Note: Pasensya na sa mahabang paghihintay. Salamat din sa patuloy na sumusuporta! Don't worry tatapusin ko na siya. Super naging busy lang.
P.S Dedicated sa gumawa ng book cover. Thank you so much!
Ngayong araw na ang labas ni Zera kaya naman pumunta ako ng hospital bago dumiretso sa school. Hindi ko naman na ikwento sa kanila ang nangyari kahapon. Wala rin akong sinagot na tawag or text ni Ichiro. I need to think. Masyado ng nag-kakagulo ang mga bagay-bagay kaya hindi na ko magtataka kung pag apak ko pa lang ng St. Natali ay kalat na naman ang nakita ko kahapon.
"Bakit hindi ka nakapunta kahapon?" Agad na tanong ni Zabrina ng makapasok ako ng kwarto.
"Hindi na ko tumuloy. Malakas ang ulan eh." Pag sisinungaling ko. Napansin kong si Zera, Erion at Zabrina lang ang nandito. Nasaan naman kaya si Saphire?
"Nagkakagulo ngayon ang mga students sa St. Natali." Saad ni Zera. Umiwas ako ng tingin sakanya at lumapit sa mga gamit nila. Hindi ko na kailangan tanungin kung bakit.
"Wala ka bang gagawin Autum?" Dinig kong sabi ni Zab.
"Ano namang gagawin ko? Ipapakalat na mali ang iniisip nila? Na kami ni Ichiro?"
"Bakit hindi?" Umiling ako. Kung madali lang sana iyon.
"No. Mas lalo lang magkakagulo ang lahat." Sagot ko at napaupo na lang sa couch. Hindi ko na talaga alam ang gagawin.
Gusto kong maging proud sakin si Dad. Im the top one student in St. Natali and that's my only way para mag-karoon man lang ng magandang opinyon sakin ang mga tao. Nakakapagod na rin kasing husgahan. Yung pakiramdam na alam mong hindi na sila maniniwala sayo kung may maganda ka mang gawin kasi iba na yung nakatatak sa isip nila at kung hindi sila mismo ang nakakita pero bakit ang dali sa kanila mang-husga kung tungkol 'to sa paninira ng kapwa nila?
Pinanuod ko ang phone ko na patuloy na tumutunog dahil sa pagtawag at text ni Ichiro. Hindi ako sumama kay Zabrina sa St. Natali. Pinili kong mapag-isa. Kung sasabihin ko man ang totoo alam kong huli na ko dahil masyado ng mainit ang isyu ni Ichiro at Grace. Baka nga iniisip na ng mga tao na sila na talaga.
May mga laban talaga na pipiliin mo na agad na sumuko dahil alam mo sa sarili mo na talo ka na, hindi ka pa nagsasalita. Napatingala na lang ako sa langit ng marinig ang pagkulog nito. Uulan na naman. Muling nag ring ang phone ko kaya bumalik ang tingin ko dito. Si Zabrina.
[Autum!]
Kumunot ang noo ko dahil sa pag-sigaw niya. Masyado bang importante ang kanyang sasabihin?
[Babalik na bukas sa Wilton University sila Ichiro.]
I don't know if that's a good news or bad. Pano yung issue? Nagsalita na ba siya tungkol dito? Gusto kong tanungin si Zabrina pero mapapansin niya na kaya ako hindi pumasok ay dahil dito.
[Tinanong ka rin niya sakin. Hindi ko naman masagot kung nasaan ka.]
"Sige, thank you Zabrina. Don't worry okay lang ako."
Nagpaalam na kami sa isa't-isa and i decide na pumunta kay Dad. Kailangan ko siyang makausap na matagal ko na dapat na ginawa. Pumara ako ng taxi at sinabi ang address ng mansyon. Kung sabihin ko ang lahat sakanya pakikinggan niya ba ko? Maniniwala ba siya? Magagalit?
"Ay! Ma'am Autum buti at bumisita po kayo." Bati sakin ni manang at pinagbuksan ako ng gate. Ngumiti ako sakanya.
"Si Dad po?"
"Nasa study room niya po Ma'am." Tumango ako at naglakad na patungo doon.
I miss him so much. Nang umalis si Mommy patungong ibang bansa siya na ang nakasama ko sa malaking bahay na 'to at sa kabila ng mga nalaman ko tungkol sa pamilya namin hindi pa rin maalis ang pagmamahal ko sakanya. Simple, because he's my Dad.
"My daughter, Autum. Im happy at dinalaw mo naman ako." He hug me with so much joy habang ako hindi mapigilan na mapaiyak. This is what i need right now.
"Daddy..." I said between my sobs. Hinagod niya ang likod ko na parang alam niya ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
"What is it Baby? Masyado na yata akong maraming na missed sa buhay mo?" Tumango ako. Yes Dad marami.
I always remember noong bata pa ako sakanya ako nagsusumbong sa mga hinanakit ko sa mga kalaro ko. His always there for me. Ako ang kusang lumayo dahil sa pag-iisip na mas nakakabuti iyon but now. Can i borrow him? Just for this day
"I heard your doing well sa pag-aaral mo." Sabi niya at ngayon pa lang nakikita ko na kung gaano siya ka-proud sakin. Ngumiti ako habang pinaglaruan ang aking mga daliri.
"Dad, did i dissapointed you? Ni minsan sa buhay ko?" Tumawa siya sa tanong ko na 'yon kaya tinignan ko siya ng hindi maintindihan.
"Ikaw ba dapat mag tanong niyan? Oh ako? Autum, did i dissapointed you?" Nawala na ang ngiti niya at sumimsim sa kopita na hawak. Napakagat ako sa ibabang labi ko.
"I don't have the right to feel that. Pangalawang anak mo lang ako." Nilapag niya ang baso sa table at lumapit sakin. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti muli pero kita sa mata niya ang lungkot.
"You're still my daughter Autum. Walang nagbago."
Right. Walang nagbago. Ako lang ang lumalayo. Pero mas okay na rin 'yon hindi ba? Para hindi maging mainit sa mata ng mga tao.
"Im sorry for everything Dad." I said and wiped my tears.
"Don't feel sorry Autum. Ako dapat ang humingi ng tawad. Sa lahat. Sa pagsisinungaling." Tumayo siya at muling kinuha ang baso na may lamang alak.
"You know what? Wala talang nagagawang mabuti ang pagtatago Autum. You're just making another sin." Dagdag niya pa.
All my life akala ko ako lang. Nasanay akong walang kahati sa lahat kaya siguro nahihirapan ako ngayon. Tinago nila ang lahat sakin at nag-sinungaling. Sobrang hirap ng mag-tiwala parang hindi mo na alam kung sino ang nag-sasabi ng totoo.
And now i realized. I'm really too late.
BINABASA MO ANG
Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]
Teen FictionMatapos makalabas sa Wilton University ni Autum Pereira ito ang pagpapatuloy ng kanyang storya. What happened? Halos isampal sa kanya ang lahat ng malaman na niya ang totoo.Bakit sa isang iglap nagbago ang lahat sa pagitan niya at ng kanyang half si...