[What? Nasa Pilipinas ka na?] Gulat na saad ni Claire sa kabilang linya.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at pabagsak na nahiga sa aking kama. Kakatapos ko lang i-charge ang aking phone at pagkabukas ko nito ay tawag agad ni Claire ang unang pumasok.
"Biglaan eh. May kailangan akong ayusin dito."
[Ichiro came here. Eh hindi ko naman alam ang isasagot ko kasi hindi pa kita nakakausap.]
That's my problem now! Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakakausap.
"Pag bumalik na lang ulit siya jan sabihin mo nasa Pilipinas na ko."
[Okay, i will tell him. Ingat ka jan.]
[Thank you.]
Napahilot na lang ako sa aking noo ng tuluyan ng maibaba ang tawag. Hindi ko inaasahan kanina na pagbaba namin ng eroplano ay may mga media na nag-aabang samin. And i realize na masyado na yata talang malaki ang issue.
Tumayo na ako at lumapit sa aking maleta upang maghanap ng damit. Pupunta na ko kay Daddy. Gusto ko ng maging malinaw ang lahat.
"Autum?" Napatingin ako sa pinto at pumasok si Mommy dito. Binalik ko naman ang aking atensyon sa maleta.
"Hindi ka ba muna magpapahinga?" Dinig kong sabi niya. Umiling naman ako.
"Baka hinihintay na rin ako ni Daddy doon."
Siguradong alam na nilang nakauwi na ko. Hindi ko na kayang patagalin pa 'to. Nilingon ko siya ng hindi na siya nag salita. Pilit siyang ngumiti sakin.
"I'm sorry. Hindi mo dapat nararanasan 'to." Huminga ako ng malalim at lumapit sakanya.
"Tama lang ang lahat ng nangyayari Mom. We can't do something about it. Maybe this is the consequence."
Dahil kahit saan mo tignan may kasalanan talaga si Mommy but i can't blame her maybe she's just too in love.
"You're right. But if Grace try to hurt you i will---"
"Opps. I will not let her touch me. Promise!" I said and raise my left hand para mapanatag na siya.
"Okay, okay. Change your clothes and you may go." I smile at hinalikan siya sa cheeks.
Kinuha ko ang napili kong damit at nag tungo na sa bathroom. Habang patagal ng patagal mas lalong nagiging mahirap ang lahat but i'm thankful dahil may mga taong nanatili pa rin. They are my strenght.
"Babalik din po ako agad." Paalam ko kay Mommy ng makalabas na ng kwarto.
Naabutan ko sila ni Kei na nanunuod ng movie. Ngumiti sakin si Mom at tumango.
"Okay. Good luck? Your promise!"
"Yup!"
"Bye ate!" Nag flying kiss lang ako kay Kei at tuluyan ng binuksan ang pinto pero nagulat ako ng may maabutang may nakatayo dito.
"K-Krista?"
"Autum!" Agad niya kong sinalubong ng yakap.
"What are you doing here?" Tanong ko habang tinignan siya ng hindi maintindihan.
"I heard na nakauwi ka na that's why i'm here! And i prepared a party." Ehh? Last time na nagyaya siyang mag party sa pagkakaalala ko hindi naging maganda iyon.
"But may pupuntahan---"
"Let's go! They're waiting us!"
Tuluyan niya na kong hinila palabas ng condo ni Mommy at wala akong nagawa kung hindi ang magpatangay.
"I think this is not a good idea---"
"This is a great idea! Everyone miss you!"
Binuksan niya ang white na van na dala at pinagtulakan ako papasok doon. Agad kong nakita si Jarvee sa driver seat. Gahd. Pakiramdam ko na set up na naman ako.
"Parang masyado pang maaga para mag-party?" Sabi ko habang sinilip si Krista sa front seat. Nilingon niya naman ako.
"It's already 4 pm. Mamaya mag-gagabi na rin!"
Aish! Muli akong tumingin may Jarvee. Pano niya natatagalan ang makulit na babae na 'to?
Napasandal na lang ako at wala ng nagawa. I wonder kung paano ko makakausap si Daddy. Siguro'y tatakas na lang ako mamaya sa party na hinanda nila.
Tumigil ang sasakyan sa isang mansyon. Wait. House party?
"Let's go!" Excited na saad ni Krista at nauna ng bumaba.
Huminga ako ng malalim at binuksan na rin ang pinto. Sumalubong agad sakin ang mahigpit na yakap.
"Waaah! Autum!"
"Zab! I can't breath." Reklamo ko at pilit na lumalayo. I miss them too pero huwag naman aabot sa point na mamatay ako sa higpit ng yakap nila.
"Ewan ko sayo! Umalis ka dito ng walang paalam." Sagot niya at lumayo na. Nakita ko agad sa mukha niya ang maraming pagbabago.
"Maybe hindi niya tayo mahal." Singit ni Saphire at hindi na nagfofocus ang mata. She's already tipsy. Seriously?
"Baka nga Saphire. Hindi niya nga rin tayo tinatawagan eh." Gatong pa ni Zab at nag akbay pa silang dalawa. May tama na nga ang dalawang 'to.
"How dare to do this? You hurt our feelings."
"Haist. Where's Zera?" Tanong ko ng hindi 'to mapansin.
"Tamo! Tamo! Hindi niya talaga tayo love!"
Napailing na lang ako at hinila na sila papasok sa loob. Kumunot ang noo ko ng mapansin na walang tao sa garden pero nakahanda na ang mga table. I knew it. Mamaya pa ang start.
"Sino ba ang mga bisita?" Tanong ko habang inakbayan ako ni Zab.
"Uhm... Just your close friends, family, and oh! Your Dad!"
W-What?
BINABASA MO ANG
Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]
Teen FictionMatapos makalabas sa Wilton University ni Autum Pereira ito ang pagpapatuloy ng kanyang storya. What happened? Halos isampal sa kanya ang lahat ng malaman na niya ang totoo.Bakit sa isang iglap nagbago ang lahat sa pagitan niya at ng kanyang half si...