Chapter 5

32 6 0
                                    

Chapter 5: Anastasia and Reniel

ANASTASIA'S POINT OF VIEW:

"Ganito kasi yun sis." Sabay upo namin sa sofa.

"Simula ng dumating ang seven beasts sa university na 'to bigla biglaan nagka rules dahil sa may pumupunta daw dito tuwing gabi, may gusto silang makuha dito sa university natin ka-"

"Ano yung gusto nila makuha? Gamit?" Biglaan kong sambit."

"Hindi gamit, Kundi tao."

Bakit naman tao? Ano kayang meron sa taong yun?

"Yung tao na yun student lang rin dito."

"Hindi ang seven beast?"

"HIndi sis, as in student talaga."

"Eh bakit hindi nalang sumama yung tao na yun sa naghahanap sakanya?!"

"Hindi rin naman kasi alam nung tao na yun na siya ang hinahanap. Bigla kasing nagkainterest sakanya yung sinasabing pumupunta dito tuwing gabi kapag nasa loob na tayong lahat ng dorm."

Parang konektado yung kwento ni xander sa kwento ngayon ni keira?

"Kaya yung tao na yun ay pinoprotektahan ng seven beasts, at tanging ang pito lang yung nakakaalam kung sino talaga yung ponterya ng mga yun,"

Anong kailangan nila sa tao na yun? at bigla bigla silang nagkakainterest?

"At ito pa sis.."

"Ano yun?"

"Babae ang napaginteresan ng mga gunggong."

Sino kaya yun?

"At sis, Sabi sa meeting kanina, Wag daw tayo sasama kahit kanino lalo na kapag kahinahinala sila, at naaalala mo yung katok ng seven beasts tuwing umiikot sila?"

"Oo, Anim ng mabagal at dalawang mabilis diba?"

"Tama ka, Palatandaan yun na sila ang kumakatok, Pero kapag iba na ang katok hindi sila yun. At ito oh.." May inabot siya sakin na card.

"Anong gagawin ko dito?!"

"Ididikit yan sa pinto natin sis, Para siyang sticker tanggalin mo nalang yung nasa likod para makabit, tignan mo yung harap."

9:30 pm

"Anong meron sa 9:30 pm?"

"Ibig sabihin niyan 9:30pm sila kakatkot sa pintuan natin."

"Eh paano kung hindi sila makakatok ng 9:30?"

"Sabi nila, sigurado na daw na 9:30 dahil nasubukan nadaw nila lahat yan noon palang. Diba madalas naman talaga na 9:30 sila kakatakot dyan sa pinto? Tsaka tayo rin yung una nilang kinakakot eh"

Sabagay, Nakikinig din pala 'to si keira kahit paano sa mga meeting hahaha!

"O sige, idikit mo nalang 'to, may pupuntahan lang ako."

"Saan ka pupunta? Hindi na safe sis, sabi rin kasi nila na meron narin dito sa university natin na nagmamanman."

"Hhahaha! Hindi naman ako ang hinahanap nila sis, for sure iba yun."

"Walang nakakaalam sis, tanging ang seven beasts lang."

"Believe me. It's not me, Sige na. 2pm palang naman for sure before 8 nandito na ako, ang haba haba pa nang oras eh!"

"Okay fine. Go na, mag ingat ka sis."

Nung binuksan ko na yung pinto, biglang bumungad saakin si Reniel ng Seven Beasts na mukhang seryoso at nakatingin sakin.

Ms. Suplada Meets the Seven BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon