Chapter 33
Cliff's Point of View:
"Ayaw mo po bang malaman kung ano ang balak ng kuya?" Pagbabasag ko sa katahimikan dito.
15 minutes narin ata kasi kaming nakaupo dito at tahimik. Nung matapos kasi siya magsalita kanina hindi narin ako sumagot pa.
"Wag na Cliff. Hayaan mo nalang na masurprise kami," sagot niya sabay tapik sa balikat ko at nakangiti.
"Napaka galing mo talagang leader hyung."
"Anong tawag mo sakin?!"
"Hyung." Paguulit ko.
"Bakit hyung?"
"Kuya. Nakakatanda."
"I know pero bakit yun ang tawag mo sakin?"
"Ayaw mo naman ng sir eh! Kaya hyung tawag ko sayo dahil nakakatanda ka sakin." Sabay nginitian ko siya.
"Hahaha! Magkaiba nga kayo ng kuya mo." Sabi niya habang ginugulo ang buhok ko.
Maya maya napaligon kami sa likod dahil sa biglaang may nagsalita.
"Xander!."
"Oh!? Kim bro, bakit ka nandito?!"
"Tumayo kayong dalawa dyan, si anastasia muntik ng makuha ni thunder!"
Tumayo naman kami agad at sumunod sa direksyon kung saan papunta si kim.
Habang tumatakbo kami biglang bumuhos ang malakas na ulan pero tuloy parin kami sa takbo. Gabi narin kaya medyo nakakakaba na.
"ASAN SI ANASTASIA, KIM!?" Tanong ni hyung xander
"CONFERENCE!" Sagot ni nito habang tumatakbo kami.
****
Nandito na kami sa conference room ng building namin. Kinakausap nila ngayon si anastasia habang ako naman tinatawagan si ford.
[Hello bro?]
"Ano ginagawa niyo?"
[Nagbabantay kami bakit?]
"Muntik nadaw makuha si anastasia!"
[Alam ko bro, sinundan ko kanina ang kuya mo kaso ang bilis niyang nawala sa paningin ko.]
"Sige. Mag ikot kayo ngayon check niyo lahat pati mga hagdanan."
[Alam mo naman siguro bro kung saan nakapwesto ang kuya mo...]
"Anong kung saan nakapwesto?"
[He's here bro. Nandito lang siya sa loob ng building. Naalala mo nung sa rooftop?]
Tama si ford. Bakit hindi ko agad naisip yun.
"Sige bro. Puntahan ko yun mamaya."
[Sira wag! Baka kung ano mangyari sayo!]
"Hindi ako masasaktan ng kuya ko." Nung pagka sabi ko nun binaba ko na agad ang tawag sabay punta sa pwesto nila xander na galit na galit.
"Xands, mabuti pang ihatid mo na si anastasia sa dorm niya, maglilibot kami dito sa buong university." Sambit ni reniel.
"Oo bro. Hatid mo na siya dun tapos bantayan mo muna sila isama mo na 'tong si sam." Sabay tulak ni phil kay sam.
"Oo ba! Makakapag pahinga pa ako!" Pagsangayon ni sam.
"Isasama ko si clif saakin." Muling sambit ni hyung xander habang nakatingin saakin, kaya tinanguan ko siya.
"Sige bro, Mabuti pang maglakad na kayo ngayon." Sabi ni jemuel.
Tumayo na agad si xander at pinunasan ang mata ni anastasia na umiiyak sabay inilalayan ito patayo sa kinauupuan niya.
"Hyung xander, mauna na kayo dito ako sa likod niyo." Aniko.
"Sige," aniya. "Mauuna na kami. Ingat kayo." Sabi niya sa mga kaibigan niya.
**
Habang naglalakad kami papunta sa elevator. Hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa likod ko. Dahil parang may nakasunod saakin.
Binalewala ko nalang ito at nagpatuloy ako sa paglalakad ko.
Maya maya nung nakasakay na kami ng elevator biglang may tumalon na babae sa harap ko kaya napaakap ako dito ng wala oras.
"Sorry po kuya!"
"Ah.. okay lang."
Nang nakita ko na yung mukha ng babae laking gulat ko at si keira lang pala.
"Anong ginagawa mo dito!?" Sigaw ko sakanya.
"EH ANO PABA! EDI SINUSUNDAN KO KAYO!"
"Keira, alam mo bang delikado?!" Biglang salita ni hyung xander.
"Ih! Natatakot ako dun sa dorm ako lang magisa!" Sabi niya habang papalabas kami ng elevator.
"Wow?! Natakot kapa talaga nasa loob kana ng dorm?" Sambit ni xander.
"Oo nga, pero nung sumusunod ka saamin di ka natakot?!" Dugtong ko.
"Wala kaya ako kasama dun! Si sis kasi ang tagal eh!" Pagmamaktol niya habang tinuturo si anastasia.
"Kaya siya natagalan kasi si thunder muntik na siyang makuha," sambit ko.
"What!?"
"What what ka dyan. Manahimik ka muna at dun na mag react sa loob ng dorm niyo." Muli kong sabi.
*****
Nandito na kami sa dorm nila keira at anastasia.
Nilock na agad namin ang pinto dahil baka may manggulo na nanaman.
"Salita kana ipashem," pagaalalang sabi ni hyung xander, pero tinignan lang siya ni anastasia.
"Alam mo sis. Mabuti pa na matulog kana,"
Tumayo naman agad si anastasia at humawak sa kamay ni keira pero pinigal ni xander ito.
"Ops! Ako na maghahatid sakanya." Bigla nitong sabi.
"Ay sige po mahal na hari." Pangaasar ni keira na siyang ikinataas ng kilay ni xander. "Joke lang!" Dagdag nito.
Habang pinagmamasdan ko si hyung xander na hinahatid si anastasia sa kwarto nito hindi ko maiwasan na makilala ko siya sa paraan kung paano siya magmahal.
Si hyung xander yung tipo ng lalaki na kakaiba mag mahal. Hindi ko pa man alam ang buong istorya ng paghihintay niya kay anastasia, panigurado akong, Worth It, ang paghihintay ni hyung xander, sa tingin ko naman rin kasi mahal siya ni anastasia, kung magalala kasi siya noong nanggulo ang grupong thunder sa kabilang building panay ang kamusta at tanong niya kay keira pati saakin kung okay lang kaya si xander pati ang mga kasama niya, pero obvious naman na mas alala siya kay xander hahaha! At Kung paano rin ni hyung xander alalayan, ingatan, at ipaglaban si Anastasia, halatang halata mo na agad sakanya ang pagmamahal niya kay anastasia.
BINABASA MO ANG
Ms. Suplada Meets the Seven Beasts
Misteri / ThrillerMs. Anastasia's Message: Gusto niyo akong makilala? Hahahah! Sure no problem. Basahin niyo ang story na 'to kung paano nagsimula ang lahat simula ng dumating sa SB UNIVERSITY , Ang Seven Beast nas 'to. Enjoy :)