CHAPTER 7

24 5 0
                                    

Chapter 7: Conference Room

ANASTASIA'S POINT OF VIEW:

"MAKA GIRLFRIEND WAGAS AH!" sigaw ko sakanya habang siya dirediretso lang ang lakad.

"HOY!" Muli kong sigaw sakanya.

"HOY! DI MO BA AKO PAPANSININ!?"

Bigla siyang tumigil sa lakad niya at hinarap ako. 

"Pwede ba Anastasia? This is not the right time para magbangayan. Mabuti pa na manahimik ka na muna. At sinabi ko lang yun kasi may gusto saakin yung mukhang espasol na yun." Sabay lakad niya ulit.

Alam niya rin pala na mukhang espasol yun? ahahah! Akala ko ako lang ang malinaw na mata saamin, siya rin pala.

"Eh bakit ganyan ka!? Parang ang suplado mo ata!?" Totoo naman diba?! Bigla biglang nag mu-mood swing ang loko.

Tumigil ulit siya sa pag lalakad kaya naumpog ako sa likod niya, bwiset na yan!

"Ganito kasi yan!" Humarap siya sakin sabay hawak sa dalawang balikat ko, "Nagugutom na kasi ako,"

Binigyan ko siya ng napaka lakas na batok, "GUTOM KALANG PALA!!" Sigaw ko sakanya.

"Kaya tara!samahan mo ko sa canteen!" Bigla niya akong hinila habang tumatakbo papunta sa canteen.

Hindi na ako nagreklamo pa dahil gusto ko rin mag ice cream hehe!
***

Nandito palang kami sa canteen ng building na 'to hindi ko rin maintindihan si xander kung bakit mas pinili niya pang kumain muna kesa pumunta na dun sa conference.

Natawagan ko narin si keira na pupunta sila sa conference room at susunduin siya nila reniel dun.

"Hindi kaba talaga kakain ng rice?" Biglang tanong sakin ni Xander.

"Hindi nga, Ok na ako dito sa ice cream."

Ice cream na nanaman kasi ang kinakain ko eh habang siya kanin at gulay.

Vegetarian ba 'to?

"Nag dadiet kaba o nagpapaka kalansay dyan?" Loko to ah!? kalansay daw nag ice cream lang eh!

"Maka kalansay ka naman!"

"Tignan mo kasi katawan mo, malapit ka ng magkasya sa tubo."

"OA HA!"

"Hahahaha! Biro lang."

Hindi na ako sumagot pa dahil mas pipiliin ko nalang ubusin ang ice cream ko kesa maubos ang pasensya ko sa tao na 'to.

"Oh tara na, tapos na ako kumain."

"Hindi pa ako tapos!" Singhal ko.

"Anong hindi!? Pati ba stick kakainin mo!?"

"Hindi! Sinisimot ko lang eh! Masama ba?!"

"Tara na nga!" Kinuha niya yung stick ng ice cream na sinusimot ko at itinapon sa trash can na malapit saamin.

"Bastos to! Sinisimot ko pa eh!"

"Tara na!" Hinila niya ako patayo pero umupo ulit ako.

"Eh! Ice cream ko tinapon mo!" Pagmamaktol ko.

"Wala na yun ah!?"

"Meron pa yun sa stickkk!" Sagot ko.

Hindi ko alam kung bakit ice cream ang trip kong kainin ngayon. Huhuhu!

"Aish! Tara bilhan kita"

OHH MY BEAST! BIBILHAN NIYA KO!? HEHE!

"SURE!"

Ms. Suplada Meets the Seven BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon