Chapter 20:
Anastasia's Point of View:
Dahil ako'y mabait na Student dito sa University namin, Pinauna ko na si Keira pumunta sa dorm dahil ayoko naman kasing mabagot dun noh! Ayaw ko naman na masayang make up ko, Choss! Wala naman talaga akong make up! hahaha! Hindi ako nagmamake up like duh? My Beautiful face and My Very Gorgeous Sexy Body will do! Talo pa neto ang mga babaeng nagmamakeup dyan at nagpapa facial. Hahaha!
Anyways, Naglalakad ako ngayon papunta sa Rooftop, Tutal wala naman kaming Klase ngayon tatambay muna ako sa Rooftop.
Halos 15 Minutes narin akong naglalakad, hagdanan kasi ang ginamit ko hindi ang elevator mahirap na baka ma trap pa ako dun.
"Boss Clif, Apat sila na nandun eh,"
Clif? Diba yun yung kahapon na naghatid saamin pabalik sa dorm?
Dahan dahan akong naglakad papalapit dun sa may nag uusap. Sana lang hindi sila bumaba sa hagdanan na kung saan sila nakapwesto ngayon dahil baka mamaya akalain pa nila na sinusundan ko sila.
"Sige. Nakuhanan mo ba ng pictures" Sabi ng isang lalaki na familiar ang boses na sa tingin ko ay si Clif.
"Opo Boss,"
"Anong itsura ng mga lalaki dun?"
"Yung isang lalaki may parang hiwa sa may taas ata ng kilay, Tapos yung dalawang lalaki, yun nga yung janitor at ang kasama niya. At may isang babae,"
"BABAE?!" Sigaw ng clif.
"SINO NANDYAN!" Malakas na Sigaw ng kung sino man na parang nasa may rooftop.
"Ford, Takbo."
Imbes na makatakbo ako nanigas ako sa kinakatayuan ko dahil nakita nila ako dito na nag tatago, pero imbes na tanungin nila ako hinila nalang nila akong dalawa.
"Anong Ginagawa mo dito Ms. Anastasia?!" Tanong saakin ni Clif habang tumatakbo kaming tatlo ng kasama niya.
"Pupunta sana ako sa rooftop kaso narinig ko kayong naguusap,"
"Sa susunod, wag ka ng aalis ng dorm niyo delikado na. Tara dito tayo!" Bigla kaming tumigil sa pagtakbo at binuksan ni Clif ang isang pinto. "Pasok!" Dugtong niya.
Pinauna nila akong papasukin tapos sumunod naman silang dalawa sa loob at isinara agad ang pinto.
"Bakit tayo nandito?!" Tanong ko sakanila na sinenyasan lang ako ng tumahimik daw ako.
Fine! Edi tatahimik.
Hindi nagtagal may biglang nagtatakbuhan na mga lalaki.
Teka!? Siya yung janitor na parang nakasunod saakin palagi!? Tapos yung isa niyang kasama na halos kinukuhanan ako ng picture. Anong meron?
"Nakita mo ba talaga yung lalaki fourth!?" Sigaw ng janitor na palagi kong nakikita.
"Ford, picturan mo." Bulong ni clif sa kasama namin.
Inilabas naman agad nung ford ang phone niya sabay picture sa lalaking janitor at sa kasama nito.
May gusto sana ako itanong kay clif kaso dibale nalang. Merong tatlong katanungan na naka stand by sa utak ko, parang wala naman kasing tamang oras para magtanong sakanila eh.
"Oh ayan na wala na sila," binuksan na ni clif ang pinto ng dahan dahan at sumisilip muna para sinisiguradong wala na ang mga lalaki na yun.
"All clear. Let's go," hinila niya ako at sabay takbo naming tatlo papalayo sa lugar na 'to.
****
Nandito na kami ngayon sa conference room. Ang conference room na punong puno ng kung ano anong gamit. Anong nangyari sa conference namin? Bakit ang gulo!?
Ilang saglit lang narinig ko na nagbukas ang pinto ng malakas kaya napalingon ako.
"ANASTASIA! NAPAKA TIGAS MO TALAGA KAHIT KELAN NOH!?"
"Xander?" Bakit siya nagagalit?
"HINDI KABA NAKAKAINTINDI NA BUMALIK KANA SA DORM NIYO HA!?"
"Ba-ba bakit ka gan-ganyan?" Hindi siya yung xander na nakita ko kanina, namumula siya sa galit pati ang kanyang boses nangangatog sa inis.
"PAANONG BAKIT!? TAKTE NAMAN!"
"Ah sir xander, lalabas na po kami."
Tumango lang si xander kay clif at ford habang nakatingin parin siya saakin.
"Umupo ka nga anastasia." Biglang hinahon nang kanya boses.
Sumunod nalang ako agad dahil ayoko ng makita pa yung itsura niya kanina.
"Pwede ba makinig kana saakin?!"
"Bakit?!" Pagtataka kong sagot.
Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit ba napaka pakeelamero nila sa buhay ko.
"Wag ka ng mag bakit!"
"But why!? Wala ba akong karapatan mag tanong!?" Sabay tayo ko sa upuan ko. "XANDER, AKO BA!?"
"Ha? A-anong ikaw!?"
"AKO BA YUNG GUSTO NILANG MAKUHA!?"
"Anastasia, this is not the right time to talk about those things." Sabi niya habang patalikod siya saakin.
"JUST ANSWER ME XANDER! AKO BA ANG GUSTO NILANG MAKUHA!?"
Humarap siya at lumapit saakin. "What if i said Yes?" .
Hindi ako makapag salita. Nanigas na nanaman ulit ako sa kinakatayuan ako habang nanlalamig ang kamay pati ang paa.
"Anastasia..." naramdaman kong hawak niya yung magkabila kong pisnge at sabay sabing.
"We're here for you anastasia. Nandito kami para protektahan ka. So please? Makinig ka naman saamin. Saakin. Can you?"
Tinignan ko na siya sa mata. Hindi ko alam kung bakit ganito siya saakin. Para talagang may hindi pa ako nalalaman sakanya, alam kong meron pero parang may pakiramdam ako na kakaiba sakanya. Yung boses niya, He sounds just like him.
"Is it you? Or am i just assuming?"
"Ang alin?"
"Ikaw ba siya.."
Bigla niyang inalis ang dalawa niyang kamay sa pisngi ko at napatingin siya sa bintana.
"Son of a Ghost."
"WHAT!? WHAT SON OF A GHOST!?" Nung nilingon ko yung bintana na tinitignan niya. Nakita ko ulit yung maskara na itim na may desenyong puti ang mata na nakatingin kay xander .
"Anastasia, Come here." Inabot niya ang kamay niya saakin kaya agad agad ko itong hinawakan. "Kapag sinabi kong tumakbo ka, tumakbo kana okay?"
"Anong tatakbo!?"
"Anytime pwede siyang pumasok sa pintuan na yan. Ngayong alam mo nang ikaw ang habol nila, kaya niyang pumatay basta makuha ka lang,"
BINABASA MO ANG
Ms. Suplada Meets the Seven Beasts
Mystery / ThrillerMs. Anastasia's Message: Gusto niyo akong makilala? Hahahah! Sure no problem. Basahin niyo ang story na 'to kung paano nagsimula ang lahat simula ng dumating sa SB UNIVERSITY , Ang Seven Beast nas 'to. Enjoy :)