Chapter 30

1.5K 34 1
                                    

"Tulog pa ba si Ichiro?" Tanong ni Zera ng makababa kami at dumiretso ng kitchen.

"Yup."

"Maybe he's really tired because of what happe---"

"Anong pagkain ba ang niluto mo? I'm really hungry!" Putol ko sakanya upang maiwasang buksan ang nangyari kagabi.

"Don't worry. Marami akong niluto." Sagot niya habang bumagsak ang tingin ko kay Baby Achard na nasa gilid lang ni Zera at nakatingin sakin.

"Hi baby!" Bati ko dito ngunit mas lalo lang siyang nag-tago. Napangiti na lang ako. Cute.

"Say hi to Tita Autum baby." Saad ni Zera at pilit na nilalabas ang anak ngunit masyado tong mahiyain.

"Anyway, Ichiro told me na may second baby ka na? Nasaan?" Paghahanap ko dito habang nilibot ang paningin sa paligid. Malaki rin itong bahay nila huh.

"She's sleeping. Mamaya gigising na 'yon."

"Oh? Girl?" Gulat kong tanong. Panigurado kamukha niya na 'yon.

"Yes." Masaya niyang saad kaya napangiti ako. I'm happy for her.

Sa kabila ng maagang pag-bubuntis hindi ko alam kung paano niya nahahandle ang mga opinyon ng mga tao. But look at her now. Magtatapos na rin katulad namin.

Naabutan namin sa kitchen si Zab at Saphire na mukhang mga antok pa dahil nakaupo lang to sa bangko habang mga nakapikit. Naalala ko bigla, sila ang may unang tama sa party dahil nag-inom na agad hindi pa 'to nag-sisimula. Napailing na lang ako.

"Napanuod mo ba yung conference meeting ni Ichiro?" Tanong ni Zera habang naupo na kami. Pinagsilbihan naman kami agad ng mga katulong. Umiling ako.

"Hindi eh. What happened there?"

Niyugyog niya ako at mahinang kinilig kaya napatawa ako. Seriously?

"Super nakakakilig! He said everything! Yung una niyong pag-kikita. How much he loves you. My gahd! Maraming nagulat at tama lang 'yon. Kailangang malaman ng lahat ang totoo."

Meron kaya silang record non? Gusto kong mapanuod. I appreciate his effort. Gusto niya lang din naman malinis ang pangalan ko pero kung ako ang papapiliin kahit siguro hindi na. I realize na hindi ko na kailangan pang mag-aksaya ng panahon sa mga tao na hindi naman talaga kilala kung sino ako. Okay na sakin yung mga konting tao pero totoo sakin.

Natapos na ang breakfast namin at medyo nahimasmasan na rin ang dalawa pero hindi pa rin nababa si Ichiro. Masyado ba talaga siyang napuyat?

Sa living room namin napiling mag-stay habang nanunuod ng balita. Baka ipalabas ang conference ni Ichiro? Ngunit hindi iyon ang bumungad sakin.

Nakita ko pa lang sa TV ang mansyon at ang mga ambulansya ay agad na kong nataranta. Daddy. Parang tumigil ang mundo ko ng makitang may nilalabas sila dito na nakatalukbong ng kumot. No.

"CEO Ferdon Pereira passed---"

"Autum!"

Mabilis akong umakyat sa taas. Kailangan kong umuwi! Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay si Ichiro agad ang nandito. Mukhang palabas na rin siya. Mukhang nagulat siya sa pagmamadali ko.

"I need to go home... My Dad." Sabi ko sakanya at pinipigilan na bumagsak ang mga luha. No. Buhay pa siya, right?

"W-What happened?" 

"Autum..." Lumingon ako kay Zera na sinundan ako. Umiling siya sakin.

No! Hindi pwede yon. Kakausapin ko pa siya. Marami pa kong sasabihin. Agad akong nakaramdam ng pag-sisisi. Dapat pumunta na ko sa mansyon kahapon, dapat...

Si Kei? Pano si Kei? No. Hindi pa sila nagkakakilala. Hindi pwedeng iwan niya na lang kami...

My Dad. Kailanman hindi kami nagkalayo, i choose to stay here sa pagkakaalam na kami ang tunay niyang pamilya at kung malaman ko pa rin ang totoo i guess i will still choose to stay. I love him so much.

Two years. Two years without him, without my Dad. Pano ko nga ba natiis yon?

Parang unti-unti kong pinagsisihan ang lahat. Kung hindi lang sana ako umalis makakasama ko pa siya ng matagal. Bakit... Bakit parang ang daya naman yata?

Akala ko pag nagkita kami isang mahigpit na yakap ang matatanggap ko pero hindi. Nandito ako sa malayo at tinitignan ang puting bagay na hinihigaan niya at hindi man lang makalapit. Hindi pa ako handang makita siyang nakahiga doon.

"Come with me?" Tumingala ako kay Ichiro na nakalahad ang kamay sa harap ko. Umiling ako. Ayokong umalis.

Naupo ulit siya sa tabi ko at hinawakan ang aking kamay. Pinaglaruan niya ang sing sing doon.

"Please?" Dagdag niya pa.

Alam kong nawawalan na ko ng oras sa lahat pero hindi nila ako masisisi. Lahat ng nangyayari ngayon ay parang panaginip. Sana nga panaginip na lang ang lahat.

Sumama na ko sakanya at dinala niya ako sa tuktok nitong building. Napapikit ako ng maramdaman ang malamig na paghampas ng hangin.

"You always made my day." Napamulat ako ng magsalita siya. Nasa harapan ko siya ngayon at nakahawak saking baywang.

"I will do everything for you. You're my life." Tumulo ang luha sakin kaya tinago ko na lang ang mukha ko sa dibdib niya.

"I hurt you, a lot." Bulong ko at niyakap siya.

"You hurt me but i still fall."

"Hmmm... I don't deserve this." Saad ko at lumayo na sakanya. Tinignan ko ang maraming ilaw na tanaw mula dito.

"But i deserve you." Napailing ako. Crazy. Pano niya nasasabi ang lahat ng 'to sa kabila ng lahat?

"Marry me." Dagdag niya at hindi iyon patanong parang sigurado na siya dito. Nilingon ko siya at napangiti na lang.

"I miss your smile."

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko na rin matandaan kung kailan ako naging sobrang saya.

"I miss my Dad." Sabi ko at pinanatili ulit ang tingin sa mga ilaw sa baba.

"I miss my Autum." Sagot niya at niyakap ako mula sa likod. Napatawa ako.

"I love you." Bulong ko at muling napapikit dahil sa paghampas ng hangin.

"What did you say?" Tanong niya habang siniksik ang mukha sa aking leeg.

"Bawal ng ulitin!"

"Say it again." Pilit niya. Tumingin ako sakanya. Kailanman hindi ko nakitang naging masaya ng ganito ang kanyang mga mata.

"I love you Ichiro." Ngumiti siya at dinampian ako ng halik sa labi.

To all the people who stay by my side. You make me stronger. And to the one that i love. I will promise my life to you.

Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon