Chapter 28

1.3K 28 3
                                    

Umiyak siya sa harap ko ngunit hindi yon sapat para sakin. Hindi ko kaya ang kanyang pinapagawa. Umatras ako habang napailing.

"I can't..." Nakita ko agad sa mata niya ang pagkataranta.

"Autum... Please!... I'm begging!" No. I promise to him and to my self that i will fight. I-I can't.

Tuluyan ko na siyang tinalikuran ngunit sinundan niya ako at hinila pabalik.

"Bakit ba ang selfish mo?! Nasayo na nga ang lahat oh! Si Ichiro lang naman Autum!" Tumingin ako sa mga mata niya na walang tigil na naglalabas ng luha.

Paanong ako pa ang makasarili? Hindi pa ba sapat ang dalawang taon na pinabayaan ko sila? Hindi pa ba sapat yung paglayo ko?

"Mahal na mahal ko siya... Akin na lang siya please..."

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sakin.

"Sakanya mo yan sabihin Grace. H-Huwag sakin..." Sagot ko at iniwan na siya doon. Narinig ko na lang ang kanyang pag-iyak ng tuluyan na kong makalayo.

Napapikit na lang ako ng madiin. Wala na kong mailuluha pa. Pagod na ko. I feel sorry for her but hindi ko talaga kaya ang kanyang pinapagawa. Kung pwede lang sana na may kontrol tayo sa mga nararamdaman natin ngunit wala.

Bigla naman akong nahilo ng imulat ko ang aking mata. Napatigil ako sa paglalakad at napasandal muli sa pader. May humawak saking baywang upang hindi ako tuluyang mahulog. Pinilit ko maaninag ang kanyang mukha ngunit masyado na talagang dumodoble ang aking paningin.

Bumagsak ako sa kanyang dibdib at muling napapikit ng makilala ang kanyang amoy. I know this smell. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo at pagkatapos non ay nilamon na ko ng kadiliman.

"Maa'am Autum." May tumapik saking pisngi kaya unti-unti kong minulat ang aking mata. Kumunot ang noo ko ng mapansin na hindi 'to ang kwarto sa condo ni Mommy. Napaupo ako ng tuluyan ng pumasok sakin lahat. Bakit ako nasa kwarto ng bahay ni Daddy?

"Bumaba na po kayo Ma'am Autum. Naghihintay na sila." Dagdag pa ng katulong at tuluyan na kong iniwan.  Pinanuod ko ang pag-sarado ng pinto. Pano ko napunta dito? Wala akong matandaan.

Nagsimula na kong ayusin ang aking sarili habang iniisip pa rin ang nangyari kahapon. Bakit wala akong matandaan? Si Grace... Kagabi. Napailing na lang ako. Wala talaga.

"There you are my daughter!" Saad ni Daddy ng makapasok ako ng kitchen.

Napatigil ako ng makita kung sino ang nandoon. Grace, her mother and Ichiro. A-Anong ginagawa niya dito? Umiwas siya sakin ng tingin habang napunta ang atensyon ko sa kamay ni Grace na nakahawak sa kanyang braso. Anong nangyayari? Bakit...

"Kumain ka na Autum. Para matulungan na natin si Grace sa pag-aayos ng kasal niya." Nakangiting saad sakin ng kanyang Nanay. K-Kasal? Muli akong tumingin kay Ichiro. Walang ekspresyon ang kanyang mukha.

Wala sa sarili akong naupo sa tabi ni Daddy. Nakahanda na ang aking pagkain doon ngunit hindi ko 'yon ginalaw. I'm trying to absorb everything. Can someone explain me what is happening?

Dumating na ang inimbitahan nilang wedding planner at nagsimula na sila sa pagplano. Para namang unti-unting winawasak ang puso ko habang pinapanood silang mamili ng kanilang mga gusto. Parang bigla nag flashback sakin ang lahat. Si Grace nag makaawa sakin kagabi. Maybe, sinunod niya ang sinabi ko na kay Ichiro niya sabihin ang mga iyon. Tumingin ako kay Ichiro. Ganon na ba kabilis magbago ang nararamdaman ng isang tao? Oh napagod na talaga siya? Kung sabagay... Sino nga bang hindi mapapagod sa mga desisyon ko na halos hindi naman siya kasama? Taon na rin ang lumipas. Hindi na dapat ako umasa na magiging katulad pa rin iyon ng dati.

"Autum. Tignan mo nga 'to. Ano bang magandang wedding gown?" Saad ni Grace habang inabot sakin ang magazine. Tumikhim ako at inabot 'to. Kahit masakit. I need to respect his desicion. I deserve this. Pinili ko ang wedding gown na sa tingin ko ay maganda at babagay sakanya sa araw ng kanyang kasal.

Tumulo ang butil ng luha sa magazine na alam kong galing sakin. Mabilis ko tong pinunasan. Pati ang pisngi ko.

"This is b-beautiful." Sabi ko habang tinuro ang wedding gown na napili.

"See? Pareho lang kami ng gusto! I want this!" Saad ni Grace at kitang kita sa mata ang saya.

Tumayo ako kaya napatingala silang lahat sakin.

"Comfort room lang." Sabi ko at nagmamadali ng umalis doon. Kahit nanlalabo na ang paningin. Pinilit kong makarating sa CR.

Agad na bumuhos ang luha mula sakin ng tuluyan na kong makapasok. Napasandal na lang ako sa pinto at napatakip saking mukha.

May mas sasakit pa pala sa lahat.

Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon