Chapter 30:
Anastasia's Point of View:
Ano ba problema neto ni xander!? Nakakaasar naman kasi eh! Tapos narin naman yung meeting niya sa section namin pero ayaw niya padin ibalik ang phone ko!
Naghihintay tuloy ako dito sa Office niya dito sa may kabilang building na Katabi lang rin ng office ni Ma'am sanchez.
Mayamaya biglaang may kumatok sa pinto at binuksan din agad.
*TOK*TOK*
"Sir xa- Uhm.. Miss? Saan si sir xander? And what are you doing here?"
Sino ba 'tong epal na nagtatanong pa saakin kung anong ginagawa ko dito?
Nilingon ko siya ng mala gorgeous Version ko, At laking gulat ko dahil si Ms. Espasol lang pala.
"ANONG GINAGAWA MO DITO!?" Pag-uulit niya ng tanong na pasigaw,
"Isn't it obvious na nakaupo ako dito?"
"Excuse me? Alam ba ni sir xander yan ha?!"
"Papasok ba ako dito kung hindi niya alam?" Pamimilosopo ko.
"WHATEVER!" Sabay dabog niyang pagsara sa pinto.
"Hays. Funny Creature." Sabi ko nung pagkasara niya ng pinto.
"XANDER ANG TAGAL TAGAL MO NAMAN EH!"
Humiga nalang ako dito sa sofa ng office ni xander habang naghihintay sa kanya.
Sa totoo lang ang sakit ng ulo ko eh. Gawa siguro nung kakaisip ko kagabi sa nangyaring pag amin ni xander na siya si radz. Pero bakit ganun? Parang hindi padin ako makapaniwala? Parang nasa isang panaginip parin ako?
Mabuti pang matulog nalang ako dito baka mga limang oras pa bago dumating yung grumpy cat nayun!
*****
XANDER'S POINT OF VIEW:
Nandito ako sa Dark Room ngayon tinitignan ko lang sa mga monitor kung wala nabang nasa labas. Baka kasi mamaya may
nag sisigala na nanaman dito. Dapat pala pinaalala ko sa mga beasts na sabihin sa mga hinahandle nila na hindi park ang university na 'to para mag libot sila."Mabuti naman at wala," Aniko.
Mukhang natakot sila sa mga sinabi namin kanina tungkol sa grupong thunder. Mabuti pa sigurong puntahan ko na si anastasia dun sa office ko para makapagusap na kami agad.
Lumabas na ako agad ng Dark Room tapos nag elevator narin agad papunta sa First Floor.
Habang nasa loob ako ng elevator naghihintay na makarating ako sa First Floor, Naramdaman ko biglang nag vibrate ang phone ni anastasia, kaya kinuha ko agad ito.
Baby Calling...
"WHAT! KAYA PALA BUSY SIYA KAKATEXT MAY BOYFRIEND NA PALA EH!"
Tsk! Tutal naman nasaakin phone niya, mabuti pang sagutin ko nalang 'to, ang salbahe ko naman kung hindi ko sasagutin diba? HEHE! *insert evil grin*
"Hello," Swabe kong sagot sa tawag ng kung sino mang daga ang kausap ko.
[Uhm.. Hello?]
Teka? Bakit babae?! Tomboy ba 'to si anastasia?
"Who's This?"
[This is Jen, Anastasia's Bestfriend. Sino kaba? Bakit nasayo phone niya!?]
Kinuha ko bestfriend mo, itatakas ko siya sa mundong ito at dadalhin sa planetang mars. Joke ahhahah! Gusto ko man sabihin yan pero wag nalang.
BINABASA MO ANG
Ms. Suplada Meets the Seven Beasts
Mystery / ThrillerMs. Anastasia's Message: Gusto niyo akong makilala? Hahahah! Sure no problem. Basahin niyo ang story na 'to kung paano nagsimula ang lahat simula ng dumating sa SB UNIVERSITY , Ang Seven Beast nas 'to. Enjoy :)