"Autum." May naramdaman akong tumapik sakin pero nagtalukbong lang ako ng kumot. Inaantok pa ko at ang sakit ng katawan ko! Bwisit ka Ichiro!
Wait... Si Ichiro.
Mabilis akong napaupo.
"Ouch!" Napahawak ako sa waist ko ng sumakit 'to. Huhu. Yung buto ko.
"Tumayo ka na jan at kumain. Yung bisita mo naghihintay na sa kusina."
W-What?
Halos magkanda talapid ako sa paglalakad papuntang kusina. Naabutan ko siyang malakas na kumakain at natigilan ng makita ako. Ngumiti siya habang tinapik ang katabing upuan.
"Let's eat?"
Aba't! Napapikit ako ng madiin. Ang kapal ng mukha nito matapos niya kong pahirapan kagabi mauunaa pa siya dito sa kusina?! Konti na lang talaga mauubos na ang pasensya ko! Gahd!
"Pero baka gusto mo munang tumingin sa salamin?" Dagdag niya pa at nagpatuloy na ulit sa pagkain pero kitang kita ko kung pano siya nag pigil ng tawa.
"Bwisit ka---"
"Oh Autum? Mag-ayos ka muna. Hindi ka ba nahihiya sa bisita mo?" Biglang dating ni Mommy na ngayon ay kasama na si Kei.
"Yeah, you're so ugly ate." Ouch ha! Kung hindi ko lang to kapatid kanina ko pa siya pinalayas dito sa bahay!
"She's still beautiful." Singit naman nung isa. Inirapan ko siya at umalis na doon. Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa biglang pag-init nito. Aish!
No, hindi ko pa rin siya mapapatawad sa ginawa niya sakin kahapon. Matapos niya kong pahirapan! Hindi niya man lang ba 'yon naaalala? Para naman magkaroon siya ng kahit konting hiya.
"Fvck this dream but damn! I love you."
I mean... Huwag niya na pa lang alalahanin! Mas mabuti pa ngang ibaon na lang sa limot! Gahd! Napapalo na lang ako sa ulo ko. Bakit ba naalala ko na naman 'yon?
"Good morning Autum!" Nanlaki ang mata ko ng makita si Claire na nakaupo na katabi si Mommy pagbalik ko ng kusina.
"Hindi ka raw kasi dumaan sakanya kahapon kaya nandito siya ngayon." Sabi ni Mommy ng makita siguro ang gulat sa mukha ko.
"Ahhh." Nasabi ko na lang at tumingin kay Ichiro. Siya ang may kasalanan kung bakit hindi ako nakadaan kay Claire.
"Umupo ka na sa tabi ni Ichiro, Autum para makakain na tayo."
Tinapik ni Ichiro ang katabi niyang upuan at ngumiti. Nag poker face lang ako at padabog na naupo.
"Binibisita mo lang ba talaga ang anak ko dito iho? Napaka sweet mo namang boyfriend." Saad ni Mommy matapos lagyan ng pagkain ang pinggan ni Kei.
Habang nasamid si Claire at tinignan ako ng nalilito. Umiwas lang ako at hindi rin makatingin dito sa katabi ko. I don't want to see his reaction. Gahd!
"Ahm... Of course! Ma'am. Mahal na mahal ko kasi tong anak niyo." Sabi niya at naramdaman ko ang bigla niyang pag-akbay sakin habang hinalikan ako sa ulo kaya kinurot ko siya sa hita. Seriously?! Dapat yata talaga sinabi ko na kay Mommy ang totoo para hindi na siya pinatuloy dito. Sheez!
"Hahahaha! Kaya pala laging lutang 'to si Autum pagkasama ko eh. Namimiss ka yata. Buti bumisita ka!" Napalingon ako kay Claire at pinanlakihan siya ng mata. What the heck? Anong pinagsasabi ng babaeng 'to?
"Pagod lang ako sa---"
"Really? She didn't tell me, para sana mas inagahan ko pa ang punta dito." Putol sakin ni Ichiro kaya tuluyan na kong napatingin sakanya.
So, kailangan ko pang sabihin na namimiss ko siya para lang pumunta dito? It's been two years! Dalawang taon ang lumipas! Pero ni isang text or call wala akong natanggap galing sakanya na nagtatanong kung nasaan ba ako oh kung okay lang ba ako. Tapos ngayon ano? Nandito siya sa harap ko. Tss.
"Busy ka kasi sa Pilipinas saka diba sabi mo babalik ka na doon bukas kasi may mga meeting ka pang pupuntahan?" Tinignan ko siya ng diretso sa mata. Sumang-ayon ka kung ayaw mong balibagin kita.
"Ahh yun ba. Cancel na." Sagot niya at nilipat ang tingin kay Mommy. Aish! Napapikit ako ng madiin at napainom na lang ng tubig.
"I will stay here for 3weeks i guess?" Dagdag niya. 3weeks?! Bat ang tagal? Ano namang gagawin niya dito? Pepestehin ang buhay ko? Gahd!
"But we're going back in Philippines this coming Sunday." Sabi ni Kei kaya napalingon ako sakanya. Right!
"Oh, i almost forgot that. May aayusin nga pala akong mga papeles doon." Sabi ni Mommy kaya napangiti ako.
"Ahh... Hindi na sabi ni Autum." Bakit ko naman sasabihin sayo? Tch. Ayan maiwan ka dito.
"Nakalimutan ko eh. Saglit lang naman kami doon. You should stay here. Marami ka pa yatang gagawin." Sabi ko habang malawak na ngumiti.
Natahimik siya at nagpatuloy na sa pagkain. Tumingin naman ako kay Claire. Napailing siya sakin. What?
BINABASA MO ANG
Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]
Teen FictionMatapos makalabas sa Wilton University ni Autum Pereira ito ang pagpapatuloy ng kanyang storya. What happened? Halos isampal sa kanya ang lahat ng malaman na niya ang totoo.Bakit sa isang iglap nagbago ang lahat sa pagitan niya at ng kanyang half si...