Chapter 14 :
Reniel's Point of View:
"Asan naba si Xander ha!?" Tanong ko sa mga bulok kong kasama.
"Malay ba namin! Nakita mo naman na tayo ang magkakasama tapos samin mo hahanapin si Xander!" Sagot ni Mac.
"Sabagay may point ka dyan." Kahit pala minsan lang umeksena 'tong si mac may kwenta din pala kahit minsan mga sinasabi niya.
"Baka naman mamaya napahamak na yun!?" Oo nga noh? Magaling Jemuel! Magaling!
"Hindi noh! Imposible din," Sulpot ni Sam.
"At paano mo naman nasabi ?!" Tanong ko.
"Diba sabi na nga nung mga lalaki na kasama natin kanina, habang umiikot daw tayo at kumakatok sa mga pinto, chineck nadaw nila yung buong university, wala nadaw yung mga ungas,"
"Paano mo naman sila nakausap!?" Biglang tanong din ni sam.
"Eh diba nga! Nag cr ako dun habang kayo umiikot mga tanga!"
"Makatanga ka ah! Batukan kita dyan sam eh!"
"Oh oh oh! Tama na yan! Yan na nanaman kayong dalawa eh!" Pagpipigil ko kay Jemuel at sam. Para kasing mga bata 'to eh, kapag hindi pa aawatin magaaway padin.
"Alam niyo, kung kayo magbabangayan dyan mabuti pang hanapin nalang natin si Xander,"
"Oo nga tama si phil. Tara na wag na kayong magaway dyan!" Pagsasangayon ko kay phil.
**
Nauna na akong lumabas at naglakad para hanapin si Xander the Great! Napaka Great kasi! Super Great!
Tsaka ano naman gagawin niya sa 9:50 pm?! Mag kukungfu sa bubong!? Lakas talaga ng topak ng Uhugin na yun!
Maya't maya may naramdaman akong nag vavibrate sa phone ko, Kaya agad agad kong kinuha yung phone ko sa bulsa at sinagot ko na agad.
"Hello?" Sagot ko.
[RENIELLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLL!!!!!!!!!!!!!!!!!!!]
Ahhh! Shit! Sakit sa tenga ng boses neto! Walangyang Keira 'to.
[RENIEL RENIELLL!!]
"ANO!? SARADO NA TINDAHAN BUKAS KA NALANG BUMILI NG YELO!"
[SIRAULO KA TALAGA EH! SI ANASTASIA WALA DITOOOO!!!!"
"HA!? ANONG WALA!? Eh bawal nga lumabas ng mga dorm diba? lalo na ngayon lagpas 8 na,"
[Eh kasi naman ih! Kanina maaga ako natulog! Tas naiwan siya sa may sofa magisa! Tapos hin-]
"AH SHH! SHATAP! CHILL! PAPUNTA NA AKO DYAN SA DORM NIYO!"
Binaba ko na agad yung tawag tapos tumakbo papunta pabalik sa dorm, kasi magkatapat lang rin naman yung dorm nila keira at saamin. Buti nalang sakto nung tumatakbo ako nakita ko yung mga kaibgan ko sira.
"HOY! NIEL! BAKIT KA TUMATAKBO DYAN? ANO JOGGING!? AHAHHAHA" Pagbibiro ni Jemuel kaya tumawa silang lahat.
"SIRA! BASTA! BALIK DUN!"
"HA? Anong balik?!" biglang tanong saakin ni phil pero nilagpasan ko lang silang lahat habang tumatakbo padin ako.
"Alam niyo sunod nalang tayo, tara na." Rinig kong sabi ni Mac sa likod.
****
"Eh nawawala din si Xander! Hindi kaya magkasama sila?" Pagbabakasakali ni sam.
Pero pwede din na magkasama sila at pwede rin na hindi. Edi nagsigawan na yung dalawa na yun.
"A-an-ano na ang gagawin natinnn!?" Halatang takot at kabado na sabi ni keira na kaibigan ni anastasia.
"ANO PABA? TARA NA NGA! WAG NA KAYO MAGTANUNGAN DYAN!" Nung pagkasabi ko nun nagsitinginan sila saakin dito sa tapat ng pinto kung saan ako nakatayo. "Sino sasama saakin? Dalawa lang," Dugtong ko.
"Ako nalang!" Taas kamay na sabi ni phil.
"Sige, Sino pa?"
"AKO AKO!"
"No, Stay here keira. Gabi na dyan kalang. Ikaw na ngalang mac. Tara na. Oh kayong mga naiwan ingatan niyo yan si keira. Ilock niyo yung pinto.
"SIGE." Sabay na sabi nila sam na naiwan.
"Tara na." Sabay tapik ko sa dalawa na kasama ko na sina mac at Phil.
Tumakbo na kami agad nung nakalabas kami sa dorm nila keira.
Sira kayong dalawa Xander at Anastasia pasaway talaga kayong dalawa! Asan naba kayo? Sana magkasama kayo kahit alam kong mag gigyera kayo.
*****
Nandito kami ngayon sa garden. Kasi alam ko naman kung saan ang gustong lugar nun ni Xands. Pero nabigo kami at wala.
"Asan na ba sila bro!?"
"Hindi ko nga alam phil eh takte talaga!" Inis kong sagot sakanya.
"Bro, Sige na maghiwa hiwalay nalang tayo gusto niyo?"
"Sure kaba Mac? Delikado kaya bro,"
"Kaya ko magisa kayo nalang magsama ni mac, phil."
"Sure ka bro?" Paninigurado ni mac.
"Yup. Sige na, tawagan ko nalang kayo kapag kailangan. Ingat mga bro." pagpapaalam ko sakanila.
"Sige sige ikaw din," Sagot ni phil.
BINABASA MO ANG
Ms. Suplada Meets the Seven Beasts
Mystery / ThrillerMs. Anastasia's Message: Gusto niyo akong makilala? Hahahah! Sure no problem. Basahin niyo ang story na 'to kung paano nagsimula ang lahat simula ng dumating sa SB UNIVERSITY , Ang Seven Beast nas 'to. Enjoy :)