Chapter 23:
Xander's Point of View:
"Do you love anastasia?" Tanong ni keira makapagpapigil hininga na halos magpaulit ulit sa utak ko ang sinabi niya.
Do you love anastasia?
Do you love anastasia?
Do you love anastasia?
"I Better go,"
"No you're not going anywhere unless kung sasagutin mo tanong ko." Sambit niya saakin.
"Fine! Yes, I Love You! Since 2013. I really Love Anastasia Lee. Higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Kahit ikamatay ko pa ang pagproprotekta sakanya, ayos lang. As long as she's safe. Masaya na ako dun."
Tatayo na sana ako kaso bigla siyang nagsalita at sinabing,
"What if, mamatay ka nga nung pinoprotektahan mo siya?"
"What do you mean?"
"Paano kung mamatay ka ngayong pinoprotektahan mo siya. Hahayaan mo nalang na hindi niya malaman na mahal mo siya? Paamo kung mahal ka pala niya?"
"I don't want to aasume keira."
"It's not all about assuming xander. It's about what you feel. Paano kung pakiramdam mo mahal ka nga talaga niya? Kaso iniisip mo naman na hindi ka niya mahal? Paano ka magkakalakas ng loob niyan kung nangingibabaw pagka nega mo?"
This Girl. Sarap lagyan ng tape sa bunganga.
"Oo na sige na. Aamin ako pero wag ngayon. Baka mahirapan akong lapitan siya pagka nalaman niya kung sino talaga ako."
"Paano kung kilala kana talaga niya?"
"Magpapakilala parin ako at magpapaliwanag. I need to go. May aasikasuhin pa ako. Yung bilin ko sayo keira ha? Magingat kayong dalawa."
Binuksan ko na yung pinto at lumabas sabay sara ulit nito.
Hindi ko akalain na may ganun palang side ang bestfriend ni anastasia. Pero thanks to her at nadagdagan ang lakas ng loob ko.
Pumunta lang naman talaga ako dun para sabihin na magingat sila dahil sigurado na akong malapit lapit na yung panahon na tahimik na darating ang mga Thunder.
"Bro, san punta?" Bigla akong napalingon sa likod ko sa taong nagsalita.
"Uy, kim. Pupunta ako sa dark room ikaw?"
"Dun din. Nakuha na namin yung order natin na CCTV at nakaset na silang lahat. Tinulungan kami ng grupo ni Clif."
"Maasahan talaga si Clif. Okay so ano next na gagawin?"
"Chicheck naman natin ulit yung mga papel ng bawat students na ihahandle nating mga beast."
"Sige. Bilisan na natin."
4:30 narin kasi eh. Kailangan bago mag gabi o bago lang man magdilim, kailangan ayos na 'to lahat.
******
Nandito na kami sa Dark Room. Kasama namin dito si clif nakasalubong namin siya kanina, may gusto daw siyang sabihin saamin eh.
"Sir xander. Tignan mo 'to." Biglang sabi ni clif saakin habang tinitignan ko ang mga papers na binigay saakin nila kim.
Kinuha ko naman agad yung phone na inaabot niya.
"Very Good Clif. Sa rooftop 'to tama ba?"
"Opo sir xander,"
Sa rooftop lang pala sila madalas nagkikita. Pero sino 'tong babae na' to!?
"Sino yung babae na 'to!?" Tanong ko kay clif habang tinuturo ko ang babae sa picture.
"Patingin." Aniya.
Nanlaki naman bigla ang mata niya nung nakita niya ito.
"Sir xander, taga dito po iyan sa school na 'to."
"Sundan niyo yang babae na 'yan. Siguraduhin niyong hindi niya malalaman na sinusundan niyo siya. Naiintindihan mo?"
"Yes sir xander. Mauuna na po ako, kailangan magawa na namin ng maaga 'to."
Tumango nalang ako dahil masyado akong napaisip sa pinakita ni Clif.
Naalala ko tuloy yung may sumigaw na babae na tulong a kabilang building tapos may lalaki na tumawa, pwro nung pinuntahan naman namin walang babae dun. Hindi kaya? Yung babae na sumigaw nung gabi na iyon eh siya din ang babae na nasa picture kanina?
"HUY!" Gulat saakin ni sam.
"Walang hiya ka talaga." Nung pagkasabi ko nun tinuloy ko narin ang pagtitingin sa mga papers na nandun.
"Sigurado ba kayo na yung mga binibigay niyo saakin eh nakopya niyo na ang mga pangalan!?" Tanong ko sakanilang lahat pero si sam lang ang sumagot.
"Yes boss! Tsaka patapos narin yan. Kanina pa kasi namin ginagawa yang mga yan."
"Sisipag niyo ata ngayon?"
"Syempre naman bro, hindi pwedeng masira ang Sb University," biglang salita ni kim.
"Oo nga naman bro, tsaka alam mo mabuti pa mag monitor ka nalang muna xands," dagdag ni Phil.
"Sige." Tumayo na ako at tumabi kela jemuel, mac at reniel.
"Oh xands, dito ka bro," aya sakin ni Mac.
"Di na tatayo nalang ako." Sambit ko.
Mga ilang minuto rin tahimik sa dark room. Busy kasi kaming lahat. Kanya kanyang gawain ang ginagawa.
Dahil sa kalikutan ng mata ko na kung saan saang monitor ito tumitingin, hindi ko inaasahan na makikita ko nanaman muli ang hinayupak na thunder na 'to.
"Hey guys. Tignan niyo 'to"
"Bakit xands?" Tanong ni kim
Sabay turo ko sa monitor kung saan nakita ko yung hayop na thunder na yun.
"Ano na nanaman ba ang trip niya?!" Galit na sambit ni mac.
"Lalabas na muna ako!"
"UY UY UY! TEKA!"
"BRO KALMA!"
"HUY!"
"XANDS WAG!"
"NAHIHIBANG KANA BA!?"
"WAG!"
Sabay sabay nilang sabi saakin habang hinaharangan yung dadaanan ko.
"T*ng*n* naman kasi mga bro! Ayaw niyang tantanan si anastasia!"
"Gusto mo ba mamatay xands!?" Biglang lingon ko kay reniel sa likod habang nakatingin siya sa monitor. "Tignan mo 'to."
Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at lumapit ako agad.
"Kita mo yang nasa likod niya!? Kutsilyo yan xands oh kutsilyo!"
"Wala akong pake! Kailangan kong puntahan si anastasia! Tignan niyo nga! Ilang pinto nalang malapit na siya sa dorm nila anastasia!"
"ASAN!" Sabay sabay nilang sabi at tingin sa monitor.
"Shit! KUNIN NIYO NA YUNG PANGKURYENTE NATIN!" Sigaw ni reniel.
Kinuha naman agad ni jemuel yung stun gun o electric gun namin na gagamitin para sa thunder na 'to.
Sabihin man natin na si thunder lang ang nakikita namin dito sa monitor pero paniguradong may nagbabantay padin sa paligid na mga miyembro niya.
BINABASA MO ANG
Ms. Suplada Meets the Seven Beasts
Mister / ThrillerMs. Anastasia's Message: Gusto niyo akong makilala? Hahahah! Sure no problem. Basahin niyo ang story na 'to kung paano nagsimula ang lahat simula ng dumating sa SB UNIVERSITY , Ang Seven Beast nas 'to. Enjoy :)