Chapter 19

1K 25 2
                                    



"I need to go Ichiro." Saad ko ngunit wala siyang naging sagot. Nilingon ko siya at nakita kong nakapikit na 'to.

Naramdaman ko rin ang pag-luwag ng yakap niya sakin. Tulog na? Seriously? Saan ko naman siya ihahatid? Teka, bakit ako? Aish.

Tinitigan ko siya. Mas mapayapa siyang tignan pag-tulog. Parang walang sakit na dinadala. Dahan-dahan kong hinawakan ang mukha niya. I will never forget his face. Kahit 'yun na lang.

Bigla siyang gumalaw kaya umiwas ako ng tingin at bumalik sa pwesto ko kanina. Akala ko magigising siya pero nanatili tong tulog. Tumingin ako sa wrist watch ko. Mag-gagabi na pala paniguradong magtataka si Claire kung bakit hindi ako dumaan sa coffee shop na pinapasukan niya. Napapikit ako ng madiin at nilingon muli siya.

"Ichiro..." Tawag ko dito para magising at tinapik tapik.

"Hmmm..."

"Uuwi na ko."

Wala akong nakuhang sagot kaya maingat akong tumayo at pinatong ang kanyang ulo sa counter. Kinuha ko na ang mga gamit ko at nilinis ang mga boteng wala ng laman. Napailing na lang ako. Ang dami kasing ininom. Pano siya uuwi ngayon? Haist!

"Autum..."

Natigilan ako ng tawagin niya ko. Bakit parang pamilyar sakin ang pangyayaring 'to?

"Zia..."

Sino si Zia?

"Nasaan si Ichiro?"

"Baka hinahanap si Zia."

"Iniwan siya non 2 years ago."

Napakagat ako sa ibabang labi ko at muling napaupo sa tabi niya. Para akong nanghina. Zia hurt him at ito ako sinasaktan din siya. Pano ko nagawa 'to? Bakit ngayon ko lang naalala? Naglaho rin ako ng parang bula. Iniwan siya sa ere.

"Don't leave.... Please." Nakita ko ang pagpatak ng luha galing sa mata niya.

I wiped his tears at dahan-dahan na hinagod ang kanyang buhok.

"Sorry..." Saad ko at umaasang narinig niya 'yon.

I know his in deep pain. Nakikita ko 'yon. Kung hindi lang sana ako takot. I'm scared sa kalalabasan ng lahat kung patuloy kaming malapit sa isa't-isa. All people think that Grace is his girlfriend or maybe fiancee? I know, it's my fault dahil tinago ko ang lahat simula pa lang.

Unti-unting tumulo ang luha ko ng maalala ang mga sinabi ni Dad bago ako umalis ng Pilipinas. I told him everything.

"Ichiro Wilton is my boyfriend Dad."

Natigilan siya sa pag simsim ng kanyang alak. Yumuko ako at pinaglaruan ang aking mga daliri.

"Boyfriend? Baka hindi ka na makapag focus sa study mo." Agad akong umiling.

"Hindi naman po Dad. I'm making sure na maayos ang pag-aaral k---"

"Ichiro Wilton? Your sister like him." Putol niya sakin. I knew it. This is not about my study it's about Grace.

"Alam mo ng gusto siya ng kapatid mo. Bakit mo pa sinagot?"

"I love him Dad." Agad kong nakita ang hindi pagsang-ayon sa kanya.

"Leave him and focus on your study. Hayaan mo na sakanya si Grace."

That day, nawala lahat ng pag-asa ko. Dad can't support me. Mas lalo akong napanghinaan. He can support Grace and i understand. Anak niya nga lang naman sa labas.

Tumayo na ko at sinukbit ang bag sakin. Nilingon ko ang sasakyan ni Ichiro sa labas. Hindi ko naman siya pwedeng hayaan dito. Lumapit ako sakanya at inakayan siya para makatayo.

Saan ko naman siya ihahatid? Hindi ko nga alam kung saan siya nakatira. Gahd! Hindi ko naman siya pwedeng iuwi sa bahay. Sinandal ko siya sakanyang kotse at kumuha ng konting hangin. Ang bigat grabe!

Nasaan ba susi nito? Bumaba ang tingin ko sa bulsa niya pero agad ding umiwas. No way. Wala akong balak kapain yan.

"Ichiro, give me your keys." I said at tinapik tapik siya pero no response pa rin. Aish!

Ilang minuto akong nag-isip ng paraan kung paano siya iuuwi pero sa huli nag para ako ng taxi.

"Wait a minute sir. I will just lock the restaurant." Sabi ko sa driver matapos ipasok si Ichiro sa loob.

"Oh yes, no problem." Sagot nito kaya nagmamadali akong tumakbo pabalik at sinarado na ang restaurant.

Napatingin naman ako sa kotse ni Ichiro. Bahala siyang balikan yan bukas. Nagmamadali na kong sumakay sa taxi at sinabi ang address ng aming bahay. Paniguradong magugulat si Mommy. Mapapa-explain pa ko ng wala sa oras.

Aish!

Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon