Chapter 13

30 7 0
                                    

Chapter 13:

ANASTASIA'S POINT OF VIEW:

Kinuha ko yung jacket ko na makapal dahil siguradong malamig pag lumabas ako. Sana hindi magising si sis paglabas ko, mamaya maalipungatan pa yun eh ahahah!

Nung bubuksan ko na yung pinto sumilip muna ako bago kong buksan ng malaki ang pinto. Wala naman tao so kerry ko 'to.

Isang Malamig na hangin ang bumungad saakin nung pagkabukas ko ng pinto. Patay na lahat ng ilaw sa labas ng hall way namin. Kahit nakakatakot mas pinili kong magpahangin dito, Kung ako man ang hinahanap ng mga lalaki na yun hindi ako natatakot. Haharapin ko sila, kahit gaano man sila karami.

"Alam ko ang kasupladahan ko ay walang mapapala sa mga yun. Pero ang lakas ng loob ko ang makakatulong saakin." Isang malaking ngiti ang gumuhit saaking mga labi habang nakaupo ako sa bench dito sa labas ng dorm namin, dahil hindi ko inaasahan na masasabi ko yan.

Lakad lakad na muna kaya ako? Gusto kong pumunta ng garden. Nakakamiss yung mga halaman ni daddy sa bahay syempre pati sila miss ko. Feeling ko naiiyak ako dito hahaha! 

Bago pa tumulo ang luha ko mabuti pang i-lock ko na yung pinto namin at pumunta sa garden ngayon kahit mag isa lang ako. 

Naglakad na ako ngayon habang sinuot ko yung hood ng jacket ko, dala ko naman phone ko eh kaya in case of emergency matatawagan ko rin sila.

**

10mins. Narin akong naglalakad dito. Ang dilim kasi, aaminin ko medyo nakakatakot din dahil kanina pa ako nakakaramdam na may sumusunod saakin, paano ba naman nalaglag yung takip ng trashcan dun kanina pero nung nilingon ko naman walang tao dun. Manliban nalang kung may nagtago, Well Good Luck nalang sakanya.

after 2 minutes nandito narin ako sa wakas! Nung binuksan ko naman yung gate ng Garden dito, Wala rin na kasi sinong tao kundi ako lang. 

Umupo ako sa Bench at binuksan ko ang phone ko habang ang hood ko suot suot ko padin.

"Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras?" 

"AHH!" Napatalon ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat sa taong bigla biglaang nag salita sa may Likod ko. "IKAW LANG PALA!!! BAKIT KA NANG GUGULAT!" Walanghiyang xander to! 

"Kasalanan ko pa ba na nagulat ka ha?" Wow ang cold ata ng boses niya ngayon? Anyare?

"Oo, Kung hindi ka naman nagsalita dyan bigla hindi ako magugulat." Sagot ko sakanya na Cold narin gaya ng sagot niya kanina.

"Umupo kana nga dito, Hindi ka naman tatangkad kahit tumayo kapa dyan." Tinap niya yung bench na inuupuan niya ngayon kaya umupo nalang rin ako. "GOOD DOG," Sabay tap niya sa ulo ko.

"ANO BAYAN! ANONG GOOD DOG!,"

"Ay sorry! Paano nga pala magiging Good Dog eh hindi ka nga sumusunod sa RULES!"

"Hindi naman siguro masama na lumabas dito dibaaa? Eh wala rin namang tao!"

"Kahit na! Rules are rules!"

"Fine! Gusto ko lang naman mag pahangin eh,"

"Edi tumapat ka sa electric fan niyo dun sa dorm o kaya mag aircon ka!"

"Fresh Air po ibig sabihin ko! Mr. Pilosopo,"

"HEY! HEY! DON'T CALL ME MR. PILOSOPO!" Nakakatawa yung pagmumukha niya ngayon nung sinabi niya yung hey hey ! HAHAHAH!

"Hahhhaha! okay edi wag! Dun kana nga istorbo ka talaga kahit kelan eh," Ibinalik ko na yung hood ng jacket ko sa ulo ko dahil sa natanggal kanina nung ginulat ako ng epal na 'to kanina.

"Napaka naman! Ikaw na nga sinasamahan ko eh ayaw pa!" 

"Eh hindi ko naman kasi kailangan ng kasama!"

"Edi wag! alis na ako  bye!"

"BYE!" 

Anong akala niya pipigilan ko siya pag umalis siya? Hindi no! Gusto ko muna ng Peaceful na moment. Mabuti pang mag cellphone nalang ako dito.

Xander's Point Of View:

"Hahhhaha! okay edi wag! Dun kana nga istorbo ka talaga kahit kelan eh," sabi niya saakin habang ibinabalik niya ang hood niya na kaninang natanggal.

"Napaka naman! Ikaw na nga sinasamahan ko eh ayaw pa!" Pagmamaktol ko sakanya.

"Eh hindi ko naman kasi kailangan ng kasama!"

"Edi wag! alis na ako bye!"

"BYE!" 

Akala niya aalis ako? Hindi noh! Kailangan ko siyang bantayan dito kahit masama sa kalooban ko. Joke! Mabuti pa na magtago muna ako sa halaman dito.

Kanina ko pa siya sinusundan simula nung nandun pala siya sa labas ng dorm nila nakaupo sa bench. Yung mga kaibigan ko nag si iikot na dun at kumakatok sa mga dorms, hindi na ako sumama kasi tinatamad ako. Eh sakto naman kanina nung lalabas ako narinig kong may bumukas na pinto sa tapat ng dorm namin kaya ayun, pinanood ko lang siya hanggang sa umalis siya dun. 

Nung umalis na siya dun ko na naisipan na sunda ko ang suplada na 'to. 

***

Habang tinitignan ko siya dito. Nagulat nalang ako ng biglang umilaw ang phone ko at may tumatawag saakin na ang pangalan ay Ipashem.

Sasagutin ko ba o hindi? Huhu! Patay ako ditoo! Tumakbo ako palayo para masagot ko yung tawag ni ipashem at naghanap ng puno na pwedeng mapagtaguan at yung matatanaw ko pa dito si anastasia.

"Hello Ipashem!"

[HOY IKAW BAKLANG BALYENA KA! KELAN MO BA AKO BALAK TAWAGAN HA!]

"Sorry na po ipashem! Busy lang talaga ako, Asan ka?"

[Dito nakaupo sa labas, bored na bored na ako eh.]

"Gusto mo punta ako dyan? Akyat ako sa gate niyo? AHHAHAA"

[Wow ha! Feeling mo pusa ka sa lagay na yun? Para kang magnanakaw nun HAHAHA!]

"Naman! Hahah! Alam mo mabuti pang matulog kana. Mamaya may mumu ka pa makita dyan sige ka!"

[ANO BA NAMAN YAN EH! SIGE NA NGA BYEEE! TULOG KANADIN NIGHTY!]

"Hahahha! Goodnight Ipashem. Sweetdreams,"

"Sweetdreams,"

Nung binaba ko na yung phone. Nakita ko ng tumayo si anastasia sa bench na inuupuan niya kaya agad agad akong sumunod sakanya pero hinintay ko na muna siyang makalayo bago ako sumunod dahil paniguradong bubungangaan na nanaman ako niya.

*****


Ms. Suplada Meets the Seven BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon