Chapter 4

1.4K 33 0
                                    


Note: Saphire Gopez on the media!

*****

"Autum!"

Mabilis ang paglalakad ko palabas ng school habang naririnig ko ang pagtawag sakin ni Zab.Hindi ko siya pinansin.

Ang gusto ko na lang ngayon ay ang umalis dito.Mabuti na lang talaga at hindi ko nakita ang ginawa ni Grace! Pero kahit na! Nag-iinit parin ang ulo ko!

Pumara ako ng taxi at sinabi ang pangalan ng hospital kung nasaan si Zera.Tumingin ako sa cellphone ko at pinanood ang sunod-sunod na pagpasok ng text messages at calls ni Ichiro.

Tinago ko 'to at hindi na nag-abalang basahin pa.Pumikit ako ng madiin.I know hindi 'to ang huli.

"Zera Natali." Sabi ko doon sa babae at agad niya naman tong hinanap.

"Room 304."

"Salamat."

Pumasok na ko sa elevator at bago pa 'to tuluyang magsara may kamay na nahumarang dito.Umatras ako.

"Kainis 'to!" Nakahinga ako ng malalim ng makitang si Zab pala.Hinihingal siyang napasandal.

"Bakit ka naman kasi tumakbo pwede ka---"

"Kasunod ko lang si Ichiro! Syempre inunahan ko na!" Putol niya sakin.

"Isa pa! Hindi ba dapat kay Grace ka magalit?" Paano ako magagalit sakanya kung hindi niya naman alam na may relasyon kami ni Ichiro? Hindi na lang ako sumagot kay Zab at hinintay na makapunta sa tamang floor.

Sakto namang lumabas ang pamilya ni Erion at Zera ng makarating kami.Kausap nila ang doctor.Ngumiti lang sakin si Tita Joan mommy ni Zera ng magkatinginan kami.

"Zera!" Tawag ni Zab ng makapasok kami.Nandoon si Erion at kausap siya.

Lumapit kami sakanya napansin ko rin na medyo pula ang mata niya.

"Congrats!" Sabi ko kay Erion at tinakip siya sa balikat.Pula rin ang kanyang mata.

"Salamat."

"Ang cute! Anong name?" Excited na tanong ni Zab.Lumapit na rin ako sa kanilang dalawa at sinilip ang baby.Zab's right!

"Achard Glen Natali-Trovich." Paos na sagot ni Zera.Mukhang kagagaling lang nila sa iyak.Tears of joy?

"Bibili lang ako ng pagkain." Singit ni Erion.Nag-usap pa sila ni Zera habang busy kami ni Zab sa baby.

"Kamukha ni Erion." Kumunot ang noo ko at tinitigan ng mabuti si baby Achard.

"Oo nga." Sang-ayon ko sakanya ng mapansin 'yon.

"Seriously? Pati kayo? Wala ba talagang nakuha sakin?" Reklamo ni Zera na mukhang narinig ang pinag-uusapan namin.Umalis na rin pala si Erion.

"Don't worry baka pag-lumaki siya." Sabi ko dahil parang iiyak na siya anytime.

"Hmp!" Tinawanan lang siya ni Zab.

"Sige Autum paasahin mo pa siya!" Umirap ako kay Zab.Kahit kailan talaga!

"Anyway! Nasaan si Ichiro?" Pareho kaming natigilan ni Zab sa tanong na 'yon ni Zera.Tumingin siya sakin.Umiwas ako at tinuon na lang 'to kay baby Achard.

"Wala bang magsasabi sakin kung ano ang nangyayari?" Dagdag niya ng walang magsalita samin.Tumikhim si Zab at nagsimula ng magkwento.Pinabayaan ko na lang.

"Ano suko ka na?" Sumimangot ako kay Zera.Tapos na kasing magkwento si Zab.

"Agad? This is my decision kailangan kong panindigan." Yeah right, kaya kung maulit man 'to alam kong ako ang may kasalanan.

"May secret relationship ka pa kasing nalalaman!" Iling iling na saad ni Zab habang kumagat sa apple.

Pinagtutulungan talaga ako ng dalawang 'to.Na sabi ko na naman ang dahilan ko sakanila kung bakit kailangan ko 'yun gawin.

"Hindi naman siguro magagalit ang Dad mo pag sinabi mo 'yon.Isa pa! Sabi mo nakilala na siya ni Ichiro." Dagdag pa ni Zab na kinailing ko.

"Sa Dad mo lang ba talaga oh dahil din kay Grace?" Lumipat naman ang tingin ko kay Zera na seryosong nakatingin sakin.Kay Grace? Bakit ko naman---

Pare-pareho kaming natigilan ng biglang may kumatok sa pinto.Tatayo na sana ako pero naunahan na ko ni Zab.Na buksan na niya ang pinto.

"Saphire?!! Oh my! You're back!" Sigaw ni Zab dahilan para mapatayo ako.Si Saphire?

"Kyaaahh!! Ikaw nga!" Tili ko at niyakap namin siyang dalawa.It's been a month!

"Can't breath..." Sabay naman kaming bumitaw ni Zab at napatawa na lang.Sorry naman na miss lang talaga namin siya.

"Ako rin payakap!" Sabi ni Zera na nakaupo lang sa kama.Lumapit naman si Saphire sakanya at niyakap din.

"Loka ka! Uuwi ka pala.Na sundo ka sana namin." Sabi ko at tumabi sakanya.

"Surprise nga eh! Sakto at naisipan kong umuwi."

"Pasalubong ko?" Biglang sabi ni Zab na nakangiti ng sobrang lawak.Binatukan naman siya ni Zera dahilan para mapasimangot siya.

"Pasalubong agad? Hindi naman siya pumunta doon para mag-gala." Sabi ni Zera at napatingin kami kay Saphire.

"Oo nga, magaling ka na?" Tanong ko sakanya habang agad siyang tumango.

"Successful ang pag-oopera sakin."

"Talaga? Waahh! Sabi na nga ba kakayanin mo yon eh."

"Salamat.Inisip ko kasing may naghihintay sakin dito sa Pilipinas." Napangiti na lang kami at muli siyang niyakap.

Natigilan naman kaming apat ng makarinig ng iyak ng bata.Oh my! Nagising si baby Achard! Sinilip namin siyang tatlo.

"Ang cute!" Sabi ni Saphire at hinawakan 'to sa kamay.

"Kamuka ni Zera." Dagdag niya pa.Agad kaming umapila ni Zab.

"At last! May nagsabi rin!" Sabi ni Zera habang binuhat si baby Achard.

"Lalaki 'to right? Anong name niya?"

"Achard." Sagot ni Zera sakanya habang tumigil na siya sa pag-iyak.

"Gutom na yata? Anong gusto mo baby?" Sabi ni Zab habang nilalapitan ng apple na kinakain niya kanina.

"Gaga 'to, gatas ng nanay ipapakain jan." Sabi ni Saphire habang pinagtatawanan namin siya.

"Zabrina talaga."

"Sorry na!"

"Hahaha!"

Bigla namang bumukas ang pinto kaya napatingin kami dito.Si Erion habang kasama na niya ang dalawa.Si Azer at Lance.

Ibig sabihin nandito na rin si Ichiro? Oh baka kanina pa siya dito at hindi lang naakyat?

"Hi girls! Oh? May dumagdag?" Sabi ni Azer habang nakatingin kay Saphire na ngayon ay may pagtataka rin sa mukha.

"Tch babaero talaga." Dinig kong bulong ni Zab na kinangiti ko.Parang may nagseselos dito? Hmm.

"Autum na sa labas pala si Ichiro hinihintay ka." Sabi ni Lance dahilan para matigilan ako.Sabi ko na nga ba.

Naramdaman ko naman ang tingin ni Zab at Zera sakin.

"Sino si Ichiro?" Bulong sakin ni Saphire.Mukha namang narinig ni Zab kaya lumapit pa siya samin.

"Naku girl! Madami kang na-miss halika kukwentuhan kita." Sabi niya at hinila na palayo si Saphire sakin.

"Kausapin mo na Autum." Napatingin ako kay Zera na mukhang nakikinig din samin.

Kahit hindi naman nila sabihin kakausapin ko parin siya.

Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon