Chapter 6

1.4K 38 0
                                    


Binalik ko na ang picture frame kung saan ang pwesto nito kanina at lumabas na ng kwarto.Naabutan ko si Ichiro na tamad na nanunuod ng t.v parang napipilitan lang siyang panuodin ang palabas.

"Naayos ko na lahat ng gagamitin mo." Tumango ako at naglakad na papuntang kitchen.Nakita ko na sa lamensa ang lahat ng mga kailangan ko.

Chocolate cupcake ang napili kong lutuin since napansin kong iyon ang paborito ni Ichiro.Paniguradong susugod agad si Zab dito pag nalaman niyang nag-bake ako ng cupcake but anyway dadalahan na lang namin sila doon.

Sinuot ko na ang apron habang sinundan ko ng tingin si Ichiro na kakapasok lang at muling naupo sa high stool chair.Humalumbaba siya habang pinapanuod ako.

Inisip ko naman ang Wilton kung wala siya doon sino na ang namamahala dito? Yung kapatid niya kayang si Trevor? Noong na sa Wilton pa ko alam kong napapasunod ni Ichiro ang mga estudyante.Sure namang ganon din si Trevor parang mas nakakatakot pa nga siya kaysa dito kay Ichiro.

"Si Trevor ba muna ang namamahala sa Wilton University?" Tanong ko habang binasag ang itlog.Agad akong nag-angat ng tingin sakanya matapos gawin 'yon.

"Yeah, why?" Sabi nito habang kakaiba na ang tingin sakin.

"Wala lang! Pero may galit ba sakin 'yon?"

"Bakit naman siya magagalit sayo?" Naalala ko lang kasi yung mga araw na napunta ako sa Wilton.Ayaw na ayaw niya.Kaya naisip kong baka may galit sakin 'yon.

"Don't mind him." Dagdag niya pa.Bumagsak na lang ang tingin ko sa itlog at sinimulan na tong batihin.

"Hindi kayo close?" Muli kong tanong.

"No, mas close sila ng half sister namin." Natigilan ako.Half sister?

"May half sister din kayo?" Tumango siya.Nakilala ko na rin naman si ate Faye parang gusto ko rin siyang makilala.Ano kayang itsura niya?

"But she's already dead."

"What?" Agad na naglaho ang lahat ng iniisip kong itsura niya.

"Im sorry." Umiling siya at sa mukha niya ngayon parang matagal na siyang nakamove-on.

"It's okay."

Ayan ang daldal ko kasi! Tumahimik na lang ako at binigay lahat ng atensyon ko sa ginagawa ko.Nanuod lang naman si Ichiro katulad ng lagi niyang ginagawa.

Binuksan ko ang oven at nilagay na sa loob ang mga tapos ko ng gawin.Tinanggal ko na ang apron sakin at naupo sa high stool chair.Umalis kasi si Ichiro.Tapos ko na ring linisin ang mga pinaggamitan ko.

"Let's watch a movie." Nagulat na naman ako sa bigla niyang pagsulpot.Hinila niya ako hanggang sa living room.Naka-ready na ang lahat.

"Pero babalik pa tayo sa hospital?" Tumingin ako sa wrist watch ko.5:00 pm na.

"Yeah, later." Sagot niya at hinila ako sa tabi niya.

"Hindi mo pa nakita si Achard!" Nilingon niya ko na nakakunot ang noo.

"Who's Achard? Lalaki mo?" Tumawa ako.What the heck? Lalaki ko?

"Baby nila Zera!" Inirapan ko siya at tumayo pero hinila niya ko pabalik.

"Stay here." Sinapak ko nga.

"Titignan ko yung mga cupcakes!" Ayaw niya naman sigurong masunog 'yon? Ilang minuto pa ang nagtagal bago niya ko tuluyang pakawalan kaya nagmamadali akong tumakbo sa kitchen.

Nakahinga ako ng maayos ng makitang okay naman.Kumuha ako ng pinggan para ilipat doon pero natigilan ako ng maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko.Kinuha ko 'to sa bulsa ko at nakitang si Dad ang nag-text.

Simula ng malaman ko ang totoo tungkol sa pamilya namin dinistansya ko na ang sarili ko sakanila.Lalo pa at nakakarinig ako sa mga tao ng masasakit na salita patungkol sakin at kay Daddy.Alam kong hindi na dapat ako umuwi sa bahay niya kaya madalas akong nauwi sa condo ni Mommy.

Tuwing iniisip ko naman ang mga araw na sinasabi ko kay Grace na ako ang tunay na anak.Naiinis lang ako.Pinagmukha nila akong tanga.Pinagtaka ko rin kung bakit pumayag si Grace sa ganong ayos namin noon.Pinakiusapan kaya sila ni Dad?

Siguro nga yung mga oras na nasa Wilton ako noon talagang naging masaya sila.Wala ako na feeling tunay na anak at sila Mommy.

Masakit parin sakin ang bagay na 'to dahil hindi ko aakalain na sa isang iglap magbabago ang lahat ng nakasanayan ko.

Dad:

Where are you? Let's have a dinner with your sister and her mom.

Ilang minuto ko tong tinitigan bago binalik sa bulsa ko.Kadalasan marami akong excuses sakanya para lang hindi makasabay ng dinner sakanila kaya hindi naman siguro masama kung pupunta ako ngayon doon?

"Ang tagal mo?" Pilit akong ngumiti kay Ichiro at nilapag ang pinggan na may mga cupcakes.Tumabi ako sakanya.

"Nagtext si Dad.Pinapasama niya ko sa dinner nila." Sabi ko at hiniling ang ulo ko sa balikat niya.Nagdadalawang isip parin ako.

"Pupunta ka?" Nagkibit balikat ako.

Ilang araw ko na ring hindi nakikita si Dad.I miss him.Pumikit ako habang naramdaman ko ang paghalik ni Ichiro sa ulo ko kaya agad din akong napamulat.

"Just tell me ihahatid kita." Hindi ako sumagot at tahimik na lang na nanuod.

Pag pumunta ako doon makikita ko na naman si Grace.Aish! Mabuti na lang talaga at hindi ko nakita ang ginawa niya kay
Ichiro.Pero si Dad naman ang dahilan kung bakit ako pupunta.Hindi ko na lang siguro siya papansinin.Si Tita Mich (mommy ni Grace) Makikita ko rin.Well, humanga ako sakanya kasi kahit na may kabit si Dad natanggap niya parin 'to kaya naiintindihan ko na kung bakit ganon na lang ang galit niya sakin.

Sa kakaisip ko doon hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.Mabilis akong napaupo ng maayos.

"Anong oras na?" Tanong ko kay Ichiro na mukhang kanina pa nanunuod.Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko.

"7:30 pm.You're going?" Tumango ako at tumayo na.Tumayo rin siya at pinatay na ang t.v.

Hindi na kami nakabalik sa hospital.Bukas na lang siguro.Nagpalit na ulit ako ng damit habang naabutan ko si Ichiro sa kama niya na nakahiga at naghihintay sakin.Umupo ako sa gilid niya at sinuot ang sapatos ko.

"If there's any problem just call me alright?"

"Dinner lang naman 'yon Ichiro." Bumangon siya at hinarap ako sakanya.

"Call me." Sinapak ko siya sa dibdib niya habang natatawa.

"OA mo but fine!" Sagot ko at tumayo na sumunod na naman siya at agad na bumagsak ang braso niya sa waist ko.

"Im just worried." Bulong niya sakin na kinailing ko.

I can handle this.

Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon