Chapter 22

1.1K 27 2
                                    

"Iniwan ko sa restaurant yung kotse mo. Kunin mo na lang doon." Saad ko sakanya ng ihatid na siya sa gate ng bahay namin.

"Okay. Thank you."

Tumango lang ako at isasara na sana ang gate pero pinigilan niya 'to. Tinignan ko siya ng hindi maintindihan. May nakalimutan pa ba siya?

"Bakit?" Lito kong tanong. Nagkatitigan kami ng ilang minuto bago siya umiling at ngumiti.

"Nothing... I just... Miss you." Napalunok ako at umiwas ng tingin. Lasing pa yata siya? Gahd. Nagwawala na naman ang mga paru-paro.

"Bye." Nasabi ko na lang at sinarado na ang gate habang napasandal na lang dito.

Bakit ko pa rin 'to nararamdaman? Sa kabila ng sakit bakit... Bakit nanatiling ganon? Napahawak na lang ako sa dibdib ko habang nararamdaman ang mabilis na pag-pintig ng puso ko.

"Bakit pinauwi mo agad?" Salubong sakin ni Claire ng makapasok na ko ng bahay.

"Bakit? Ano pa bang gagawin niya dito?"

"Wala lang. Grabe! Pinuntahan ka pa niya talaga dito." Umiling ako at naupo sa tabi niya.

"Pumunta siya dito para lang tignan ang restaurant." Nakita ko ang pag kunot ng noo niya.

"Restaurant? Na pinapasukan mo? Seriously?" Nanlaki ang mata niya at kita talaga dito na hindi siya makapaniwala. Nag sign naman ako ng huwag maingay. Nasa taas lang sila Mommy baka marinig kami.

"He's my new boss."

"Oh gahd! I can't believe you. Pano mo na rereject ang ganong lalaki?" Niyakap ko ang isa sa mga unan at napasandal na lang.

"Ang hirap nga eh. I know that he's doing this para..."

"Para bumalik ka sakanya! Haist! Bakit kasi ayaw mo pa?" Umiling ako at napapikit na lang.

"Kung madali lang sana Claire pero hindi."

"Why? Malayo na naman kayo sa Pilipinas. Hello? Nasa France tayo."

She can't understand me. Media is just all around kahit anong gawin namin malalaman pa rin ng mga tao.

"And paki ba ng mga tao? They can't decide sa kung anong gusto mo or gusto ni Ichiro. The important here is your opinion."

I don't know. All my life puro papuri ang natatanggap ko sa mga tao pero ngayon... Everything has changed.

Kilala bilang top student of St. Natali, perfect daughter, noon, pero ngayon anak na lang sa labas ni Mr. Pereira. Sa isang iglap. Nawala lahat.

"Autum, paki hatid naman si Kei sa school niya. Wala ka namang pasok diba? I really need to go." Saad ni Mommy at hinalikan ako sa cheeks.

"Sige Mom. Wala rin naman akong gagawin." Sagot ko at lumapit kay Kei na ngayon ay naka school uniform na.

"Thank you. Bye baby!" Sabi ni Mommy at tuluyan ng umalis.

"Mauuna na rin ako Autum. Maglilinis pa ko ng apartment ko." Saad ni Claire habang tumayo na. Tumango naman ako.

"Sige, ingat ka."

"Okie. Byie."

"Ate, where is kuya Ichiro?" Bumaba ang tingin ko sa aking kapatid.

"Uhm... He need to go home baby. He's busy."

"Oh i though he's going to stay here. I like him ate. I mean as a friend." Ginulo ko ang buhok niya at ngumiti.

"Don't worry you will see him again. I guess?" Sagot ko habang kinuha na ang kanyang bag.

"Let's go?" Dagdag ko pa. Tumango siya at nauna ng mag lakad sakin.

I'm sorry Kei. Baka hindi na.

Sinarado ko na ang bahay pero natigilan ako ng makarinig ng busina ng sasakyan. Nanlaki ang mata ko ng makitang kotse 'to ni Ichiro. Ano na namang ginagawa niya dito?

"Kuya Ichiro!" Masayang bati sakanya ni Kei ng tuluyan na siyang makababa.

Binuhat niya 'to at nag high five pa. Sobrang close naman pala nila? Tss.

"What are you doing here?" Agad kong sabi ng tumingin siya sakin.

"Easy. I came back here 'cause i forgot my coat to your room." Sheez. Dapat pala sinigurado kong wala siyang naiwan.

Wala akong nagawa at muling binuksan ang gate.

"Ako na kukuha." Saad ko bago pumasok sa loob at hindi na hinintay pa ang kanyang sagot.

Bakit pakiramdam ko sinadya niyang iwan 'to? But whatever. Sana pagkatapos nito tuluyan niya na kong lubayan.

"Ate, kuya Ichiro will drive us to my school." Sabi ni Kei ng makabalik na ko. What?

"No baby, he's busy." Kontra ko at binato kay Ichiro ang kanyang coat na agad niya namang nasalo.

"No im not. Let's go baby." Sagot niya ngunit sakin nakatingin. Seriously?

"Yey!" Dinig kong sabi ni Kei at tuluyan ng sumakay.

Napapikit na lang ako ng madiin. Gahd!

"Baby?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Don't call me baby!"

"Okay." Sagot niya habang tumawa at binuksan na ang front seat. Padabog akong sumakay.

"You're so cute baby." Dagdag niya pa bago tuluyang isara at ako naman ay parang sasabog sa inis.

Baby your face! Urgh!

Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon