Chapter 16

1.1K 26 2
                                    

"Bakit ka naman umalis agad? Sabi ko wait lang eh." Reklamo ni Paris ng mahabol niya ko.

"Baka kasi gutom na si Kei." Pagsisinungaling ko.

"Whatever, pero grabe naman ang sikat ng Wilton---"

"Sige Paris una na ko. May pupuntahan pa pala ako." Saad ko bago niya pa maituloy ang kanyang sasabihin.

"Huh? T-Teka! Sasama ko!" Sabi niya ng bilisan ko ang paglalakad.

"Huwag na!" Pilit akong ngumiti sakanya at kumaway.

"Kita tayo bukas!" Dagdag ko pa bago tuluyang tumalikod.

Paniguradong hindi siya titigil sa kakakwento tungkol doon sa napanuod niya kaya mas mabuting lumayo muna ako hanggang sa makalimutan na niya.

Engagement. Sino naman kaya? Aish! Bakit ko pa kasi nakita 'yon? Tumigil ako sa paglalakad at naupo sa isa sa mga bench doon upang mag-pahinga. Bakit hanggang dito sinusundan ako ng mga pilit kong tinatakbuhan? Hindi ba talaga ako mawawalan ng koneksyon sa kanila? Gusto ko na nang tahimik na buhay pero mukhang hindi papayag ang tadhana.

"Autum?" Nawala ako sa mga iniisip ko ng marinig ang boses na yon. Mabilis akong napatayo ng makita kung sino 'to.

"Sir Klay!" Tawag ko dito. Gahd! Bakit sa lahat ng makakakita sakin boss ko pa?

"What are you doing here? Saka huwag mo na kong tawaging Sir. Wala naman tayo sa trabaho." Tumango ako at pilit na ngumiti.

Si Mommy ang nag-pasok sakin sa restaurant na pinamamalahaan ni Sir Klay. Sabi niya galing din tong Pilipinas kaya marunong mag tagalog. English kasi ako ng english noong first day ko, marunong naman pala siya magtagalog.

"Uhm...nagpahinga lang po saka uuwi na rin ako."

"Sige, hatid na kita." Saad niya pero agad akong umiling.

"Huwag na po. Malapit na lang naman  ang bahay namin dito." Pigil ko.

"Kaya nga tara na. Malapit lang naman eh." Sagot niya at nauna ng maglakad. Hinanap ng mata ko ang kotse niya. Saan naman niya iniwan 'yon? Napakamot na lang ako sa aking ulo at wala ng nagawa kung hindi ang sundan siya.

"Can i ask you a question?" Tanong niya ng tuluyan ng magsabay ang lakad namin.

"Uhm...tungkol po saan?"

"Do you know Ichiro Wilton?" Natigilan ako sa pag-lalakad ng banggitin niya ang pangalan na 'yon. Tumigil din siya habang tinignan ako ng nagtataka.

"H-Hindi...bakit?" Sagot ko at naglakad na ulit. Ano na naman bang meron sa lalaking 'yon? Haist, wala na bang katapusan 'to?

"He's my friend." Napakagat ako sa ibabang labi ko. Seriously?

"Bakit mo sinasabi sakin 'to?" Di ko kasi maintindihan.

"Well..." Nilingon ko siya.

"Binili niya kasi ang restaurant sakin." Parang tumigil ang mundo ko ng marinig iyon. So it means...

"Isa ka sa masipag na empleyado ko kaya. Gusto ko sana mag kasundo kayo ng bagong boss mo." Dagdag niya pa ngunit wala na kong naintindihan kung hindi ang bagong boss ko?!

"Waaaaaaahhh! Hindi pwede!"

"Ate? Are you okay?" Lapit sakin ni Kei ng tuluyan na kong makapasok ng bahay.

Nabitawan ko ang lahat ng pinamili ko at napaupo na lang sa couch. Parang naubos lahat ng natitirang lakas ko. I can't believe this! Talagang sinundan niya ko dito sa France?! My gahd! Hindi niya ba alam kung gaano ko ka-ayaw na makaharap siya? Saka dapat galit siya sakin diba? Aish! Kung pwede lang mag-resign agad sa restaurant na 'yon kanina ko pa ginawa. Kaya lang may 3 months contract pa kong dapat tapusin!

"G-Ganun ba? Kailan naman s-siya dadating?"

"Bukas." Nakangiti niyang saad habang napapikit na lang ako ng madiin.

"Urgh! Nababaliw na talaga siya!"

"Ate? What's nababaliw?" Lumingon ako sa inosente kong kapatid na si Kei. Hinila ko siya palapit sakin at pinaupo sa lap ko.

"Listen to me Kei. If you heard a name Ichiro. Don't talk to him okay? Nababaliw na siya! And it means he's crazy. Alright?" Tumango siya na parang tinatak niya talaga sa utak niya 'yon ng maigi.

"But for now. Let's cook your favorite food. Do you want to help me?" Dagdag ko pa at binaba na siya. Nakita ko ang agad niyang pagtango.

"Okay, let's go to the kitchen!"

"To the kitchen!"

Napatawa na lang ako dahil sa kulit niya. Ano kayang reaksyon ni Dad kung makita niya si Kei? Never pa silang nag meet and i guess walang balak si Mommy na mangyari 'yon.

"Ate, where's Daddy?" Napatigil ako sa pag-hiwa ng gulay ng bigla niyang itanong yon. Umangat ang tingin ko sakanya at inosente lang siyang nakatitig sakin.

"Mommy, always changed the topic everytime i ask her. Do you know where he is? I want to meet him." Dagdag niya pa at kitang kita sa mata niya na gusto niya talaga tong makilala.

"Someday Kei. You will meet him but not now."

"Why?"

Masyado pang magulo ang lahat...

"He's busy. Don't worry i will talk to him."

Nag-pout siya and i know he's very sad right now. Hindi ko alam kung anong pinagdadaanan niya sa school everytime na itatanong kung nasaan ang kanyang Daddy. Mahirap sagutin lalo pa at wala ka talagang alam. Na aasar din ba siya? Isipin pa lang yon ay nasasaktan din ako. Masakit husgahan.

"Mom, wala ka ba talagang balak sabihin kay Kei ang tungkol kay Dad?" Tanong ko dito ng makauwi na siya. Talagang pinilit kong hindi makatulog para makausap lang siya.

Sinundan ko siya sa kanyang kwarto ng hindi niya ako sagutin.

"Pwede bang bukas na lang tayo mag-usap Autum? Pagod ako ngayon." Saad niya ng mapansing nag-aabang talaga ako sa kanyang sasabihin.

"Kei is really desperate to know him."

Umupo siya sa kanyang kama habang napahinga ng malalim.

"I'm still planning. Pag lumabas ang tungkol kay Kei hindi na rin maiiwasan na mas lalo siyang asarin ng mga kaklase Autum. I choose to go here to have a peaceful life hindi pwedeng sa pagkakamaling desisyon ay masisira ulit ang lahat."

Tumango ako. I understand. She's right. Pero ang makitang ganon si Kei kanina ay parang gusto ko ng ipaalam ang tungkol kay Dad. But maybe, may tamang oras para sa lahat.

Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon