Chapter 4: ICE CREAM
ANASTASIA'S POINT OF VIEW:
"Bago kalang dito?" Tanong ko sakanya habang siya'y parang hindi mapakali tingin kasi ng tingin sa paligid eh, wala namang mga tao dito.
"Oo, Sige na aalis na ko kita tayo bukas dito ha? 11:20 sharp. Bye"
"Wait Teka!" tuloy tuloy parin siyang naglakad at hindi na pinansin pa yung sinabi ko. Langya yun ah?!
Hmpf! Makapunta na nga lang ng Rest Room.
Habang naglalakad ako pakiramdam ko merong nakasunod saakin, pero nung nilingon ko naman, wala akong nakita kundi isang janitor lang na naglilinis na biglang nagkatamaan yung tingin namin at bigla niya akong nginitian. Isang ngiting hindi normal kundi parang isang traydor na ngiti.
Ang weird. Ang pagkakaalala ko si kuya teng ang naglilinis dyan lagi, sino kaya siya? Bagong maintenance dito?
"Bestiiieee!"
"AHHH!" Bigla akong napasigaw dahil bigla ba naman akong hinawakan sa balikat habang pinagmamasdan ko yung janitor.
"Bestie bestie!" Inalis ko na ang tingin ko sa janitor na yun at sabay lingon ko kay keira. "A-ano yun?" Sabi ko habang lumingon ulit ako sa likod ko.
"Sino tinitignan mo dyan?" Tanong niyang halatang nagtataka. "Ah a-ano wala." sabi ko habang nakangiti sakanya ng pilit.
"Wala ka dyan! Tara na nga! Baka gutom lang yan sis." Hindi na ako umimik pa at hinayaan ko nalang na hilahin ako ni keira.
Nakakapagtaka bakit ganun kabilis na nawala yung janitor na yun?
Kilala ko ba siya? O kilala niya ba ako? Ano kaya? Tapos kanina naman gusto pa makipagkita saakin nung raz na 'yon bukas. Bakit kaya?
***
"Sis ano gusto mong kainin?" Tanong sakin ni keira habang nakaupo kami sa canteen.
"Uhm.. Ice cream nalang sis."
"What!? Sis ayaw mong mag rice? Libre ko nalang"
"Ice cream nalang," sabay tingin ko sakanya. "Are you sure? May tocino dun oh!" Sabi niya habang nginunguso yung mga pagkain sa harap namin.
"Ice Cream lang nga diba?" Sabay sinamaan ko siya ng tingin.
"Ok ok! Chill!" Sabay alis niya.
Lingon lang ako ng lingon dito sa paligid, nagbabaka sakaling makita yung janitor kanina pero nabigo ako dahil wala siya rito.
"Arggh! Ano bang meron dun!?" Masasayang beauty ko dun jusko!
"Nababaliw kana ba?" Tanong saakin ng kung sinong nilalang na 'to, ng marinig kong umusod yung upuan na nasa tabi ko.
"Ikaw na nanaman!?" Sigaw ko sakanya.
"Ah.. Yes! It's me again! Any problem Ms. Suplada?"
"May kasalanan kapa saakin kaya umalis ka dyan sa inuupuan mo ngayon na!"
"Okay so tatayo nang ako" umalis siya sa pagkaupo niya at tumayo bigla.
"Alis dyan!"
"Eh sa kung ayoko?"
"Eh sa kung gusto ko!?"
Bigla niyang nilapit yung mukha niya saaking habang ako nakaupo at siya naman ay nakatayo at sinabing.
"Kiss muna bago ako umalis" sabay kindat.
"ANO BA!" Sabay tulak ko sa mukha ng xander na 'to palayo sa mukha ko.
"Xander ano na nanaman ba 'yang ginagawa mo?"
Napatingin kaming dalawa bigla sa gilid namin dahil sa biglaang may sumusulpot.
"Ito kasi si Ms. Suplada eh"
"Ms. Suplada? Siya yung kaila-"
"kai-kaila-la-Kailangan kong iwasan!" Biglng sulpot naman neto ni Xander.
"Ha?! Iwasan!?" Pagtatakang sagot ng jemuel nga ba? kung hindi ako nagkakamali.
Iwasan?! Pero bigla biglang susulpot, Sira pala siya eh!
"Je, Alam mo tara na at magluto dun sa cooking room!" Sabay lapit niya kay jemuel at inakbayan. "Ikaw . ." biglang turo sakin.
"OH ANO NANAMAN!?" Sabay pinandilatan ko siya ng mata.
"Wala, bye!"
Hindi ko na siya pinansin pa dahil parating narin yung babaeng may hawak ng tray na si Keira.
"Sis oh, Ice cream mo" Kinuha ko na agad yung ice cream dahil baka malusaw. "Thanks" Pagpapasalamat ko.
Tahimik lang kami kumakain dito ni keira habang ako ay pinagmamasdan ko ang mga tao dito sa canteen, yung iba naman naiwas ng tingin kapag tinitignan ko pero may isang tao na nakaagaw ng pansin sa akin.
Bakit nila ako pinipicturan!? Anong meron?!
Nung tinignan ko ng maigi yung dalawang lalaki na kinukuhanan ako ng picture, Kung hindi ako nagkakamali siya yung janitor na nakita ko kanina pero iba na ang kanyang suot, naka black na t-shirt at maong pants at naka white na shoes, at yung kasama niya naman ay naka red naka maong pants at white shoes din. Anong meron at kinukuhanan nila ako ng litrato?
"Huy sis! Tara na!"
"Ay! oh? Ano yun?"
"Sabi ko tara na, Kanina pa kita tinatawag hindi mo ko pinapansin! Sino ba tinitignan mo dyan?"
"Ah wala, tara tara"
Hinila ko na siya palabas dito sa canteen na 'to para pumunta na sa dorm namin.
Habang naglalakad dito sa corridor, hindi ko maiwasan na mapatingin sa likod dahil baka mamaya may nakasunod na nanaman pero nabigo ako at wala.
"Alam mo naba yung inannounce kanina nung mga beasts sa conference room?"
"Huh? Hindi pa, diba kasama ko yung si xander?"
"Ay ! OO NGA PALA! HAHAHAHA!"
"Oh bakit ano inannounce kanina?" Pagiiba ko ng topic.
Tumingin muna siya sa paligid bago magsimulang mag salita ulit.
"Mabuti pa sa dorm nalang tayo mag usap."
"Bakit hindi pa ngayon!? eh wala naman tao"
"That's what you think, pero meron."
Tinignan ko naman yung paligid pero wala, halos kaming dalawa nga lang ang nandito!
"Wala oh! Tayong dalawa nga lang"
"Shh, Just be quiet sis. This is not a safe place to talk about those things,"
Ang Creepy. Nanatili nalang akong tahimik hanggang sa makarating na kami dito sa tapat ng dorm namin.
"Maswerte tayo at nasa tapat ng dorm natin ang dorm ng pito na yun" Sabay bukas niya ng pinto na nilock niya agad pagkapasok namin.
Anong swerte dun eh di hamak na epal yung xander na yun. PSH!
"Okay so now, tell me."
"Ganito kasi yun sis."
BINABASA MO ANG
Ms. Suplada Meets the Seven Beasts
Mystery / ThrillerMs. Anastasia's Message: Gusto niyo akong makilala? Hahahah! Sure no problem. Basahin niyo ang story na 'to kung paano nagsimula ang lahat simula ng dumating sa SB UNIVERSITY , Ang Seven Beast nas 'to. Enjoy :)