Chapter 21: She's Mine.
ANASTASIA'S POINT OF VIEW:
"Anytime pwede siyang pumasok sa pintuan na yan. Ngayong alam mo na na ikaw ang habol nila, kaya niyang pumatay basta makuha ka lang,"
"Anong ibig sabihin mo xander?!"
"Kayang kaya niya akong patayin anastasia, basta makuha ka lang niya,"
"SO PAPAYAG KA NAMANG PATAYIN NIYA HA!?"
"Kung para sayo naman bakit hindi."
Binigyan ko siya ng malakas na batok
*bugsh*
"Aray naman! Biro lang! Eh hindi naman ako kayang patayin ng ugok na yan eh!'
"Yabang mo talaga!"
Maya maya, bigla ng nagbukas yung pinto ng malakas at isang lalaking naka maskara ang bigla biglang pumasok dito.
Nanatili lang kaming nakatayo ni xander dito sa pwesto namin. Habang yung lalaki na naka maskara ay bakatingin lang saaming dalawa at may hawak na baseball vat na may nakasulat na thunder.
"Musta, aking pinakamamahal na kaibigan." Panimula nitong sabi.
"Patawa kaba? Walang akong kaibigan na katulad mo," sambit ni xander na nasa harap ko at hawak hawak padin ng mahigpit ang kamay ko.
"Hahaha! Napaka bitter mo talaga saakin Radz."
Sandaling napigil ang hininga ko sa narinig ko, nung naramdaman ko lang mas humigpit ang hawak ni xander sa kamay ko tsaka ako nakahinga ulit ng maayos.
Siya ba si radz?
Siya ba?
O sinadya lang talaga na yun ang tinawag sakanya?
Paano kung siya nga!? Narinig ko kasi kanina na may tumawag kay radz ng xander. Posible kayang siya?!
"Bitter your face, magpasalamat ka at may babae dito kung wala kanina pa nagalusan mukha mo dyan."
"HAHAHHA! Kahit galusan 'to gwapo parin ako."
"HAHAHAHAHAHAHA ! BEST JOKE EVER MR. THUNDER!"
Wala akong narinig na kahit anong salita galing sa kaaway ni xander na nakamaskara. Nung sinilip ko naman ito habang nasa likod ako ni xander. Nakita kong hinahampas niya ng mahina yung baseball bat na hawak niya at sa tingin ko ibabato niya ito.
"ILAG!!!" Sigaw ni xander.
*BOOGGSHHH*
Isang malakas na tunog ang narinig ko simula nung dumapa kami ni xander. Nung sumilip ako sa lugar kung saan nagmula ang ingay nakita ko ang baseball bat. Na may nakasulat na..
She's Mine.
Tumayo na ako agad sa pagkadapa namin ni xander habang ganun din ang ginagawa niya.
Nung binalik namin ang tingin namin sa lugar kung nasaan kanina ang lalaking nakamaskara. Wala na siya.
Pinulot ni xander ang baseball vat na nasa harap namin at ipinakita saakin ang isang bahagi nito na may tatak na thunder na tigkalahating kulay ay black at red.
"Ano meron dyan?" Tanong ko sakanya na nakakunot noo.
"Oras na may makita kang tao na may suot na kwintas at may thunder tapos ganyan ang kulay ibig sabihin miyembro yan ng grupo ni thunder."
"Okay," malamig kong sagot. "Sige na alis na ako." Dugtong ko.
"Teka!" Sabay hawak niya sa braso ko.
"Ano yun?"
"Ihahatid na kita."
"Wag na kaya ko sarili ko."
"Kaya mo? Sigurado ka?"
Hindi ko na siya pinansin at kinausap pa naglakad nalang ako palabas ng conference at nag dirediretso ng lakad pabalik sa dorm namin.
Gusto ko man itanong sakanya kung siya ba yung si radz. Pero wag muna siguro, hindi pa 'to ang tamang panahon sa mga ganong klase na bagay.
Para akong naiiyak ngayon. Kung siya man talaga si radz. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sakanya. Destiny naba 'to? Fate? Ano?
Ilang taon narin kaming magkakilala ni radz hindi ko lang man nakita mukha niya. Dati nagkagusto ako sakanya kaso pinigilan ko ang nararamdaman ko.
Imposible naman kasi na magustuhan niya ako nung mga panahon na yun. Almost 4 years narin pala kami magkakilala. Nung nagka boyfriend ako nawalan kami ng communication dahil busy narin ako nun at may boyfriend ako.
2017 na ngayon. Last May ng 2016 kami muli nagkausap ni radz dahil nag open ako sakanya about sa nasaktan ako sa ginawang pangloloko saakin ng boyfriend ko i mean EX BOYFRIEND.
Aaminin ko. Nung nag june na nalungkot ako dahil babalik na ako ulit dito sa Sb University at hindi ko na makakachat at makakalaro si radz.
Pero kung si radz man at si xander ay iisa. Ewan ko. Iiyak ako? Matataranta? Magsisi na inaaway ko siya? Ewan.
Pero sa ngayon. Isa lang ang tanging laman ng puso ko.
Si radz ang tanging lalaki na pinakamamahal ko. Iba siya sa lahat. Oo mahal ko na siya. Kaso mahal ba niya ako? Gusto niya ba ako? Wala lang man siyang naging girlfriend dahil may hinihintay daw siya.
Sana ako nalang radz...
Ako nalang sana..
Hindi ko namalayan nandito na pala ako sa tapat ng dorm namin.
Lakas ng tama ko kay radz. Mapapabugtong hininga ka nalang talaga.
Binuksan ko na ang pinto at pumasok. Agad naman bumungad saakin si sis na nakaupo sa sofa nanonood ng tv.
"Hey sis! Tagal mo ah!"
"May ginawa lang. Tulog muna ako,"
"Okay kalang sis!? Parang ang tamlay mo!?"
"Nah! Okay lang ako, tuloy mo na panonood mo dyan."
"Sige. Sleepwell sis."
Dumiretso na ako agad sa kwarto sabay sara ng pinto at nahiga sa kama.
Tinignan ko muna ang phone ko at sakto naman ay tumatawag si radz.
Calling Grumpy Cat...
"Hello radz the grumpy cat,"
[Hello ipashem! How's your day?]
"Mm.. Ayos lang. May tanong ako grumpy,"
[Sure! Ano ba yun?]
Habang pinapakinggan ko boses niya, medyo magkahawig talaga sila ng boses ni xander. Diba pwede naman mag iba ang boses ng tao kapag nasa personal na or phone?
[Hello?]
"Ay! Hehe!"
[Ano tanong mo ipashem?]
"Kamusta na yung babaeng hinihintay mo?"
[Ah.. siya ba? Ayos lang, a-ano b-busy nga siya eh. Kasi ano kan-kanina pumunta ako sa school niya dinalan ko siya ng pagka-]
"Hey! Stop! Tinanong ko lang kung kamusta na ang hinihintay mo, and that's all."
[A-sorry po ipashem. Are you mad?]
"No! Hahaha! I'm so happy for the both of you at nakakasama mo na siya kahit papaano."
[Ah- ipash-]
"And yeh! Matutulog muna ako. Sama ng pakiramdam ko. Bye."
[Bye. Pagaling ka ha?]
"I will."
Binaba ko na agad ang tawag pagkatapos kong magsalita.
Ayoko ng marinig pa ang boses niya hanggat mahal ko pa siya. I better stop this sh*t feelings before it's too late. August palang naman ngayon. Hindi pa naman huli ang lahat.
Makatulog na nga lang.
BINABASA MO ANG
Ms. Suplada Meets the Seven Beasts
Mystery / ThrillerMs. Anastasia's Message: Gusto niyo akong makilala? Hahahah! Sure no problem. Basahin niyo ang story na 'to kung paano nagsimula ang lahat simula ng dumating sa SB UNIVERSITY , Ang Seven Beast nas 'to. Enjoy :)