Chapter 10

26 6 0
                                    

Chapter 10:

THIRD PERSON POINT OF VIEW:

Nandito ako ngayon kung nasaan ang seven beasts at ang mga kasama nilang babae, habang yung iba kong kasama ay nasa ibang floor.

Nakita ko si Xander na kinakausap yung si babae na kinawayan ko kanina. Gawin mo lahat ng gusto mong gawin Xander makukuha ko rin ang gusto kong mahuka, humanda kayo.

Halos naghiwahiwalay din silang lahat. Nakita ko ang mga beasts na tumakbo papunta sa elevator. Samantala yung dalawang babae ay naglakad na palayo. Mukhang dadaan ata sila sa fire exit.

"Master! Sabi po ni fourth ayos nadaw yung pagpapasigaw niya kanina sa babae dun sa taas." Biglang salita ng bata ko habang may kausap sa phone.

"Mabuti mabuti, dalhin niyo yung babae na yun sa tambayan natin, baka magsumbong yun." Sagot ko.

"Sige po!"

Xander, xander. Hindi pa tapos ang gulong ito. Oras na makahanap ako ng butas para makuha ang gusto kong makuha, talo ka na sa laban na 'to.
..

Nang makita ko ng umalis ang mga beasts at tuluyang makalayo ang mga babae at ang iba nilang kasama, minabuti ko ng sundan ang mga babaeng yun kahit may bantay. Wala naman silang maibubuga saakin manliban sa mabaho nilang hininga.

"Master! Kailangan na natin umalis!"

Wrong timing talaga palagi yung hayop na 'to kahit kelan!

"Mauna na kayo! May pupuntahan pa ako!"

"Master! Delikado! Baka madali ka nanaman nila xander!"

"Kaya ko sila." Pagmamayabang ko.

"Kaya!? Eh nagkagalos ka nga sa mukha dahil sakanila!"

"Manahimik ka! Pag sinabi kong mauna na kayo! Mauna na!"

"A-ah-ah opo opo!"

Tumakbo na siya palayo saakin kaya ako nalang ang magisa dito.

Nang sumilip ako sa labas nakita ko na ang dalawang babae pati mga kasama nila na papunta na sa kabilang building.

"Damn it! Ang bilis naman nila!"

****

Xander's Point of View:

"What kind of shit is this!?" Tanong ko sa mga kasama ko.

Wala lang man kasi kaming nakita na babae dito. Nandito kami sa floor kung saan may sumigaw kanina.

"Bro, kalma lang," pagpapakakalma saakin ni reniel.

"Paano ako kakalma!? Pumunta tayo dito sa wala!? Hinayaan pa natin sila anastasia na pumunta sa dorm ng wala tayo!"

"Xands! May kasama naman sila! Wag ka ng magalala dyan huy!" Biglang sabat ni jemuel.

"Tara na nga! Mabuti pang sundan na natin sila kesa mabaliw ka kakaisip dyan!" Sambit ni phil.

Naglalakad na kami ngayon pabalik sa elevator, pero hindi ko parin maalis sa isipan ko ang kalagayan ng dalawang babae dun lalo na si anastasia.

"Hoy mga sira! May number ba kayo ni anastasia!?" Tanong ko sakanila kahit alam kong wala naman talaga silang number nun.

"Ako, meron." Biglaang sabi ni reniel,

"Bakit may number ka niya!?" Pagtataka kong tanong sakanya.

Ako nga wala eh! Tapos siya meron?!

"Hahahah! Bro, remember nung nag meeting kanina sa conference? Pinasulat namin lahat ng number dun sa paper bago nila makuha ang time nila kung kelan tayo kakatok."

"Eh?! Kasama ko siya kanina ah?!"

"Oo nga! Bakit? Hindi ba pwedeng isulat ni keira yung number niya? Hahahaha!"

Oo nga noh? Okay okay mabuti na yung nagkakaintindihan.

***

Kanina ko pa tinatawagan 'tong suplada na ito hindi lang man sinasagot tawag ko!

"Oh bro, sayo na 'yang phone mo! Hindi naman sinasagot yung tawag eh!" Sabay hagis ko kay reniel ng phone niya.

"Siraulo ka talaga. Baka naman naglalakad padin sila, kalma kalang dyan malapit naman na tayo sa building natin."

Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni Reniel, dahil. Wala lang. Ayaw ko lang.

***
Nandito na kami sa 1st floor ng building, nakaupo ako dito sa bench. Hinayaan ko nalang na kausapin nila reniel yung mga lalaki na kasama namin.

Siguro, mabuti pa na mauna na ako sakanila. Kailangan ko munang macheck kung okay sila anastasia lalo na siya.

"Mga bro! Una na ako!" Sigaw ko sakanila, kaya tinaas naman nila mga kamay gaya ng ginawa ko.

Inilagay ko na ang mga kamay ko sa magkabila kong bulsa tsaka naglakad papunta sa elevator.

"Nakakaasar talaga yung supladang anastasia na yun! Nakitang tumatawag ako sa number niya kanina hindi naman niya sinasagot!" Nakakaasar talaga! Aish!

***
Nandito na ako sa 4th Floor. Nagsisialisan narin sa kani-kanilang mga classrooms ang mga students dito papunta sa dorm nila. Halos 6:58pm narin pala.

Asan kaya sila anastasia?

"Hi po sir Xander," bati saakin ng isang babae na nakasalamin. Nerd ata siya.

"Hello." Bati ko sakanya at nginitian niya ako sabay alis din agad.

Siguro mas magiging okay ang lahat kung pati sa kabilang building eh matutuunan rin ng pansin.

And this SB UNIVERSITY, magiging maayos na ulit 'to. Humanda saakin ang Thunder na yan. Makikita nila ang bangis ng seven beasts.

Ms. Suplada Meets the Seven BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon