Note: Azer Black on the media!*****
Maaga akong umalis sa bahay at pinasabi na lang sa katulong na sabihin kay Daddy na umalis na ko.Ayoko ng kulitin pa ko ni Grace at Tita Mitch sa gusto nilang mangyari.
Hindi rin naman ako masyadong nakatulog dahil sa buong gabi yata kaming nag-usap ni Ichiro sa kung anu-anong mga bagay.
Si Half pala ay may gusto kay Zia.Noong na sa Tagaytay pala kami nagkaharap harap silang tatlo ni Ichiro.Ang palaisipan lang sakin ngayon ay kung bakit nag-sinungaling sakin si Zia noong kinausap niya ko.
Isa pa siya pala ang sinasabi ni Half na destiny niya.Nasaan na kaya siya? Matagal ko na ring hindi nakakausap ang lalaking 'yon.
Naligo agad ako pagdating sa condo bago dumiretso sa hospital.Pupunta muna ako doon dahil maaga pa naman saka hindi rin naman ako nakabalik kahapon.
Nag-text ako kay Ichiro na dito ako dumiretso.Baka nandito na rin 'yon anytime.
"Hindi ka na bumalik?" Bungad ni Zab.Siya palang ang nandito at tulog pa si Zera at Erion pati si baby Achard.
"May ginawa lang.Kanina ka pa?" Pabulong lang ang salita naming dalawa.Napansin ko naman agad ang pamumula ng pisngi niya.Huh?
"N-Nag sabay na kami ni Azer." Ilang segundo ko siyang tinitigan habang naiwas lang siya.Pasimple akong natawa.Seriously? Anong meron?
"Oh? Close na kayo matapos mo siyang halikan?" Nanlalaki ang mata niyang tumingin sakin habang hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagalpak na ng tawa.
"What? Sumabay lang naman ako kasi dito rin ang punta niya." Sabi nito at umiwas muli ng tingin sakin.Oh no! You can't lie to me.
"Sinundo ka niya sa inyo..." Saad ko habang tumatango.Mas lalong namula ang pisngi niya.
"Hindi ko naman sinabing sunduin niya ko! Siya yung pumunta!"
"Okay." Sagot ko na lang dahil parang sasabog na siya sa pula sa kakaasar ko.
"Parang hindi ka naniniwala?" Nanliit ang mata niya sakin.Nagkibit balikat ako at nagbalat ng mangga.Huminga siya ng malalim at napapaypay sa sarili niya.
"Whatever.Wala naman akong paki kung maniwala ka sakin oh hindi." Tumango tango ako.Hahaha! Masyado akong natutuwa sa reaksyon niya.
"Tinigilan mo na ko Autum."
"What? Wala na naman akong sinasabi." Saad ko habang napapangiti.Sumubo ako ng piraso ng mangga para mapigilan 'to.
"Urgh!" Tumayo na siya at balak na sanang pihitin ang door knob palabas pero sakto namang nagbukas 'to at bumungad ang mukha ni Azer.
Tinignan ko si Zab na parang na estatwa.Halos mahulog ako sa bangko na inuupuan ko sa kakatawa.
"May problema ba?" Dinig kong tanong ni Azer sakanya.
"W-Wala!" Sagot niya at tinulak 'to para makalabas.Kunot noo akong sinulyapan ni Azer bago sundan si Zab.
Para akong baliw na tumawa mag-isa ng magsara ang pinto.Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ng mangga habang pinapanood ang tatlo.Happy family.Mabuti na lang hindi sila nagising.
Narinig ko ulit ang pagbukas ng pinto kaya lumipat ang tingin ko dito.Gulat si Tita Joan ng makita ako kaya napatayo ako.
"Good morning po." Bati ko.
"Good morning.Ang aga mo." Sabi niya habang pinatong sa table ang mga dala niya.
"Ah, nandito na rin po sila Zab lumabas lang." Tumango siya at ngumiti sakin.
"You know what? Malaki ang pasasalamat ko sayo at ni Zab." Nabigla naman ako sa sinabi niya.Ngayon ko lang ulit siya nakausap simula ng balak niyang ipalaglag ang apo niya.Wala naman akong galit sakanya dahil alam kong gusto lang naman niya ay ang nakakabuti para kay Zera.I understand that.
"She's my bestfriend mahal ko po siya kaya susuportahan ko po siya sa mga desisyon niya."
"I know kaya salamat dahil noong wala ang suporta ko nanjan kayo para sakanya." Nakita ko namang medyo naluluha siya.
"I understand you tita.Sobra po ang mahal niyo kay Zera kaya gusto niyo ang best para sakanya." Tumango siya at niyakap ako.
"Salamat hija." Napapikit ako dahil bigla kong na-miss ang yakap ni Mommy.
"Anong meron?" Humiwalay naman sakin si tita at pareho kaming lumingon kay Zera.Nakakunot ang noo niya.
"Wala anak.Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Tita Joan at lumapit sakanya.Humarap naman ako sa table para paghandaan siya ng pagkain.
"Im fine Ma pero ito si Erion ayaw pang umuwi."
Nag-usap na sila habang dumating na rin si Saphire at sumunod na rin si Zab na kasama si Azer.Umiwas lang siya ng tingin sakin ng makita niyang nakatitig ako sakanya.Hahaha! Ano naman kayang ginawa nila?
Dumating na rin si Lance habang napatingin ako sa cellphone ko dahil wala parin si Ichiro.Ang tagal niya?
"Nag-enrolled na ulit ako sa St.Natali.Magbibihis na lang ako mamaya tapos sasabay na ko sa inyo." Sabi ni Saphire ng umupo siya sa tabi ko.
"Talaga? Hindi ka na babalik sa Italy?" Umiling siya.
"Okay na naman daw.Titignan na lang ako every month para makita kung may mali pa oh talagang magaling na ko."
"That's good! Buo na ulit tayo."
"Yup!"
Nakisama na rin si Zab sa usapan namin habang patingin tingin ako sa cellphone ko.Ayoko namang mag-text ulit.Huminga ako ng malalim at tinago na lang ulit sa bulsa ko.
"Kailan ang binyag?" Tanong ni Saphire ng maiwan ulit kaming apat.
Umalis na si Tita Joan dahil may trabaho pa 'to habang napauwi nila si Erion kasama ang dalawa.
"Hindi pa namin napag-uusapan ni Erion." Sagot ni Zera at titig na titig sa anak niya.
"I can't believe this! Isipin niyo may anak na si Zera at kasal na habang noon na sa mall lang tayo at naghahanap ng lalaki!" Natatawang sabi ni Zab.Yeah right, parang kahapon lang ang lahat.
"Correction! Ikaw lang ang naghahanap ng lalaki!" Sabi ni Saphire kaya napatawa ulit kami.
"Oo nga dinamay mo pa kami.Ikaw tong laging nagyayaya." Apila ko at sinimulan na nga namin siyang pagtulungan ni Saphire habang natatawa lang samin si Zera.
Natigilan naman ako ng biglang mag-vibrate ang cellphone ko.Mabilis ko tong kinuha sa bulsa ko at muntik ko pa ngang mabitawan.Mabuti na lang at nasalo ko!
Ichiro:
Im here outside.
Agad akong napatayo kaya tumingala sakin ang tatlo.
"Mauuna na ko sa inyo Zab.Nasa labas na si Ichiro." Sabi ko habang binabalik ang cellphone ko sa bulsa matapos mag-reply sakanya.
"Huh? O-Okay."
Nagpaalam na ko sakanilang tatlo at tuluyan ng umalis doon.
Bakit kaya ngayon lang siya nakapag-reply?
BINABASA MO ANG
Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]
Novela JuvenilMatapos makalabas sa Wilton University ni Autum Pereira ito ang pagpapatuloy ng kanyang storya. What happened? Halos isampal sa kanya ang lahat ng malaman na niya ang totoo.Bakit sa isang iglap nagbago ang lahat sa pagitan niya at ng kanyang half si...