Chapter 18

1.1K 26 2
                                    


Bakit kahit pilit mong kinakalimutan ang isang tao hindi talaga maaalis sayo na maaalala mo pa rin yung mga araw na magkasama kayo. Parang kahit nasasaktan ka na patuloy ka pa ring nahuhulog sakanya. Kahit anong gawin mo sakanya pa rin ang bagsak.

"Put me down." Saad ko dahil parang wala siyang balak na ibaba ako.

"Oh, sorry." Sagot niya at tuluyan na kong binaba. Inayos ko naman ang na gusot kong uniform.

"Thanks." Sabi ko. Sapat lang para marinig niya.

"Next time be careful." Tanging tango lang ang sinagot ko sakanya at muli kong pinag-patuloy ang ginagawa kong trabaho habang nanatili naman siyang nakatayo doon. May sasabihin ba siya?

Pinilit ko siyang balewalain sa mga lumipas na minuto ngunit masyado na kong naiilang sa presensya niya.

Huminga ako ng malalim at tinigil ang ginagawa. Hinarap ko siya at naabutan kong nakatitig siya sakin. Papanuodin niya lang ba talaga ako?

"Uhm... Pwede mo na naman akong iwan dito. Dadating na rin naman kasi yung ibang mga empleyado." Saad ko ngunit nanatili siyang nakatitig sakin na parang inoobserbahan ako.

"Ichiro, sabi ko---"

"Bakit ang dali sayong itaboy ako?"  Putol niya sakin at humakbang palapit kaya napaatras ako. Gahd. Bakit kailangan pang lumapit?

"Baka lang naman kasi nabobored ka na. Hindi mo na naman kailangan pang bantayan kami di---"

"But i want to stay here. May magagawa ka ba?" Napairap ako.

"Okay fine! Edi manuod ka jan. I'm just concern." Inis kong saad at sinubukan siyang itulak para makaalis na pero napabalik pa rin ako.

"You're concern to me? Why?" Tumitig ako sa kanya na hinihintay ang aking pag-sagot. Napalunok ako at pinilit na humagilap ng mga sagot.

"B-Because you're my boss!" Right! 'Yun naman talaga!

"If im your boss. Gagawin mo lahat ng gusto ko?" Seriously? I knew it. May plano siya! I can't believe this!

"Of course, pero dito lang sa loob ng restaurant kasi pag lumabas na tayo you're no longer my boss." Nakita ko ang pag taas ng sulok ng labi niya at tumango.

"Okay. Closed the restaurant." Saad niya at lumayo na sakin habang bumalik sa counter.

"W-What?"

Tumingin ako sa glass door ng restaurant ng dumating na ang ibang mga empleyado.

"Everyone. I'm your new boss. And in a count of ten you're going to fvcking get out in this restaurant and take your day off or else you're fired. Except to you." Sabi niya sabay turo sakin. What? Ano bang pinaplano ng lalaking 'to? Sinubukan ko silang pigilan pero nataranta na ang mga empleyado at nag-mamadaling lumabas ng mag simula ng mag bilang si Ichiro.

Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya at sumimsim sa kanyang kopita habang muling naupo. Tinapik niya ang katabi niyang upuan.

"Sit here."

"Bakit naman kita susundin---"

"Because i'm your boss?"

Napairap na lang ako. Hintayin niya lang talagang matapos ang kontrata ko dito! Padabog akong naupo sa tabi niya.

Inabutan niya ako ng baso na may alak. Tinanggap ko 'yon pero pinatong ko lang din sa harap ko. I'm not going to drink!

Pinanuod ko siyang sunod-sunod na lumagok ng alak.

"Tama na nga yan. Ano bang gagawin ko dito? Papanuorin ka?" Saad ko at hinawakan ang baso niya para tigilan.

"Why? You're concern again? Because i'm your boss?" Binitawan ko ang baso at umiwas ng tingin sakanya. Bahala ka nga jan!

"Hahaha yeah, you're concern because i'm your boss. But it looks like that i'm your fvcking slave." Sabi niya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan at muling uminom. Napakagat ako sa ibabang labi ko habang pinapanuod siya. I can see in his face that he's in deep pain. At hindi ko matanggap na dahil sakin 'yon. Impossible. It's been two years. Dapat wala na, dapat ako na lang ang nasasaktan dito at nakokonsensya.

"Sa bar ka na lang dapat nag-inom." Saad ko ng mapansin na ang maraming bote na walang laman.

"Without you? Hmmm... No thanks. I'm fine here." Hindi na nagfofocus ang mata niya kaya alam kong medyo tipsy na siya.

"Tama na. Pano ka uuwi niyan?" Sabi ko at sinubukang ilayo ang mga alak.

"Don't be concern just because i'm your boss." Sagot niya at mukhang hindi na talaga mapipigilan.

"Then, because... We're f-friends." Naging mag-kaibigan din naman kami kahit papano.

"What? Friends? Are you kidding me? Fvck that friendship! We're not fvcking friends!"

Tumayo na ako dahil sa inis.

"Fine! Bahala ka jan! Mamatay ka sa alak!" Tinalikuran ko na siya at balak na sanang kunin ang mga gamit ko para makaalis na pero nagulat ako ng hilahin niya ako pabalik dahilan para mapaupo ako sa lap niya. Mahigpit niya akong niyakap sa waist.

"Don't leave... Damn it." Bulong niya at siniksik ang mukha sa leeg ko. Sobrang bilis ng pag-pintig ng puso ko na parang lalabas na sa aking dibdib habang nag-wawala na naman ang mga bwisit na paru-paro sa tyan ko.

"Damn... I miss you so much." Bulong niya at mas lalo pang humigpit ang yakap sakin.

I hate this feeling. Pano ko sisimulan ang bagong buhay kung patuloy siyang lalapit sakin? Pano magiging tahimik ang lahat kung palagi siyang nakasunod? Pero kailan nga bang pwedeng maging kami ng walang nasasaktan at hindi nag-kakagulo?

Mas gugustuhin ko pang tumakbo palayo sa lahat kung iyon ang ikakatahimik nila pero pano ko mag-tatagumpay kung may ganitong tao na patuloy na pumipigil sakin? Na patuloy na pinaparamdam sakin kung gaano ako kahalaga sa buhay niya.

Napapikit ako at dinama ang kanyang yakap. Paanong sa paglipas ng dalawang taon parang walang nangyaring pag-babago sa lahat? Bakit parang pinapadama sakin ngayon na walang kwenta ang pag-takbo ko palayo, na wala tong kwenta hangga't hindi ko hinaharap ang lahat?

Nandito na naman kami sa sitwasyon na 'to. Ito na naman ang takot ko. Ayokong mapunta sa wala ang ginawa kong pag-layo, ang ginawa kong pag-titiis. Bakit ba hindi na lang pwedeng kalimutan ang nararamdaman namin sa isa't-isa? Wala naman kasi tong kwenta kung maraming nasasaktan at hindi payag.

Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon