Chapter 23

1.1K 33 1
                                    


Note: Sorry for late dedications. Sa phone lang po ako nagawa. Thank you for understanding!

"Bye ate!"

Kumaway siya at nag flying kiss pa bago naglakad papasok sakanyang school. Napangiti na lang ako.

"Let's go?" Nilingon ko si Ichiro na katabi ko lang. Let's go?

"Magtataxi na lang ako." Sagot ko at binalik ang tingin kay Kei na papasok na ng gate.

"Why? Nandito na naman ako." Huminga ako ng malalim at hinarap siya. Tumingin ako sa mga mata niya. Ayoko siyang saktan pero kung yun lang ang way para lumayo siya mas okay na siguro 'yon.

"Don't pretend na maayos tayong dalawa. Just leave me alone Ichiro." Tinignan niya ako ng hindi makapaniwala.

"I can't do that. Kung madali lang yang pinapagawa mo sa tingin mo ba nandito pa ko sa harap mo? Damn it Autum! It's so fvcking hard!"

I know pero sa tingin niya ba madali rin 'to para sakin?

"Hindi na kasi pwede yang gusto mo..." Saad ko habang napapailing. Imposible na ang lahat.

"We can be together again. It's not impossible." Sagot niya at hinawakan ang aking kamay. No. Alam niyang hindi.

"Everything keeps us apart. Can't you see? We can't be together." Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero hinila niya ako palapit at niyakap.

"Please, trust me." Napapikit ako ng madiin. I trust him but i can't trust my self.

"Im telling you now. It's useless."

"At least we try."

This is not easy. Haharapin namin ang lahat. My Dad, Grace, the people around us. I can't imagine. But i guess i need to trust him. I need to trust my self. Gahd! I can't believe this man. I hug him back.

"I love you."

Nothing's changed. Dumaan man ang araw, buwan at taon. I realized na walang nag bago. All these years siya pa rin. I miss everything about him. His laugh, kiss, and this hug.

"Damn." Lumayo na siya and for the first time nakita ko na ulit ang pag ngiti niya. Balak niya sana akong halikan pero pinigilan ko siya. Oops. Not here.

"Why?" Kunot noo niyang tanong.

"We're in public place at may mga bata." Sagot ko habang tumingin sa mga batang nag papasukan sa school.

Nag poker face lang siya habang ngumiti ako at hinawakan ang kanyang kamay.

"Hatid mo na ko sa bahay." Dagdag ko pa habang hila-hila siya sa parking lot.

"Let's go to my place." Sagot niya habang pinagbuksan ako ng pinto ng kanyang kotse.

"Ano namang gagawin natin doon?"

"What do you think?" Nag smirk siya kaya sinapak ko siya sa balikat. Aish! Naalala ko na naman yung nangyari kagabi! Naramdaman ko agad ang pag init ng pisngi ko.

"You're blushing. Ano bang iniisip mo?" Inirapan ko siya at sumakay na.

"Wala."

Tumawa siya at kinurot ako sa ilong. Aray ha!

"Cute." Natatawa niyang sabi at tuluyan ng sinara ang pinto.

Gahd! Kung alam niya lang ang iniisip ko. At wala akong balak ipaalam!

"How's your life here?" Nilingon ko siya habang sumulyap lang siya sakin at binalik ulit ang tingin sa daan.

"Okay lang. Mas tahimik."

"Ikaw? I heard you're engaged?" Dagdag ko pa.

"Yup, but she didn't know." Eh? Napatawa ako.

"Ikaw lang ang nakakaalam na engaged kayo? Seriously?"

"She leave me two years ago." Natigilan ako at napaayos ng upo.

"I though it was Grace." Mahina kong bulong at nilipat ang tingin sa daan.

"All these years ikaw lang."

Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nararamdaman ang mga malilikot na paru-paro sa tyan.

"Anyway, how's Zera?" Pag-iiba ko sa usapan.

"She's having a second baby now."

"Really?"

Bigla naman akong na excite na umuwi ng Pilipinas. How's Zab? Saphire? Gahd! I miss them so much.

Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon