Chapter 12

1.3K 35 2
                                    


Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig. Aish! Hindi ko alam kung bakit pumayag pa ko na sumakay sa trip ni Ichiro na maligo sa ulan.

"Sorry." Bulong niya habang tinatahak namin ang daan papuntang Wilton University.

"It's okay." Saad ko at inalis ang pagkakayakap sa sarili.

Halos ramdam ko parin ang bawat patak ng ulan dahil medyo malakas parin 'to.

"Paano pala yung kotse mo?" Dagdag ko at nilingon siya. Nakatingin din siya sakin na parang binabasa ang nasa isip ko.

"I'll get it tomorrow." Sagot niya na kinatango ko. Pareho naman kaming natigilan ng muling lumakas ang ulan.

Hinagilap niya ang kamay ko at hinila, kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumabay sa kanyang pagtakbo.

Bumukas agad ang gate ng Wilton ng tumapat kami dito at muling tumakbo papasok. Medyo marami ring estudyante ang napapatingin samin.

Bigla namang tumigil sa pagtakbo si Ichiro kaya nahila ako pabalik.

"What?" Lito kong tanong. Don't tell me gusto niya pang magtagal dito? Masyado na naming nakukuha ang atensyon ng mga students at baka magalit na naman ang kapatid niya.

Hindi siya sumagot at ngumiti lang bago ako hapitin palapit sakanya at halikan. Napapikit ako habang naramdaman ang malambot niyang labi sakin ngunit tinulak din siya agad ng maalala ang mga students.

"Ichiro!" Saway ko at tumingin sa mga estudyante. Natigilan din ang ilan.

"I don't need to hide our relationship here." Napailing na lang ako at sinapak siya sa balikat.

"Paano kung may chismoso rin dito?" Natatawa kong saad.

"There's a gay here pero hindi naman sila chismoso." Sagot niya na kinagulat ko.

"A-Alam mo na may gay dito?"

"It's easy to know." Sabi niya at tinaasan ako ng kilay. I knew it! Matagal na rin yung gumugulo sa isip ko.

"I thought hindi ka na babalik?" Pareho kaming natigilan at napalingon sa nag-salita.

Nakatayo si Trevor sa gilid namin habang may hawak na pulang payong. Dumirekta sakin ang mga mata niyang sobrang lamig kung makatingin. Gahd! Saan kaya siya pinaglihi ng Mommy niya? Masyadong nakakatakot ang kanyang aura!

"Im still the owner of this school kaya bakit hindi ako babalik?" Tiningala ko si Ichiro na sinagot ang kanyang kapatid.

Sa paglipas ng ilang buwan napansin kong hindi masyadong close ang dalawa. Siguro dahil hindi sila sabay na lumaki? Sa aking pagkakaalam kakauwi lang ni Trevor galing ibang bansa at matagal tong nanirahan doon. Naalala ko tuloy si Kei. Hindi naman siguro siya magiging cold sakin katulad nito ni Trevor.

"Whatever, just don't kiss in front of the students." Agad akong namula sa kanyang sinabi. What the heck? Nakita niya 'yon.

Hindi sumagot si Ichiro at muli akong hinila palayo sakanyang kapatid.

"Don't mind him." Saad niya sakin habang nilingon ko si Trevor. Halos wala man lang ekspresyon ang mukha niya.

"Hindi ko akalain na may lalagpas pa sa kasungitan mo." Natatawa kong sabi ng tumigil kami sa isang pamilyar na pinto.

Sasagot pa sana siya pero pareho kaming natigilan ng marinig ang pagtunog ng kanyang phone.

"I'll just answer this." Sabi niya habang nakatingin sa screen nito. Hindi na niya hinintay ang sagot ko at tuluyan ng umalis kaya sinundan ko na na lang siya ng tingin bago naisipang pumasok sa dati naming dorm.

Halos walang pinagbago ang loob nito. Parang bumalik bigla sakin ang lahat ng alaala ko dito. Naupo ako sa kama na hinihigaan ko noon.

Hindi ko akalain na isang taon na rin pala ang lumipas. Ang bilis ng panahon. Napahinga na lang ako ng malalim ng marinig na naman ang pagbuhos ng ulan. Tumingin ako sa suot kong uniform. Medyo basa pa pala ako.

Tumayo na ko at tinignan muli ang kabuuang dorm sa huling pagkakataon bago tuluyang lumabas. Nasaan na kaya si Ichiro? Luminga linga ako at halos wala akong estudyante na makita.

Napatingin ako sa wrist watch ko at sinasabi nitong 6:46 pm na. Naglakad lakad pa ako pero konti lang talaga ang estudyanteng nakikita ko. Hindi kaya nasa roof top?

"Autum?" Natigilan ako ng sumulpot bigla si Argon. Oh my! I miss him!

"Argon!" Saad ko habang hindi mapigilan na yakapin siya.

"Alam kong na miss mo ko pero hindi ko mapigilan na isiping baka may gusto ka sakin." Humiwalay ako sa kanya at sinapak siya sa balikat niya.

"Baliw!" Natatawa kong sabi.

"Sayo." Saad niya habang may nakakalokong ngiti. Napailing na lang ako.

"Anyway, kamusta na?"

"Ito nasasaktan parin." Kumunot ang noo ko dahil sa sinagot niya. Tinignan naman niya ako na parang may nakakatawa sa reaksyon ko.

"Broken hearted?" Tumango siya at humawak sa kanyang puso.

"You broke my heart into pieces." Umakto pa siyang naiiyak.

"Seryoso kasi ako dito."

"Seryoso rin ako sayo." Sinimangutan ko siya. Gahd! Nag-jojoke lang naman siguro siya right?

"Argon..." Nag-aalanganang kong saad. Hindi ako makakuha ng tamang salita.

"Hahahaha! Just kidding." Sabi niya kaya nakahinga ako ng maayos. Kahit kailan talaga!

"Nandito pala si Autum." Sabay kaming napatingin sa likod niya. Nakita ko doon si Winter.

"Hi!" Bati ko rito habang kumaway din siya pabalik.

"Bakit ka pala naligaw dito?" Tanong ni Argon kaya bumalik ang atensyon ko sakanya.

"Kasama ko si Ichiro. Hinahanap ko." Parehong nasa mukha nila ang pagkalito.

"Kasama mo? Pero hinahanap mo?" Tumango ako kay Winter.

"Nakita ko siyang lumabas kanina." Sabi naman ni Argon habang tinuro ang gate ng Wilton.

Ako naman ang nagtaka. Masyado bang importante ang tawag na 'yon at kailangan pang lumabas? Bigla tuloy naging palaisipan sakin ang kausap niyang 'yon.

"Iniwan ka?" Sabi ni Winter kaya nakatanggap siya ng siko galing kay Argon.

"Baka nanjan lang 'yon sa labas." Tumango ako kay Argon at pilit na ngumiti.

"Sige titignan ko lang." Saad ko at balak na sana silang iwan pero hinila ako pabalik ni Argon.

"Wala kang payong?" Umiling ako sakanya.

"Okay lang."

"May payong ako dito." Agad akong tumanggi kay Winter. Baka siya naman ang walang payong mamaya. Saka basa na rin naman ako.

"Ayos lang talaga. Sige, una na ko." Saad ko at naglakad na palayo.

Ang dami namang pumapasok sa isip ko pero pilit ko yong sinantabi.

Luminga linga ako ng tuluyan na kong makalabas pero wala akong Ichiro na nakita.

Muli akong napayakap sa sarili ko dahil sa lamig. Patuloy parin kasi ang malakas na pagbuhos ng ulan. Baka naman may pinuntahan lang siya. Hihintayin ko na lang siguro siya dito.

Napapikit ako dahil sa mga malalaking patak ng ulan na tumatama sakin pero agad ding napamulat ng wala ng maramdaman.

Akala ko tumila na pero may nagpayong lang pala sakin.Mabilis akong lumingon sa likod ko.

"Mag-kakasakit ka niyan." Sabi niya kaya hindi ko mapigilan ba mapangiti.

Hindi ko akalain na ang isang masungit na tulad niya ay papayungan ako well, magkapatid nga sila ni Ichiro.Mabait pero hindi halata dahil hindi sila sana'y na ipakita 'to.

"Trevor."

Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon