"So, ano nangyari pagkatapos?" Mapait akong ngumiti sa pinsan kong si Claire."Wala, umalis ako ng Pilipinas."
"What?!" Napatuwid siya ng upo habang tinignan ako ng naguguluhan.
"Why?"
"Hindi mo man lang kinausap? Pano kung may pag-asa pa pala? Pano kung maaayos pa? Pano kung---"
"Pano kung wala na talaga?" Huminga ako ng malalim at pinaglaruan ang aking mga daliri.
"Okay na rin tong desisyon ko. Para sakanya rin naman 'yon. Idadamay ko lang siya sa mga sasabihin ng mga tao. Alam ko yung pakiramdam na mahusgahan."
"Haist, pero kawawa naman yung lalaki. Iniwan mo sa ere." Umangat ang tingin ko sakanya. Umiling siya habang sumimsim sa kape na hawak. Alam kong masakit ang ginawa ko pero pasasalamatan niya rin naman ako pag-dating ng araw.
2 years na ko dito sa France. Dito ko pinagpatuloy ang 3rd year college ko at dito na rin nag 4th year and now hinihintay na lang ang graduation. Pumayag si Dad sa hiling ko na 'to kaya hindi na ko nahirapan. Wala ring araw na hindi ko inisip si Ichiro. Hanggang ngayon, masakit pa rin. Hindi naman kasi agad-agad naghihilom ang sugat lalo pa at kung masyado tong malalim.
"Grabe, ngayon mo lang talaga sakin sinabi 'yan. Sa tagal nating mag-kasama." Ngumiti ako sakanya at napasandal na lang.
Naging mahirap sakin ang mga naunang buwan ko dito. Gusto kong makalimot noon kaya hindi ko talaga naisip na magkwento sa kahit sino pero dahil mapilit 'to si Claire. Hindi ko na mapigilang sabihin sakanya.
"Makulit ka kasi and i guess tapos na ang oras mo." Saad ko habang nakatingin sa aking wrist watch. Napatingin din siya sa sariling orasan.
"Oo nga no. Sige, mag tatrabaho na ko! Masyado mo naman kasi akong na libang sa mga kwento mo." Sisi niya pa sakin habang tumayo na. Ako pa talaga? Napailing na lang ako.
Nandito kami sa coffee shop kung saan nag papart-time job siya. Habang ako kakatapos lang. Sa isang restaurant ako nakakuha ng trabaho. Hindi naman kasi katulad sa Pilipinas na nabibigyan ako ng pera ni Dad. Nagpapadala pa rin naman siya pero iniipon ko na lang 'yon. Tinuruan kasi ako ni Mommy dito na sarili lang ang inaasahan. Siguro ganito naman talaga dapat ang buhay namin noon pa lang. Malayo kila Daddy para hindi na magkagulo. Kaya siguro mas pinili ni Mommy na mag-ibang bansa para magkaroom ng tahimik na buhay kung saan walang manghuhusga samin.
"Ang lalim ng iniisip ah?" Umangat ang tingin ko sa nag-salita na 'yon.
"Paris." Ngumiti siya at naupo sa inuupuan kanina ni Claire.
"Kamusta? Bakit hindi ka pa ulit na bisita sa bahay?"
"Busy pa kasi eh. Malapit na graduation. Kailangan ko ng pera pambayad." Tumango siya at tumawag ng waiter para umorder.
"You know what? Hindi talaga ako sana'y na nagtatrabaho ka." Sabi niya ng tuluyan ng umalis ang waiter para kunin ang kanyang order.
"Kailangan eh."
"Anyway! Nangamusta pala sila Zera. Bakit kasi ayaw mo pang i-open ang mga account mo sa social media? Hindi ka tuloy nila ma-contact." Umiling ako sa ideyang 'yon. Pag-handa na siguro ako.
"Kamusta na si baby Achard?"
"Ayun! Malaki na. Ang cute grabe! Excited na tuloy akong umuwi ulit ng Pinas!" Masaya niyang saad.
Naging close na rin kasi sila Zera kay Paris dahil siguro sa pangangamusta sakin.
"Diba uuwi kayo doon next week? Sumama kaya ako?"
Tumango ako. May aayusin kasing mga papeles si Mommy doon. Pero hindi naman kami magtatagal. Uuwi rin agad kami dito.
"Sige, sasama ako! Miss ko na rin sila Kristal!" Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga ang babaeng to parang laging tuwang tuwa sa mga bagay.
"Makikita mo rin si Winter." Pang-aasar ko kaya nawala ang ngiti niya.
"Oo nga no. Parang ayoko na pala." Tignan mo 'to. Ang bilis magbago ng isip.
"Aish! Bakit mo pa kasi pinaalala sakin." Nag-pout siya at sakto namang dating ng kanyang order.
"Here's your order Ma'am."
"Thank you."
"Naalala ko lang." Nagkibit balikat ako. Umirap lang siya.
"Ano naman diba? Hindi naman siya ang pinunta ko doon. Sasama ako!" Saad niya kaya napatawa na lang ako sa ekspresyon ng kanyang mukha. Para kasing kinukumbinsi niya ang sarili niya.
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad kong tinignan kung sino 'yon. Si Mommy.
Nasaan ka na? Dumaan ka naman sa store ibili mo ng pagkain si Kei. Hindi na kasi ako makakapag luto. Kailangan na ko sa office.
"Oh? Saan ka pupunta?" Tanong ni Paris ng tumayo na ko at ayusin ang mga gamit.
"Sa store. Bibilihan ko ng pagkain si Kei."
"Sama ako! Wala naman akong pupuntahan." Sabi niya at tumayo na rin.
Hindi na ko umapila dahil wala rin naman akong magagawa. Nag paalam na ako kay Claire bago kami tuluyang umalis.
Sa isang malapit na store kami pumunta at bumili ng ingredients ng paboritong pagkain ni Kei. Ito ang madalas kong iluto sakanya pag ganitong inuutusan ako ni Mommy.
"Si Ichiro ba 'yun?" Agad akong kinabahan ng banggitin ni Paris ang pangalan na 'yon.
"S-Saan?"
"Ayun oh." Tinuro niya ang T.V na nandito sa store. Napatingin ako doon.
Masyado ba silang sikat at hanggang dito umabot pa ang pagbabalita tungkol sakanila? Pinakita ang mukha ni Ichiro sa T.V. Ang laki ng pinagbago niya. Agad kong naramdaman ang pagbigat ng damdamin ko.
"Everyone is talking about your engagement. Who is the lucky woman?"
Napalunok ako at umiwas ng tingin.
"T-Tara na." Pag-aayaya ko kay Paris.
"Teka, hintayin natin ang sagot niya."
Umiling ako at nagmamadaling dumiretso sa counter. Siguro kung may alam siya tungkol sa nangyari samin ni Ichiro mangunguna pa siyang lumabas dito.
Isa pa, ayokong marinig ang sagot niya.
"Autum! Wait lang!" Habol sakin ni Paris ng makalabas na ako ng store.
Nakahinga naman ako ng malalim ng makalayo na doon. As much as possible ayoko ng magkaroon pa ng koneksyon sakanya oh makarinig man lang ng balita. Ayoko ng alamin pa ang buhay niya.
Humawak ako sa dibdib ko ng maramdaman na naman ang sakit nito. Kailanman hindi talaga kami magkasundo ng tadhana.
BINABASA MO ANG
Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]
Teen FictionMatapos makalabas sa Wilton University ni Autum Pereira ito ang pagpapatuloy ng kanyang storya. What happened? Halos isampal sa kanya ang lahat ng malaman na niya ang totoo.Bakit sa isang iglap nagbago ang lahat sa pagitan niya at ng kanyang half si...