Chapter 24:

19 2 0
                                    

Chapter 24: THUNDER

Keira's Point of View:

Nandito ako ngayon sa canteen. Si sis kasi hanggang ngayon tulog padin walangya. Bumili muna ako dito ng apat na ice cream at dalawang tocino with rice. Alam ko naman na favorite 'to ni sis kaya bumili na ako.

"Ms. Keira here's your tocino with rice."

"Thankyou po," sabay ngiti ko sa englisherang tindera.

At dahil kompleto na ang binili ko mabuti pang bumalik na ako agad dahil kapag nagising yung si sis baka lumabas pa yun.

Paniguradong malalagot ako kay xander or a.k.a radz hahaha! Napapangiti ako kapag naaalala ko yung sinabi niya kanina. Alam ko naman kasi na mahal ni sis si radz lagi niya ngang nakukwento saakin yung radz na yun at miss na miss nadaw niya yun. At hindi ko rin inaakala na si radz at xander ay iisa lang tapos isa pa siya sa nagmamayari ng university na 'to.

Habang naglalakad ako papunta sa elevator, sa hindi kalayuan meron akong nakita na lalaki na nakasuot ng thunder na kwintas.

"Shit. Si sis."

****
Nandito na ako sa 4th floor kung saan ang dorm namin ay dito sa floor na ito.

Pero bago ako lumabas ng elevator chineck ko muna ang paligid at baka meron din ditong miyembro ng thunder.

Okay so wala. Naglakad na ako agad ng mabilis. Papunta sa dorm namin.

Mga ilang saglit may narinig akong sumipol ng medyo matagal at may tono pa na parang tinatawag ako.

Nung nilingon ko naman may nakita akong lalaki na nakamaskara.

OH M G!!!

Tumakbo na ako agad at inilabas ang susi sabay bukas ng pinto. Nang pagkapasok ko sa loob nilock ko agad ito.

Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang takot dahil nabigla ako sa nakita ko.

Kinuha ko na agad ang phone ko at tinawagan si reniel.

Halos paulit ulit narin ako ng tawag pero walang sumasagot. Shit namannnn!

*TOK*TOK*

Hindi ako nagsalita at sumilip ako sa silipan ng pinto. Bigla akong napatakip ng bunganga dahil nakita ko ang lalaking naka maskara pero wala siyang suot na kwintas ngayon pero panigurado akong ito ang leader ng thunder.

Lord, help us.

*TOK*TOK*

Muling katok nito sa pinto pero hindi ko parin pinansin at pinilit ko paring tawagan si reniel pero wala paring sumasagot.

*TOK*TOK*

Isang malakas na katok na ang narinig ko kasabay ng pagbukas ng pinto nang kwarto namin dito sa loob ng dorm.

"Anong ginagawa mo dyan sis!?"

Hindi ako nagsalita at sinenyasan ko lang si anastasia na tumahimik.

"Bakit?!"

*TOK*TOK*

"Sis may kumakatok,"

Hindi ako umalis sa pwesto ko dito na nakaupo at nakasandal sa upuan pero lumapit si sis at hinila ako.

*TOK*TOK*

"Sandali lang."

Bigla naman binuksan ni sis ang pinto at bigla nalang akong napasigaw ng..

"WAGGGG!!!"

Pero huli na ako dahil binuksan na niya ang pinto.  Wala na ako ibamg ginawa kundi takpan na lamang ang buong mukha na malapit ng mapaiyak.

"Uy raz, ikaw pala yan."

Huh?! Anong raz!? Tinanggal ko ang pagkatakip ng mga kamay ko sa mukha ko at sumilip ako agad sa pinto para malaman ko kung sino yun.

"Hey. Kamusta pakiramdam mo?"

"Ayos lang naman hehe. Bakit ka napapunta dito?"

Parang may mali. Meron akong pakiramdam na may kakaiba sa Raz na 'to. Parang kanina lang yung lalaking naka maskara lang ang nandito sa labas ng pinto tapos ngayon iba na?!

Pinagmasdan ko ang damit niya habang naguusap sila pero naka white siya at hindi black. Sino 'to!?

Hindi parin ako nakuntento sa pagtingin sa suot niya ngayon. Hanggang sa may nakita akong tatoo na thunder sa may leeg niya. AHA! HULI KA BALBON GALING MONG MAG CHANGE OUTFIT HA! 


"Sige na aalis na ako at mukhang ayaw ata ako ng kaibigan mo,"

"Ah.. hahaha hindi ka ayaw niyan, ganyan lang talaga yan."

"Ah ganun ba. Hahaha! Oh sige alis na ako."

"Sige bye!"

Hinila ko na agad sis papasok dito sa dorm at isinara ko kaagad ang pinto.

"ARAY SIS!"

"Shh! Dyan kalang ha! May binili akong ice cream at tocino may pupuntahan lang ako."

"Ha!? Saan ka pupunta!?"

"Ah.. bibili ulit ice cream! Sige na lock mo yung pinto ha wag kang lalabas!"

Binuksan ko ng dahan dahan ang pinto at sa hindi kalayuan nakita ko ulit yung raz na kausap ni sis na ngayon ay may kausap naman na lalaki.

Nandito muna ako at patagong sumisilip sakanila.

Nang matapos na silang magusap nakita ko na yung raz na may nilabas sa likod ng damit niya. Ito ay black na t-shirt tapos nung inalis niya ang pagkapulupot ng maayos ang damit may nakapaloob dito na maskara.

What the F!? So siya nga si Thunder.

Nakilala ko narin ang maskara na yan dahil yan din ang suot nung lalaki na kumaway kay anastasia nung nasa conference room kami ng kabilang building, pagkatapos nakita ko rin 'to nung tumatakbo ako pabalik sa dorm, at ngayon naman nakita ko ulit ito na suot niya nung pabalik ako dito sa dorm kanina.

Kailangan malaman 'to nila xander. Mabuti pang hindi muna ako lumabas ng dorm at tawagan ko nalang muna sila reniel.

Pero bakit thunder ang sabi ni xander na pangalan? Kung kanina naman ay raz ang pagkakasabi ni sis.

So kung si radz at xander ay iisa. Edi ang raz at thunder ay iisa din?

Ms. Suplada Meets the Seven BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon