Chapter 13

1.3K 37 8
                                    

Napapikit ako dahil sa mga malalaking patak ng ulan na tumatama sakin pero agad ding napamulat ng wala ng maramdaman.

Akala ko tumila na pero may nagpayong lang pala sakin. Mabilis akong lumingon sa likod ko.

"Mag-kakasakit ka niyan." Sabi niya kaya hindi ko mapigilang mapangiti.

Hindi ko akalain na ang isang masungit na tulad niya ay papayungan ako well, magkapatid nga sila ni Ichiro. Mabait pero hindi halata dahil hindi sila sana'y na ipakita 'to.

"Trevor."

"Ihahatid na kita." Saad niya at parang pinal na 'yon kaya hindi na ako nakakontra pa. Tahimik lang kami buong biyahe hanggang sa makarating na kami sa building ng aking condo.

"Salamat." Sabi ko ng itigil na niya ang kanyang sasakyan.

Tango lang ang sinagot niya kaya tuluyan ko ng sinara ang pinto. Sinundan ko ng tingin ang kanyang kotse hanggang sa mawala na 'to sa paningin ko.

Napayuko na lang ako at naglakad na sa direksyon ng elevator. Nasaan na kaya si Ichiro? Tama ba na pumayag ako kay Trevor na mag-pahatid dito? Haist!

Agad akong pumunta sa bathroom ng makapasok ako sa aking condo. Huwag sana akong magkasakit!

Habang naliligo, palaisipan parin sakin kung saan pumunta si Ichiro. Mukhang importante masyado ang tawag na 'yon.

[Akala ko may date ka?]

"Hindi na tuloy." Sagot ko kay Zab dahil tinawagan ko siya matapos maligo at tinanong kung nasa hospital pa sila.

[What? Sige punta ka dito. I-chika mo samin.]

"Sige. See you."

Binaba ko na ang tawag at muling pinagpatuloy ang pagpapatuyo sa buhok ko. Tumingin ako sa wall clock at sinasabi nitong 7:37 pm na. Medyo maaga pa pala.

Malakas parin ang ulan sa labas at sa mga gantong panahon mabilis akong nakakatulog pero hindi ngayon dahil may gumugulo sa isip ko. Kailangan ko ng kausap.

Sinuot ko na ang jacket ko at binuksan ang payong. Naisipan kong bumili muna ng kape sa malapit na coffee shop dito kaya sinimulan ko ng maglakad.

Hindi masyadong malakas ang hangin kaya nakakapaglakad naman ako ng maayos.

Napadaan ako sa isang restaurant na katabi lang ng coffee shop na tinutukoy ko ng may mahagip ang aking mata kaya napatigil ako sa paglalakad.

Kumunot ang noo ko at mas lumapit pa ng konti para makasigurado. Bakit sila magkasama? Humigpit ang hawak ko sa aking payong at pinigilan ang sarili na pumasok sa loob.

Mula dito kitang kita ko si Ichiro at si Grace na magkatabi habang may dalawang matanda silang kaharap na pamilyar sakin. Parents ni Ichiro. Nakita ko rin si Trevor sa gilid at parang biglang nag-sink in sakin ang lahat.

Mabilis akong tumalikod at napapikit ng madiin. Pakiramdam ko pinag-kaisahan na naman ako. Biglang may dumaan na sobrang bilis na kotse kaya naman nabasa ako.

"What the!" Urgh! Bakit ang malas ko ngayong araw?!

Tumigil yung sasakyan kaya naman agad ko tong nilapitan. May lumabas na lalaki na agad ko namang sinamaan ng tingin.

"Baka mamatay ako sa titig mo miss." Saad nito dahilan para mapairap ako.

"Tignan mo ginawa mo sakin! Binasa mo ko!" Inis kong sabi habang tinignan niya nga ako pataas.

"Pasensya na nagmamadali kasi ako saka hindi ko naman kasalanan kung bakit masyado kang---"

"So sinasabi mo bang kasalanan ko pa?" Tinaasan ko siya ng kilay at ngumisi lang sakin ang loko. Aba't!

Biglang bumukas ang bintana sa katapat kong pinto at bumungad sakin ang isang babae.

"Im sorry to disturb you pero nagmamadali kami. Let's go Terrence! Gahd! Nakuha mo pa talagang lumandi!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What the heck?!

"For your information miss hindi ko nilalandi yang boyfriend mo!" Siya naman ang nanlaki ang mata.

"Easy miss! Huwag mong sigawan ang asawa ko." Lumipat ang tingin ko doon sa lalaki at sinamaan ko lang ulit siya ng tingin.

"Okay your husband---"

"Hindi ko siya asawa! Urgh! Okay! Miss pasensya na talaga but we need to go!" Sinarado na niya ang bintana kaya napaatras ako dahil baka mabasa na naman ako.

"Sorry miss!" Sigaw nung lalaki at sumakay na rin hanggang sa tuluyan na tong umalis.

Napatingin na lang ako sa suot ko. Kainis! Bakit naisipan ko pang mag-suot ng puti?

Pasimple akong lumingon sa restaurant at nakitang nandon parin sila. Napahinga ako ng malalim at tinahak ang daan patungong condo. Parang gusto ko na lang magkulong doon.

Kaya ba hinatid ako ni Trevor dahil utos 'to ni Ichiro? Pero bakit nandoon si Grace? Ang daming ideya na pumapasok sakin pero pilit ko tong tinatanggi.

Pano kung...pano kung ako pala yung walang alam sa mga nangyayari? Pano kung ako pala ang niloloko nila?

Agad na namuo sakin ang galit. Masyado akong naging tanga noon at ayoko na ulit 'yun mangyari. Natuto na ko sa mga pagkakamali ko. Masyado akong nag-tiwala sa mga taong nakapalibot sakin noon.

Pero ngayon, puno na ko ng pagdududa. Si Ichiro, Nagsinungaling siya sakin noon kaya niya ring gawin 'yon ngayon diba?

Napahilamos na lang ako sa aking mukha at huminga ng malalim. Tinignan ko ang sarili ko sa harap ng salamin habang naaalala ang nakita kanina.

Mukhang masayang masaya sila. Nakaramdam agad ako ng panliliit. Gahd! What's happening to me? Ilang buwan na ang lumipas simula ng maramdaman ko 'to.

Yung pakiramdam na pinagkakaisahan nila ako, yung pakiramdam na sabit ako...

"No!" Sinampal ko ang sarili ko at matalim na tumingin sa aking repleksyon.

Sa mundong 'to dadating talaga ang panahon na matitira kang mag-isa, that's why I need to be strong.

Muli akong huminga ng malalim at tuluyan ng lumabas ng bathroom. Dumiretso ako sa aking kama at agad na nahiga.

Tinignan ko lang ang cellphone ko na kanina pa ring ng ring dahil sa mga tawag ni Zab at ni Ichiro.

Paniguradong nag-aalala na si Zab dahil hindi ako pumunta sa hospital pero matapos kasi ng makita ko kanina parang nawalan ako ng lakas.0%.

Bukas na lang ako magpapaliwanag sakanya. Habang hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko kay Ichiro. I hate him! Pakiramdam ko nag-sisinungaling na naman siya at ano naman kaya ang excuses niya? Tsk.

Matapos niya kong iwan sa Wilton 'yun pa ang makikita ko! Im trying my best to trust him pero hindi ko parin mapigilan na magduda dahil nagawa na niya 'to noon.

Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon