Chapter 5

1.4K 32 0
                                    


Kung ano ang naging desisyon ko paninindigan ko at yung nangyari kay Grace at Ichiro alam kong parte ito na kailangan kong tanggapin dahil sa ngayon ako, si Ichiro, at ang mga mahahalagang tao lang na nakapalibot samin ang nakakaalam tungkol sa relasyon naming dalawa.

Naabutan ko siyang nakasandal sa kotse niya habang naninigarilyo.Agad naman niya akong napansin dahilan para itapon na niya ang hawak.Kita ko naman sa mata niya na parang gusto niyang basahin ang iniisip ko.

"Sorry." Sabi ko ng tuluyan na kong makalapit sakanya.Huminga siya ng malalim at nagulat ako ng yakapin niya ko.

"Don't do that again." Bulong niya.Pumikit ako ng madiin.Kahit na nasaktan ako kanina hindi ko parin maitanggi na patuloy akong nahuhulog sakanya.

Humiwalay na siya at binuksan ang pinto ng front seat.Umiling ako.

"Babalik pa ko sa loob.Hindi ka ba aakyat?"

"Let's go to my condo.Ipagluto mo ko." Eh? Tiningala ko ang building ng hospital.Babalik na lang siguro kami mamaya.

"Okay." Ngumiti naman siya ng sumakay na ko.

"Pero bilisan lang natin." Dagdag ko ng makasakay na rin siya pero para siyang walang narinig.Napailing na lang ako.

Bigla ko namang naisip ulit yung kiss nila ni Grace.Saan naman kaya siya hinalikan ng half sister ko? Sa lips? Smack? Urgh! Whatever!

"Sa cheeks." Sabi ni Ichiro na parang nababasa niya ang iniisip ko.Sa cheeks? Tumaas ang kilay ko.

"Bakit ka naman niya hinalikan?" Kita ko sa mukha niya na parang nagdadalawang isip pa siyang sagutin ako.

"I ask her kung bakit niya ginawa 'yon." Tumango ako.

"She like me." Nagkibit balikat siya na parang wala lang 'yon sakanya.Pero si Grace? Nag-confess kay Ichiro? Gahd! Ano naman kayang gagawin niya sa susunod?

Tinigil na niya ang sasakyan sa parking lot ng building ng condo niya.Bababa na sana ako pero hinila niya ako pabalik.

"Do you trust me?" Tinignan ko siya sa mga mata niya.

"Of coures." Matagal ko ng na subok ang tiwala ko sakanya.I trust him.

"Good." Ngumiti siya at dahan-dahan na nilapit ang mukha sakin.Tinulak ko siya.

"Tara na!" Sabi ko at lumabas na ng kanyang kotse.Pasimple akong tumawa dahil sa nakita kong mukha niya bago ako tuluyang nakalabas.

Sumakay na kami ng elevator at dalawang lalaki lang ang kasabay namin.Nasa harap namin sila dahil hinila ako ni Ichiro sa likod.

Napaigtad ako ng bigla humawak ang isa niyang kamay sa bewang ko kaya umangat ang tingin ko sakanya.Kinagat niya ang ibaba niyang labi habang hinalikan ako sa tenga.Pilit naman akong lumalayo.Shit! Nakikiliti ako! Akala ko naman titigil na siya matapos ko siyang pigilan sa sasakyan niya! Isa pa nakakahiya sa dalawang lalaki na kasabay namin.

"Ichiro..." Saway ko pero hindi mapigilan na ngumiti.Hinarap niya ang mukha ko sakanya.Paniguradong nakita na niya kung gaano kapula ang mukha ko.

"Why?" Tanong niya na parang walang masama sa ginagawa namin.Lumunok ako at tumingin sa dalawang lalaki na tahimik na nakatalikod samin.Nakayuko sila.

"Isa lang..." Bulong niya habang nakatingin sa labi ko.Umiling ako pwede bang mamaya na? Naisip ko naman na maghahalikan kami sa loob ng condo niya.Uh-oh.Bad idea.

"No." Tipid ko na lang na sagot habang umayos ng tayo pero makulit siya at pinagpatuloy ang paghalik sa tenga ko pababa sa leeg ko.SHIT!

"What did you say?"

Pinilit kong hindi pakawalan ang tawa ko dahil sa nakikiliti na talaga ako pero huli na.Lumingon samin ang dalawang lalaki.Tinulak ko siya palayo sakin na nagawa ko naman.

"I knew it." Dinig kong bulong ni Ichiro habang masama ang tingin sa dalawang lalaki.Nagbago agad ang mood niya.Anong problema nito? Sakto namang bumukas ang elevator.Halos mag-unahan ang dalawa sa paglabas.Huh?

"Kilala mo sila?" Umiling siya at hinila na ko palabas.Tinignan ko naman yung dinaanan ng dalawang lalaki pero wala na sila.

"Kailangan na siguro nating magpakasal."

"Ha?" Inangat ko ang tingin ko sakanya dahil parang may sinasabi siya.

"Nothing." Saad niya habang nailing.Tungkol parin ba 'yon doon sa mga lalaki?

"Alright." Sagot ko na lang.

Hindi ko na siya kinulit dahil parang bigla siyang na bad mood.

Pumasok na kami sa condo niya habang dumiretso na ko sa kitchen matapos ilapag ang bag ko sa living room.Hinanda ko na ang mga gagamitin ko.

Dalawang beses na kong nakapagluto dito kaya medyo kabisado ko na kung saan nakalagay ang mga gamit.

"Change your clothes first bago ka magluto." Umangat ang tingin ko kay Ichiro na nakapagpalit na ng damit.Umupo siya sa isa mga high stool chair.

"Huwag na aalis din naman tayo." Sumimangot siya.

"Mainit.Mas pagpapawisan ka." Umalis siya matapos sabihin 'yon kaya pinagpatuloy ko na lang ang paghahanap sa iba pang gamit.Nasaan nga ba yung mga tray? Sinarado ko ang cabinet ng makitang wala doon.Sa kabila yata.

"Here wear this." Muntik na kong mapatili ng makita si Ichiro na nakaluhod pag harap ko habang may hawak na tsinelas.

"Para ka namang kabute!" Reklamo ko.Tinuon ko ang isa kong kamay sa balikat niya para tanggalin ang sapatos ko pero pinigilan niya ang paa ko sa pagtaas.

"Ako na." Mabilis niyang natanggal ang pagkakakwit ng sapatos ko at sinuot ang tsinelas sakin.

"Magpalit ka na!" Sabi niya ng matapos.Kumunot ang noo ko.Hindi naman siya galit?

"Oo na." Inirapan ko siya.Ang arte! Saglit lang din naman kami dito.

"Huwag kang papayag na may lumuhod sa harap mo na ibabang lalaki.Fvck, baka magkasala pa ko." Dinig kong sabi niya bago ako tuluyang makalabas ng kitchen.Nag-init agad ang pisngi ko.What the heck? Masyado ba talagang maikli ang palda ko? Pero ganto naman lahat ang ikli ng palda ng St.Natali.

Pumasok na ko sa kwarto niya at hinanap sa closet ang damit kong nilagay ko dito para pagkailangan ko katulad ngayon.

Isang maong short at black t-shirt ang nakita ko.Alam ko medyo marami pa kong damit dito pero tinatamad na kong maghanap.

Inayos ko ang buhok ko bago tuluyang lumabas ng bathroom.Sinampay ko na lang ang uniform ko sa loob.

Napatigil naman ako sa paglalakad ng mapansin ang bagong picture frame sa side table ni Ichiro.Umupo ako sa kama at kinuha 'to.

Kamukha niya talaga ang Mommy niya.Alam ko umalis ulit ang parents niya matapos hindi matuloy ang partnership.Sobrang busy siguro nila.Makita pa lang ang Mommy at Daddy niya sa picture nakakatakot na parang strikto.Pano pa kaya sa personal?

Isipin pa lang 'yon nanginginig na ko!

Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon