Chapter 9

25 5 0
                                    

Chapter 9:

Xander's Point of View:

Naglalakad kami ngayon na para bang wala kaming nararamdman na nakasilip sa bawat bintana ng kwarto na nadadaanan namin.

"PST!!!!" Rinig kong sumitsit sa bandang likod naming lahat.

"Walang lilingon, bilisan niyo lakad niyo." Sabi ko sakanila ng seryoso.

Hindi ko maalis sa sarili ko ang kaba. Dahilan sa nagulat ako sa nakita ko kanina na kumakaway sa bintana. Dinaig pa niya ang multo.

"Xander natatakot na ako," mahinang sabi ni anastasia.

"Humawak ka lang sa kamay ko,"

Inilagay ko yung kamay ko sa bandang likod ko para mahawakan niya. At halatang takot na takot siya dahil sa nanlalamig ang kanyang mga kamay.

"AHHHHHHHH!!!!!!" Natigilan kami sa narinig namin na sigaw sa taas na floor.

"Hindi na maganda 'to, xander mabuti pang tumakbo na tayo."

"Sige. Tara na, anastasia tatakbo tayo humawak kalang ng maigi."

Tumango lang siya at tinanguan ko lang rin siya.

"Tara na!"

Tumakbo na kaming lahat hanggang sa hindi kalayuan nakita ko yung mga lalaki na pinatawag ko kanina sa conference room na halos tumatakbo papunta saamin.

"Sir xander!" Tawag saakin ng isa na nangunguna sa mga kasama niya.

"Ano yun? Bakit pa kayo nandito?!"

"Sir ihahatid namin kayo sa kabilang building!"

"Kaya na namin 'to sige na balik na kayo sa drom niyo. Excuse us," naramdaman ko na hiwakan niya ang kanang braso ko, kaya tinignan ko siya.

"Sir xander. Wag kayong magalala saamin. Tara na po," tumango nalang ako sakanya dahil parang may something sa tao na 'to. "Pwesto na kayo dun sa likod yung iba mauna na."

"Yes boss!" Pagsangayon sakanya ng iba niyang kasama at pumwesto narin ang iba sa likod at sa harap at siya naman dito sa likod namin ni anastasia na katabi ko na.

"Lakad" nung pagkasabi niya ng lakad nag snap siya ng tatlong beses, laking gulat ko at naglakad silang lahat kaya sumabay nalang kami.

Reniel's Point of View:

Hindi ko maiwasan na matuwa sa mga lalaking nasa likod at harap namin ngayon. Kakaiba sila, kung hindi ako nagkakamali sila yung mga lalaking nasa conference room kanina. Parang gusto ko tuloy sila makilala, lalo na yung lalaki na nag snap kanina ng tatlong beses tapos naglakad na agad mga kasama niya kaya pati kami napalakad din.

10mins. Narin kaming naglalakad dito. Buti nalang kamo at hindi ko nakikita dito yung kaninang kumakaway kay anastasia.

kung pagmamasdan ang paligid. Tahimik at patay na ang mga ilaw sa bawat classroom na nadadaanan namin. Pero may isang kwarto kaming nadaanan na nagpatigil saakin sa paglalakad pati narin yung mga nasa likod ko.

"Teka lang," sabi ko sa mga masa likod ko.

Sumilip ako sa bintana ng classroom na bukas lang ang ilaw sa harapan nito.

Nung tinignan kong maigi ang harapan, may nakita akong lalaki na nakaupo sa sahig at nag la-laptop. Lalaki siyang nakasuot ng black t-shirt, nakapants at white shoes. Sino siya!? Student ba siya dito?!

"Sir reniel, tara na po."

"Papasok muna ako dito sa room na 'to mauna na kayo."

"Sir reniel, hindi po pwede. Malayo layo narin sila oh." Sabay turo ng lalaking 'to sa mga kasama namin na papalayo na.

"Sh*t naman. Tara na nga!"

Tumakbo na ako papunta sakanila at pati rin yung kausap ko kanina at ang mga kasama niya.

***

Keira's Point of View:

"Sammmyyyyyy" bulong ko kay sam na kanina pa lingon ng lingon kung saan saan.

"Ohh? Wag kang maingay!"

"Ihhh! Gusto ko ng mag cr!" Ihing ihi na kasi ako, mahirap na magpigil baka tuluyan ng kumawala 'to!

"Pigilan mo muna! Malapit na tayo sa building natin!"

Nag pout nalang ako dahil wala rin akong magagawa dahil delikado rin.

Nanatili nalang ako tahimik at naglakad. Nakakatakot dito ang dilim na , feeling ko lagpas na ng 6 pm ihhh! I'm really scared na talagaaa! Superhero where are youuuuu!

"HA HA HA HA !!!"

"Tulonnggggggg!!!!!"

"Walang makakarinig sayo dito! Oh kung meron man! Hindi karin nila matutulungan! Dahil duwag lahat ang nandito! HAHAHHAH!"

"Nagkakamali ka! Ma-maghi-hintay kalang! Darating sila!!!"

Mukhang galing sa taas yun ah?! Sino kaya yung lalaki na creepy ang boses?! Bakit ba naging ganito ang university na 'to!? Dati naman walang ganitong nangyayati dito ah.

"TIGIL!" Rinig kong sigaw sa may bandang harap namin na sa tingin ko'y si xander ang sumigaw.

"Kayong mga boys. Pumili kayo ng isasama sa dalawang babae namin dito. At ang kalahati naman ang ang sasama saamin na haharapin ang mga g*g0ng nakapasok sa university na 'to! MOVE!" Dugtong niya.


Ms. Suplada Meets the Seven BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon