisiraan niya ko.
"Paakyat na sila!" Nataranta naman ako.
"Hide me!" Nasabi ko na lang kay Zab.Bigla niya kong hinila papasok ulit sa mga tumpok na students.
Dumaan sila habang nakamasid lang ako sa likod ni Zab.Ba'se sa mukha ni Ichiro halatang may hinahanap 'to at alam kong ako 'yon.Bakit hindi niya sinabi sakin na papasok pala siya dito? Sana nakapaghanda ako.
"Ang gwapo nila.Taga Wilton sila right? So gangster sila?"
"Maybe! Pero ang hot nila diba?"
Napairap na lang ako sa mga babaeng katabi ko na nagbubulungan.Tumingin ulit ako kila Ichiro na ngayon ay nakalayo na samin.
"We need to talk." Bulong ko bago lumingon kay Zab.Nakatingin parin siya kila Ichiro.
"Ang gwapo nga nila." Dinig kong sabi niya.Napailing na lang ako.
"Let's go Zab!" Nalipat ang tingin niya sakin habang nakakunot ang noo.Halatang hindi narinig ang sinabi ko.Nilagpasan ko na siya pero hinila niya ko pabalik.
"Where?" Lito niyang tanong.
"You need to help me.Kailangan kong makausap si Ichiro at kaming dalawa lang dapat!" Mahina kong saad habang tumitingin sa paligid.Tumitig siya sakin ng ilang segundo bago ngumiti.
"I'll help you pero kailangan ko ng pabuya." As expected.
"Ako bahala sa pagkain mo for five days."
"Okay! Let's go!" Siya na ang humila sakin palayo doon.
Tumingin ako sa suot kong wrist watch.Isang oras pa bago magsimula ang second subject ko.
"Ano na?" Tanong ko kay Zab na nakasilip sa gilid.
"Masyadong maraming babae ang nakapaligid sakanila." Sabi niya at umayos ng pagkakatayo.That's bad.
"But I already have a plan!" Nagkaroon ako ng pag-asa ng idagdag niya 'yon.
"Good.What is it?"
"Sa oras na lumabas ako.'Yon na ang chance mo para hilahin si Ichiro palayo.Okay? Ayusin mo Autum! Hindi madali tong gagawin ko." Tumango tango ako.Nag-ready na siya pati rin ako.
"Zab, thank you!" Saad ko bago siya tuluyang umalis.She wink at me.
"Basta yung pabuya ko." Nag-ok sign ako.
Sumilip ako ng lumabas na siya at mukhang mahirap nga ang ginawa niyang plano.Hinalikan niya si Azer?! Bakit si Azer pa ang napili niya?! Jusme!
"Free kiss & hug daw!" Sigaw ni Zab kaya nagkagulo ang mga babae at nawala ang atensyon kay Ichiro.
This is my chance! Lumabas na rin ako at hinila na si Ichiro palayo doon.
Dinala ko siya hanggang sa garden ng school at mukhang nagtagumpay naman kami ni Zab sa plano naming walang makakita samin.Humarap ako kay Ichiro na ngayon ay nakaupo na sa isa sa mga bench.Huminga ako ng malalim dahil medyo hinihingal pa ko bago nagsalita.
"We need to tal---"
"I know." Putol niya sa sasabihin ko habang nag-angat ng tingin sakin.Napalunok ako.
"Bakit mo ko iniiwasan huh?" Pano niya napansin 'yon? Ibig sabihin nakita niya na ko kanina? Halos maramdaman ko ang mabilis na pagpintig ng puso ko.
"Uhm...kasi pwede bang..." Umiwas ako ng tingin at yumuko.Ayokong makita ang reaksyon niya pagsinabi ko ang gusto kong mangyari.
"...isikreto ang relasyon natin?" Wala akong narinig na sagot kaya sumulyap ako sakanya at nakita ko ang nakakunot niyang noo.
"Ayoko munang malaman ng St.Natali kasi..."
"Okay." Natigilan ako ng marinig 'yon mula sakanya.Okay? Pumapayag siya?
Hinawakan niya ang kanan kong kamay at hinalikan 'to.
"It's fine with me as long as you're mine." Ngumiti ako at tumango.Shez! Nagwawala na naman ang mga bwiset na paru-paro sa tummy ko.
Pareho naman kaming napatingala sa langit ng biglang umulan.Ano ba 'yan! Maaraw naman kanina.Tumakbo ako sa kanan pero nahila ako ni Ichiro sa kaliwa kung saan may malaking puno.
"Pano yung klase natin?" Tanong ko ng mapatingin sa wrist watch ko.Ilang minuto na lang magsisimula na ang second subject ko!
"Kailangan muna nating magpatila dito.Baka magkasakit ka pagtinakbo natin 'yan." What? Ako lang talaga ang magkakasakit? Tumahimik na lang ako.
Nakatingala lang kami sa langit.Makulimlim, pakiramdam ko magtatagal pa 'to.Mabuti na lang at malaki ang puno.Hindi kami nababasa.
Lumingon ako kay Ichiro at nagulat ako dahil nakatitig pala siya sakin.
"It's fine with me as long as you're mine."
Parang may tumusok sa puso ko.Ano kayang iniisip niya? Gusto kong malaman.
"Im sorry." Iyon lang ang na sabi ko at napayuko.
"I understand." Kumunot ang noo ko.Naiintindihan niya? Sa paanong paraan? Binalik ko ang tingin ko sakanya.Nakatingin na siya sa langit ngayon.
"Ayaw mo bang tanungin ang rason ko?" Kinagat ko ang ibabang labi ko matapos sabihin 'yon sakanya.
Hinawakan niya ang kamay ko.Mahigpit.
"You're mine." Saad niya habang bumagsak ang tingin ko sa kamay namin.
"...that's enough reason to me."
BINABASA MO ANG
Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]
Novela JuvenilMatapos makalabas sa Wilton University ni Autum Pereira ito ang pagpapatuloy ng kanyang storya. What happened? Halos isampal sa kanya ang lahat ng malaman na niya ang totoo.Bakit sa isang iglap nagbago ang lahat sa pagitan niya at ng kanyang half si...