Chapter 7

1.3K 33 2
                                    


Hindi ko na pinapasok sa loob ng village namin ang kotse ni Ichiro baka mapansin pa ni Grace.

"Bye." Bababa na sana ako pero tumigil ako at nilingon siya.Nakatingin lang siya sakin na may pag-aalala.Nilapit ko ang mukha ko sakanya at mabilis siyang hinalikan sa labi niya.

"Ingat." Dagdag ko pero hindi na siya tinignan at nagmamadali ng bumaba.

Ngumiti sakin ang guard ng mapadaan ako at tanging tango lang ang naibigay ko.Lumilipad pa kasi ang isip ko dahil sa ginawa ko.Bigla namang nag-vibrate ang phone ko kaya tumigil ako sa paglalakad.

Ichiro:

Goodnight. :)

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko para pigilan ang ngiti ko.

"Ma'am Autum?" Umangat ang tingin ko sa gate ng bahay namin at nakita doon ang katulong namin.

"Good evening po.Si Daddy?" Tanong ko habang binalik na sa bag ko ang cellphone.Pinagbuksan naman niya ako ng pinto at pinapasok.

Agad kong napansin ang pagbabago sa garden.Iba na ang mga bulaklak na nakatanim.Wala na ang paboritong puting rosas ni Mommy napalitan na ito ng pula.

Iniwas ko na lang ang tingin ko dito.Wala naman akong karapatang mag-reklamo.

Pumasok na kami sa loob at agad kong narinig ang ingay sa kitchen parang gusto ko na lang bigla na umatras.Mukhang nagsasaya na sila.

"Sir nandito na po si Ma'am Autum." Dinig kong sabi ng katulong na nauna sakin.Biglang naglaho ang tawanan.Lumunok ako bago nagpakita sakanila.

"Autum, come here." Sabi ni Daddy na ngayon ay nakangiti sakin.Pinasadahan ko ng tingin ang mag-ina.Seryoso lang ang mukha ni Tita Mich habang nakataas ang kilay ni Grace sakin.Sa buong buhay ko hindi pa ako nakaramdam ng ganitong hindi ako 'welcome' Sa mukha pa lang nila alam kong hindi na.

Lumapit ako kay Dad at hinalikan siya sa cheeks bago naupo sa gilid niya.Katapat ko na ngayon si Grace.

"Natagalan ka?" Binaling ko ang atensyon ko kay Daddy.

"Sorry po may inasikaso lang." Pinagsilbihan ako ng katulong habang ramdam ko lang ang tingin sakin ng mag-ina.

"Kamusta ang eskwela?"

"Maayos naman po---"

"Nga pala Dad! Kilala mo ba si Ichiro Wilton?" Biglang singit ni Grace kaya napatingin ako sakanya.Na kay Dad ang mga mata niya.

"Wilton? Yes, why?" Agad akong kinabahan kaya napainom ako ng tubig.Kakaiba naman ang tingin sakin ni Tita Mich.

"I like him." Halos mabuga ko ang tubig pero mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko.Talagang sinabi niya 'yon ng diretso kay Daddy? What the hell?

"Really? I want to meet him!" Excited na sabi ni Tita Mitch.Nagpatuloy na lang ako sa pagkain.Papayag kaya si Ichiro kung iimbitahan siya ni Grace?

"I already met him." Sabi ni Dad kaya umangat ang tingin ko sakanya.Yeah right, minsan ko ng dinala si Ichiro dito.

"'Yun ba yung lalaki na dinala mo dito Autum?" Tumango lang ako kay Tita Mitch.Nakita ko naman ang pag-irap ni Grace.

"Mukhang close kayo? Pwede mo ba akong ilakad sakanya? Oh kaya imbatahan ulit siya dito?" Halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko.What the heck? Hindi ko akalain na ganito siya ka-desperada.

"Busy ako." Simple kong saad at pinunasan na ng table napkin ang bibig ko.Wala na kong ganang kumain.

"Huwag ka namang madamot Autum.Kakausapin mo lang naman siya tungkol kay Grace oh kaya ipapakilala para mas lalong--" Hindi ko na pinatapos si Tita Mitch at tumayo na.

"Pasensya na pero hindi ko po talaga kaya.Excuse me." Hindi ko na sila pinagbigyan pang makapagsalita at nagmamadaling umalis ng kitchen.

Nakahinga lang ako ng malalim ng makapasok na ko sa kwarto ko.Sa lahat ng pagbabago dito sa bahay itong kwarto ko lang ang nanatiling hindi.Humiga ako sa kama ko.

Bakit kailangan pang mangyari sakin 'to? Urgh! Imposible talaga ang hinihiling nila sakin! Pero katulad nga ng sinabi ko.Wala silang alam sa relasyon namin ni Ichiro.

Kinuha ko ang cellphone ko at agad na hinanap ang pangalan niya.

Me:

Already home?

Ilang segundo akong nakatitig dito ng biglang lumabas ang pangalan niya sa screen.He's calling.Sumandal ako sa head board ng kama bago 'to sagutin.

[Are you okay?]

"Of course!" I lied.

[Hmm.Then, what happened?]

Mukhang nakahiga na rin siya sa kama niya.

"She likes you." Kinagat ko ang ibabang labi ko matapos sabihin 'yon.

[I don't care.]

Marinig 'to mula sakanya alam kong imposible talaga ang gustong mangyari ni Grace pero kahit na.Hindi rin naman ako papayag.

[Did you already eat?]

"Yup, ikaw?"

[Done.]

Humiga na ulit ako sa kama ko habang niyakap ang unan.

"What are you doing?"

[Talking to you?]

Napatawa ako.Seriously?

"Pilosopo! Anyway, baka papuntahin ka ni Grace dito."

[Why?]

"Don't know."

Gusto ko lang naman malaman niya para ready na siya.

[Okay.]

Okay? So pupunta siya? Kung ganon nga?

[What should i say? Im busy?]

Napangiti ako.Madamot na ba ko kung ayaw ko siyang papuntahin dito para kay Grace at hindi para sakin?

"Ayaw mo pumunta kung magtatanong nga siya?"

[Bakit gusto mo?]

"Hindi ko alam.Gusto niya kasing ilakad kita sakanya."

Narinig ko ang mahina niyang mura kaya napapikit na lang ako.

[Kaya mo 'to ginagawa? Gusto mo kong pumunta? Pinamimigay mo ko Autum?]

Halos marinig ko na ang sakit sa tono niya para namang sinaksak ang puso ko doon.'Yun nga ba ang ginagawa ko ngayon?

"Im sorry.Ayoko lang naman kasing...sakin manggaling na...ayaw kitang papuntahin...It's your decision..."

[And my decision is no.]

"Okay.Im sorry."

[You know im scared.Noong nakita mo si Zia mabilis mo kong binitawan and i won't let that happened again.Madali lang sayo ang umalis and it's so fvcking hard to me.]

Natahimik ako.No, hindi madali sakin 'yon.Akala ko kasi wala na talaga.

[Matagal ng nalapit sakin si Zia.She wants me back and i always ignore her because i know guilty lang siya sa pang-iiwan sakin.]

Kumunot ang noo ko.

"Pero tuwing tinatanong ko sila Azer pag nawawala ka sinasabi nilang 'baka hinahanap si Zia.'"

[Nasanay lang sila na tuwing nawawala ako 'yon ang ginagawa ko but no! Matagal na kong tumigil sa paghahanap sakanya.]

So, hinanap niya pala talaga si Zia noon.

[At sa tagaytay.Umalis ka kaagad non.Half is there too.He loves Zia.]

Halos mapaupo ako sa kama.

"Si Half? Talaga?"

[Yes.They love each other.]

"Oh my gahd!"

Gulat na gulat ako sa mga revelation ni Ichiro.Seriously? Hindi ako updated.

Hurt Then Fall (Wilton University: Girls Are Not Allowed Book Two) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon