Chapter 15

28 5 0
                                    

Chapter 15:

Reniel's Point of View:

"NAPAKA MO TALAGA XANDERRRR!!!!" Sigaw ko sakanya habang magkausap kami sa phone.

[SORRY NA! MALAY KO BA NA HAHANAPIN NIYO KO!]

"Asan kabang tukmol ka!"

[Nandito po itay sa may garden]

"Anong garden! Eh kakagaling lang namin dyan kanina!"

[Kanina yun! Iba ang kanina sa ngayon! hahahahah!]

"T*rantado! Humanda kalang sakin pagpunta ko dyan!"

[HAHAHAHA KALMA BOSS! BUHAY PA AKO!]

Binabaan ko nalang siya at sabay tawag ko kela phil. Na hanggang ngayo'y naghahanap parin kay xander.

[Yow bro, nakita na namin si xands. Nahuli pa nga namin na sinusundan niya si anastasia habang papunta dun sa dorm nila ni keira hahah! ]

"Sige bro, balik na kayo dun sa dorm, puntahan ko muna si xands sa garden,"

[Ha!? Paano mo nalaman na nasa garden siya!?]

"Tinawagan ko siya kani-kanina lang. Siga na bro! Dun na kayo,"

[Sige bro, ingat kayo. 10:30 narin eh.]

"Oo sige, kayo din,"

Binaba ko na agad ang call namin, sabay pumunta na ako sa garden kung nasaan 'tong si xander.

Magpapaliwanag ka sakin xander.

******

"XANDER!" Sigaw ko sakanya habang nakahiga siya sa bench at nakatingin sa kalangitan na punong puno ng mga bituin.

"Yow bro, tara." Aba? Mukhang hindi ata takot yung loko sakin ah?

"Magpaliwanag ka nga," mahinahon kong sabi sakanya habang paupo ako sa bench na kaninang hinihigaan niya na ngayon nakaupo nalang siya.

"Sorry bro, si anastasia kasi ang kulit eh."

"Bakit? Nag-aya ba siya kanina na lumabas? Nag-aalala rin kasi yung kaibigan niya dun sa dorm nila,"

"Kanina kasi, nung lalabas ako ng dorm para magpahangin. Saktong sakto naman na lumabas siya nung papalabas palang ako. Kaya hindi na muna ako lumabas at sinilip ko muna kung anong ginagawa niya dun, eh alam niya naman na delikado tsaka bawal ng lumabas kapag ganun na ang oras."

"Oh ano pa?"

"Tapos nung mga ilang minuto rin, umalis siya, pero bago yun kumuha muna siya ng jacket tsaka siya tuluyang umalis. Tapos nung medyo nakalayo layo na siya tsaka lang ako lumabas tapos sinundan ko na siya."

"Mala ninja ka din eh noh?!"

"Hahahah! Alam mo naman na kahit malaking epal ang turing saakin nun sa buhay niya, babantayan ko parin siya kahit masama sa kalooban ko."

"Ogag! Anong masama?! Hahahah!"

"Biro lang hahaha!" Masama bang bantayan yung babaeng minahal niya noon pa? "Bro," tawag niya saakin na parang malungkot.

"Oh ano yun?" Sabay lingon ko sakanya na siya naman ay nakatingin sa kalangitan.

"Hirap." Mukhang alam ko na ang sinasabi niya.

"Ka-" wala pa akong nasasabi na isang word na buo nagsalita na siya bigla.

"Hirap mag tago." Mga oras na 'to nakatingin na siya saakin. "Lalo na sakanya." Sabay tingin ulit niya sa mga bituin.

"Bro, ano ba ya-" pinutol na nanaman niya yung sasabihin ko, langya talaga.

"Isipin mo yun. 4 years kami naging magkakilala, pero hindi niya nakita mukha ko."

"Puro ba naman kasi grumpy cat ang ginagamit mong dp paano ka niya makikilala!?"

"Natatakot ako bro, baka hindi niya ako magustuhan noon. Tsaka alam mo naman nung magpapakita na ako ng mukha kong gwapo at aamin sakanya na gusto ko siya noon pa, bigla bigla siyang nagka boyfriend."

"Kita mo, natatakot kang mag dp ng tunay mong itsura kasi baka hindi ka niya magustuhan? Bro naman, asan utak mo? Hindi nababase ang itsura kapag nagmamahal."

Nabalot na ng katahimikan ng matapos akong magsalita. Mukhang napaisip din si xands sa sinabi ko eh. Well! Gwapo sayings.

"Bro, osige. Ipagpalagay na natin na mahal ko siya." Aniya.

"Oh, and then?"

"Ang tanong Mahal niya ba ako?"

"Siraulo kaba talaga? Kayo 'tong naguusap at nagchachat noon diba? Hindi ka naman siguro manhid para hindi mo malaman kung mahal ka niya."

"Na stike 2 ako sa sinabi mo na yan niel ah? Hahahaha!"

"Siraulo ka eh. Magagawa natin. Tsaka sa tingin mo ba, tatawagan ka nun at ichachat kung hindi ka niya gusto?"

"Malay mo friends lang. Ayoko mag assume bro."

"It's not about assuming bro. It's all about what you feel. Walang naman mag aassume kung wala kang naramdaman na something. Tandaan mo yan, sulat mo sa papel baka makalimutan mo pa. Hahahah!"

"Tarantado. Itype ko nalang sa memo ko HAHAHAHAH!"

"Bro, diba? Hindi narin kayo nakapag usap? For about 2 years? Dahil sa may boyfriend na siya noon?"

"Ah.. yah. Nagkakilala kami nun sa laro nung 2013 tapos bandang 2014 nawala dahil nagka boyfriend na siya. Tapos 2016 na ulit kami nagkausap."

"Don't tell me nung may boyfriend siya naghintay ka?"

"Naghintay ako bro. Mahal ko eh."

"Woah! Shit! HAHAHAH! IKAW BAYAN!!!?"

"Oo, ikaw ata siraulo dyan eh."

"Kaya ka walang girlfriend eh, kakahintay dyan. "

"So what? I want her to be my first and last. I don't even care kahit benteng babae pa lumapit saakin kahit sexy man yan. All i want is her, si anastasia lang wala ng iba."

"Iba ka talaga bro," sabay hawak ko sa balikat niya.

"Iba talaga ako. I'm willing to wait."

"Pero bro, hindi pa 'to ang tamang panahon para dyan. Problemahin muna natin ang Thunder."

"Oo alam ko. At alam ko rin na ang leader ng thunder ay gusto si anastasia."

"Siya kaya yung kumaway sa bintana kanina?"

"Oo siya yun."

********
Third person's Point of View:

Napakagaling naman ni xander ang Mr. Lover Boy ng grupong beast. HAHAHAH!

Kanina ko pa sila pinapanood dito, nangangalay na nga kamao ko dito eh. Gustong gusto ng sumuntok, sino siya para mahalin ang anastasia ko. Sakin siya xander, humanda ka.

Sa ngayon iiwanan ko na kayo ng kaibigan mo dyan, malapit na ang pagtutuos xander.

Good luck Beasts, i will be back.

Ms. Suplada Meets the Seven BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon