Chapter 28

25 1 0
                                    

Chapter 28

Anastasia's Point of View:

Nandito ako sa isang lugar kung saan bigla bigla nalang akong dinala ng mga paa ko dito. Madilim at maraming puno sa Lugar na 'to. 

"Sis! Hintayin mo ako!" Sigaw saakin ni keira na tumatakbo papalapit saakin na may dalang flashlight. 

Nung pagka lingon ko sakanya, habang papalapit siya saakin nakita ko ang isang lalaki na may suot na maskara. Kagaya lang nung maskara ni raz.

Nakatayo lang siya dun sa malayo pero nakatingin saakin. May dala rin siya baseball bat. Ano bang meron sa baseball bat at palagi siyang may dala na ganito?

"Sis tara," Aya saakin ni keira. 

"Sige." Tipid kong sagot.

Maya maya biglang nag vibrate ang phone ko sa aking bulsa. Agad agad ko itong kinuha at tinignan.

Reniel Calling...

"Hello?" panimula ko.

[Anastasia, Magtago kayo sa makikita niyong pwedeng pagtaguan. Nandyan lang sa paligid si Thunder.]

"Ha?! Asan ba kayo?"

[Hindi na mahalaga kung nasaan kami, basta magtago kayo ni keira, hahanapin nalang namin kayo.]

"Pero te-"

Hindi na ako nakapag salita pa dahil binaba na niya ang tawag.

"Sis tumawag si-"

"SIS!?" 

Bigla bigla nalang siyang nawala sa tabi ko. Asan na si sis!? 

"SIS!"

"ANASTASIAAAA TULOOONGGGG!!!!!"

Sigaw sa kung saan na medyo malayo layo. 

Agad agad na akong tumakbo papunta sa paulit ulit ko na naririnig na tulong.

Pero bakit ganun!? Parang tumatakbo yung nagsasalita?!

"TULONGGG!!!"

Rinig ko sa medyo malapit. Hinawi ko ang mataas na damuhang nakaharang.

Laking gulat ko at isang babae lang ang bumungad saakin at nakangiti.

"Hi anastasia."

"SI-SINO KA! ASAN KAIBIGAN KO!"

"Patay na siya," Nung pagka sabi niya nun bigla niya nalang tinakpan ang ilong ko ng isang panyo na may nakakahilong amoy.

Sisigaw pa sana ako pero unti unti ng pumipikit ang mga mata ko.

**********

"ANASTASIA! SIS GISIINNNGGGG!!!!!"

Bigla akong nakaramdam ng may yumuyugyog saakin.

Pagkadilat ko ng mata ko nakita ko agad si Keira na kasama ang ibang beast na nandito sa loob ng kwarto. 

"Ba-bakit Kayo nandito!?" Sambit ko sakanilang lahat.

"Sis na nanaginip ka kanina." 

I suddenly rubbed my eyes and yah! Nananaginip lang pala ako. Ang sama naman ng panaginip na yun. Pero yung itsura ng babae parang nakita ko na siya dito sa university na 'to.

"Anastasia mag ayos ka may pupuntahan tayong siyam." Sambit ni Mac saakin.

"San tayo pupunta?" Tanong ko sakanilang lahat na nag si tinginan lang ang bawat isa sakanila. habang ako naman dito question mark padin ang mukha. "Ano walang sasagot? Pagbuhulin ko kaya kayong lahat?" Pagpuputol ko sa pagtitinginan nilang lahat.

Ms. Suplada Meets the Seven BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon