End

1.8K 37 2
                                    

Narinig ko ang palakpakan ng mga tao ng tawagin ang aking pangalan. Tumuntong ako sa stage at pakiramdam ko napagtagumpayan ko na ang lahat. Dad. This is for you. I always imagine na makikita niya ako dito at papalakpakan. Noon pa lang gusto kong lagi siyang proud sakin.

I want to say sorry to him. Hindi ko nakita na gusto niya lang naman para sakin ay magandang buhay. Pinagbawalan niya ako sa ibang mga bagay dahil sa tingin niya ay iyon ang nakakabuti para sakin. Siguro kung may pagkakataon pa ko na makausap siya. Ipagmamalaki ko sakanya na nabuhay ako ng dalawang taon na sarili lang ang inaasahan. Thanks to my Mom. I learn how to be independent. I also want to thank him. Binigay niya sakin ang lahat at hindi kailanman pinaramdam sakin na anak niya ako sa labas.

"Waaah Autum! Congrats!" Salubong ni Claire sakin at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik. I will miss this girl. Siya ang nasa tabi ko sa loob ng dalawang taon.

"Congrats din!"

"Talaga bang uuwi ka na ng Pilipinas?" Tumango ako at inakbayan siya.

"Don't worry. Kakamustahin kita lagi."

Nakalabas na kami ng campus at naabutan ko ng nag-aabang sakin si Mommy at Kei.

"Haist. Ang daya mo naman eh."

Siguro kung wala lang ang mga business ni Dad sa Pilipinas mas pipiliin kong manatili dito pero hindi ko naman 'yon pwedeng pabayaan. Tuluyan na kong nag-paalam kay Claire matapos kong gawin ang lahat para hindi na siya malungkot. I understand her. Wala siyang nakakasama dito kaya ganon.

Tumigil muna kami sa isang fast food chain para ibili ng pagkain si Kei. Hindi na ko bumaba ng kotse at nag-hintay na lang dito. Matapos ng libing ni Dad umuwi na rin kami dito sa France dahil gaganapin pa ang graduation ko pero babalik din kami ng Pinas upang doon na talaga manirahan. Napapayag ko rin si Mom matapos ang ilang beses na pakikiusap.

Dad give me his company. I need to handle that. Noong una hindi talaga ako naniwala. Bakit niya naman ipapamana ang kanyang kumpanya sa anak niya lang sa labas? Hindi ko rin alam.

Napasandal na lang ako dahil sa pagod ngunit napaahon din ng mapansin ang lalaking palapit dito sa sasakyan namin. Parang tumalon ang puso ko sa tuwa. He's here! Dali-dali akong bumaba ng kotse.

Walang pag-dadalawang isip na tumakbo ako palapit sakanya at niyakap. It's been two weeks! Pero na miss ko siya agad.

"I guess my fiancee miss me?" Humiwalay ako sakanya at hinalikan siya sa kanyang pisngi.

"So much." Nakangiti kong saad at bumagsak ang tingin sa bulaklak na dala niya. White rose. My favorite.

"Congratulations." Saad niya at hinalikan ako sa noo. Tinanggap ko ang bulaklak at pasimple tong inamoy.

"I though your busy?" Tanong ko dahil sabi niya noon ay baka hindi siya makapunta. Marami raw siyang gagawin.

"Yeah but this is your special day. I don't wanna missed it." Sagot niya at hinawakan ako sa kamay bago hilahin sa ibang direksyon kaya napatigil ako.

"Pano sila Mom---" Napatawa na lang ako dahil mukhang walang makakapigil sakanya.

Dinala niya ako sa gitna ng maraming tao. Busy ang lahat at may kanya kanya patutunguhan. Tatanungin ko sana siya kung anong ginagawa namin dito pero pagtingin ko ulit sa kinatatayuan niya ay wala na siya doon. Nasaan na siya?

Inikot ko ang paningin ko pero masyadong maraming tao. Ang hirap gumalaw dahil baka may madali ako.

"For you." Biglang may bumulong sa tainga ko mula sa likod at inabutan ako ng bulaklak. Tinanggap ko 'to at nilingon siya ngunit wala na kong naabutan doon. Seriously?

Anong pakulo 'to?

"Sorry."

Huh? Muli akong napaharap at halos matigilan ako ng makita si Grace dito.

"For you." Dagdag niya pa at inabot ang bulaklak sakin. Tinanggap ko 'to habang tumalikod na siya.

"Thank you." Sabi ko at napatigil siya sa paglalakad ng ilang segundo bago ulit magpatuloy. Napangiti na lang ako.

Siguro hindi pa agad magiging maaayos ang meron saming dalawa pero naniniwala ako na dadating ang araw na matatanggap na namin ang lahat.

"Ate!" May kumulbit sakin kaya napatingin ako dito. Nagulata ako ng maabutan si Kei dito.

"For you." Sabi niya at binigay sakin ang hawak na bulaklak. Lumuhod ako at hinalikan siya sa kanyang pisngi.

Hindi man niya nakilala si Dad ng personal. I will promise na sasabihin ko sakanya kung gaano kabuti si Dad.

"Thank you!"

"Welcome!" Sagot niya at hinalikan din ako sa pisngi. Sweet.

Hahawakan ko sana siya sa kanyang kamay dahil masyadong maraming tao pero bigla na lang siyang tumakbo palayo. Sinubukan ko pa siyang habulin ngunit napatigil ako ng makita kung saan niyo ko dinala.

Naramdaman ko agad ang pagbilis ng pagpintig ng puso ko. Nakaluhod ngayon sa harap ko si Ichiro.

Napunta samin ang lahat ng atensyon ng mga tao ngunit hindi na ko makaramdam ng hiya. Masyado ng naghahalo halo ang emosyon ko. Hindi ako makapaniwala. Naging malabo ang lahat sakin ng lumayo ako but now. I never expect this.

"I will ask you again but this time your not drunk." Napatawa ako ngunit naramdaman ko na ang pagtulo ng aking luha.

"Will you marry me?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko at tumingin sa mga taong nakapalibot samin. Mga taong importante sakin. Mas lalo akong naging masaya ng makita si Grace. My sister. Maliit man ang kanyang ngiti i'm still happy. She's here to support.

Bumagsak ang tingin ko kay Ichiro. At para sa taong hindi sumuko sakin. He deserve everything.

"Yes."

Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon